Dahil naranasan ko na ang sakit na ipinataw sa akin bilang parusa dahil sa walang preno kong pagpaalipin sa pagkain ... at sa mapanuksong anyaya ng sarisaring inumin ... tingin ko para na akong eksperto kung GERD ang pagusapan. Feeling ko tuloy ... para akong walking encyclopedia on this topic. At bakit naman hindi? Eh parang nilumpo ako ng kondisyong ito ... aba mantakin mo ba naman ... isang linggo akong hindi nakalabas at itinali pa ako sa kama ... making me wonder habang namimilipit ako sa sakit ... if there is life out there outside the confines of my room.
Take note ha ... despite the pain ... people will surely ask kung bakit hindi man lang sumagi sa isip ko na bumisita man lang sa isang doktor? Ganyan kasi ako. Ugali ko munang tulungan ang aking sarili bago maghanap ng lunas sa iba. Sa nangyari sa akin naging practical lang ako dahil iniisip ko ang financial repercussions ng decision ko ... sakali mang papanig ako at pakinggan na ang madaliang lunas is the right option.
Kung ang sakit ang driving force at ora mismo kakaripas ako ng takbo sa ospital ... ano pa ba ang silbi ang aking napag-aralan kung ang mga desisyon ko ay galing sa silakbo lang ng agarang pag-galing at hindi na iisipin pa ang financial aspect ng sitwasyon. I bought extra time sorting out all this mess. Sa isipan ko nagtatalo ang mga contradicting pros and cons ... but at the end of the day ... reason win.
Nanaig pa rin ang utak ... laban sa puso. And I was glad I persevered ... otherwise it would mean thousands of pesos leaving my coffers. Imagine pupunta ka sa hospital ng disoras ng gabi pagkatapos nagwaldas ng pera para sa isang sakit na pwede namang imanage lang sa bahay. At dahil lang sa nerbiyos at kapraningan sa kung ano ang nangyari ... magtapon ka ng pera dahil hindi ako nagiisip ng mabuti. Hindi ko talaga mapatawad ang aking sarili had I acted because of the fear of the unknown.
Anyways ... umpisa na tayo sa ating diskusiyon.
THE SIGNS AND SYMPTOMS:
1. Heartburn - ang tawag dito ng iba ay acid indigestion. Ang ibang tao described it as "burning chest pain" at dahil sa pananakit sa dibdib ... akala tuloy ng iba they are experiencing mini-heart attack. In heartburn may nararamdaman kang pressure going upward sa direction ng lalamunan. Kung minsan akala ng iba ... the food na kinain mo ay papunta pabalik sa mouth. Totoo yon dahil nalalasahan mo pa ang sour at bitter taste ng acids.
Ito yong time na ang LES or lower esophageal sphincter natin ay nagma-malfunction. In our discussion in our earlier posts pag kumain tayo ... ang sunod nating gawin ay maglunok (swallow). Everytime na maglunok tayo ... ang LES natin opens ... allowing food na magpunta sa stomach. In normal condition automatic din itong nagsasara pagkatapos pumasok ang pagkain ... pero if there is a breakdown sa sequence ... something is wrong sa functionality ng LES. When this happens - lahat ng gastric vontents which include food, gastic juices pati na hydrochloric acid ay tinutulak nito pataas (acid reflux).
Sa kaso ng GERD malala na ang sitwasyon - hindi lang aksidente ang pag-malfunction ng LES ... baka matagal na itong sira and it is not on a tiptop shape. Ibig sabihin permanente na ang damage dala ng acid reflux - at ginawang nakanganga palagi ang LES kaya wala ng nagsasara para harangin ang mga unwanted acids na ito.
Ito ang tandaan ... ang heartburn usually umaatake pagkatapos kumain lalo na sa gabi. At ang sakit na dulot nito ay matindi kung ikaw ay nakahiga - why? ... kasi kung flat ang position mo sa bed ... labas masok ang mga hinayupak na mga acids (HCL) na yan. Akala niya bahay niya ang tiyan mo at free board and lodging siya.
2. Pain - Dalawa lang ang rason why there is pain in GERD. Una dahil ito sa bloating dahil puno ng hangin ang tiyan. Sa lumolobong tiyan pwede ka magsuka at pwede ring mahirapan ka sa paghinga. Nagyari ito sa akin kaya alam ko. Ang ikalawa naman ... may sakit talaga kung nakagawa na ng tissue damage ang acid invasion. There will be pain lalo na kung nagkaroon na ng inflammation sa esophageal tissues ... pwedeng din itong mag-bleeding ... at pwede ring mag-ala Michael Jackson moonwalk sila at napagkamalang buwan ang stomach natin at gumawa pa ng craters (gastric ulcers) sa mga lugar na ini-istambayan nila.
2. Dysphagia - otherwise known as (troubled swallowing). At bakit naman pati paglunok ay problemado aber. Kasi naman yong Hydrochloric Acid ay ginawa nang swimming pool ang tiyan mo ... at dahil retirado na ang LES ... wala na itong silbi ... yong dating mga guardia na humarang sa mga unwanted na bisita ay senior citizen na. Stomach acid backing up sa esophagus can create permanent damage sa esophageal tissues. Minsan ginagawa nilang masikip ang LES kaya ang ibang taong apektado ... has problem swallowing.
3. Feeling of a lump in the throat - actually wala namang bukol sa throat in real life ... pakiramdam lang ng pasyente yon. Ako nga naramdaman ko rin ito. Akala mo tuloy nagka-goiter ka. Ang explanation dito ay ganito: Kapag pumasok na ang hydrochloric acid sa lalamunan ... it creates a feeling of muscle tension or swelling sa throat ng pasyente ... kaya nagiging praning ito making him believe na may bukol or may blockage sa throat niya.
4. Bloating/Burping/Belching - Ang 3 B's na ito madalas maobserbahan especiallly pagkatapos na ang patient was observed to have frequnent swallowing kahit walang kinakain as a result of the backing up ng acid sa lalamunan. This will allow him to swallow more air ... at ginawa ang stomach na magiging bodega ng excess air. Kaya ano pa ba ang aasahan mo sa tao na puno ng hangin ang tiyan ... kundi magdighay, umotot or sumuka. Expected na yon.
5. Nausea and vomiting - Pwede nating ihalintulad ang GERD patients sa mga buntis. Bakit sumusuka ang buntis? Simpleng sagot - the growing baby inside as it increases size pushes stomach contents out ... making her throw up. Eh bakit ginawa ang mga pregnant women as basis of comparison aber? Hindi naman buntis ang mga GERD patients. Hinay hinay ka lang Tsong pero ang explanation ay malapit na doon. Hindi nga sila buntis pero di ba kung bloated ang tiyan nila dahil sa sobrang hangin at dahil nahirapan silang ilabas ang hangin di ba parang buntis na rin sila. The excess trapped air will push the food out ... tingnan mo nasusuka na sila.
6. Shortness of Breath - same explanation as number 5. Kulit mo talaga sa pagtanong kung bakit.
May shortness of breath ang mga buntis kasi sinisipa na ng baby ang lungs kaya parang nagmarathon ang mga buntis sa paghabol ng hininga. Ganoon din sa mga GERD symptoms - the bloated stomach pushes the lungs to its seams kaya hingal kabayo sila.
(to continue)
No comments:
Post a Comment