Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Showing posts with label Borrowing Money. Show all posts
Showing posts with label Borrowing Money. Show all posts

Monday, November 24, 2025

Feeling Blessed ... Ang Isang May Utang


Nakita ni Pete na na nagpost ang kaibigan niyang may utang sa kanya na FEELING BLESSED siya that day sa Facebook. Magandang timing. Kaya pinuntahan niya ito at baka sakaling mabayaran at maambunan siya ng kakaibang feeling na yon. Feeling blessed! Sigurado magbabayad na yon!

Pete: Pre pwede ka bang magbayad ng utang mo ngayon? Kailangan ko lang kasi.

Kaibigan: Hindi ko alam kung kaibigan pa kita. Nag US ka lang ... binago na ng pera ang buong pagkatao mo.

Pete: Haah ... ako pa ngayon ang nagbago? Pag galing US ka ba ... kailangan ba magbago? Ako pa ngayon ang may kasalanan? Wala ba akong karapatan maningil?  ... Ako pa ngayon ang masama? Ibibigay ko na lang ba ng libre ang inutang mo?

Ang daming tanong yon ah.  Naglalabas lang siya siguro ng kanyang nararamdaman. Ang FEELING BLESSED pala ... ay synonymous sa FEELING BEAST!

Correction lang ... ang feeling blessed is not a SYNONYM na ang tao ay magbabayad ng utang.  The fact of the matter is ... ANTONYM sila!

Friday, June 13, 2025

Some Musing On Father's Day


May mga Tatay na nakukuba na sa trabaho ... at nalugmok na sa utang. Ito ay hindi dahil sa kapabayaan nila ... ang tanging kasalanan lang nila ay yong pinili nilang maging kargo nila ang lahat ng miembro ng kanilang pamilya.

Hindi lahat ng Tatay na nabaon sa utang ay nag-uugat sa kasakimang mabili nila ang gusto nila. Hindi rin dahil ito sa kanilang pagiging alipin at kahinaan sa udyok  ng mga hindi mapaghindiang tawag ng Shoppee at Lazada.

Kung minsan dahil ito sa pagmamahal lang ng mga Tatay sa kanilang pamilya. Dahil ito sa sakripisyo ng isang uliran at mabait na mga ama.

Nagkasakit lang ang anak ng anak nila ... pinili niyang magpakatatay agad... kahit hindi naman sila ang tatay ... at yong mga tunay na ama nga ay chill lang at pinasabahala na lang ang lahat.

Naputulan lang ng kuryente ang bahay ng anak nila ...  para silang si Father Of Perpetual Help na sinasalo agad ang resposibilidad. 

Ni hindi nga pinoproblema ng anak ninyo ang walang ilaw ... at madilim na bahay pero ito sila at aligaga sa pagtulong kahit hindi naman dapat. 

Sinipon lang ng konti ang apo nila ... aba ito na si Superman ... pikit-matang binibili ang gamot ... pero yong maintenance na gamot nila sa blood pressure napabayaan na.

Nalunod sila sa utang pero hindi alintana ang pagkalugmok ... ang importante makita nilang komportable at safe at malusog ang mga mahal nila.

What is sad ... ay yong pagkatapos magkaletse-letse ang buhay nila sa ngalan ng pagmamahal ... inappreciate ba sila ... o pinasalamatan man lang?

Madalas marinig nating ang mga salita ng mga anak: "ganyan lang talaga si Tatay. Hayaan mo na sila ... e diyan sila maligaya sa pagtulong nila. Tanggap lang ng tanggap. Sino ba tayo para tumanggi ng grasya?"

Wow, ha, feeling entitled?

This Father's Day i-celebrate naman natin ang ating mga Tatay.

Hindi ko sinabi ... na bibilhan mo sila ng espesyal na regalo ha. Hindi naman nila siguro kailangan ang espesyal na regalo ninyo.

Ang pinipunto ko lang ay yong verbally pinapadama ninyo sa kanila na mahalaga sa inyo ang lahat ng kanilang ginagawa.

By the way kailan mo ba sila chi-neck? Yan pa ang isa. Gusto ninyo kayo lang chini-tsek. 

Tama na yang mga double standard at feeling entitled na ugali ...na kayo lang ang dapat pansinin, alagaan at kinukumusta..

Kung ano ang binibigay ng mga Tatay natin... di ba dapat yon din ang ibalik natin?

Isang kumusta mo lang ... sabay greet ng Happy Father's Day ... kinikilig na ang mga iyan. Hindi mo alam na mga pusong mamon ang mga iyan?

It's time we appreciate our fathers on this special day!

Friday, January 31, 2025

Nag-mature Ka Na


Ang LAYO na pala ng NARATING mo! Nagmature ka na nga. From isang pipitsuging social butterfly ... you blossomed ... and managed to explore and widen your horizon.

Last year ang inquiry mo ay small-time lang: "Ano ba ang procedure mag apply ng loan sa banko?

This year ang inquiry mo ay big-time na: "May nakukulong ba kung hindi nakabayad ng utang?

Man ... how you've grown!


Thursday, January 30, 2025

Joey de Leon Says ...

Host-comedian Joey de Leon has been giving us memes for several decades now... pero hindi ko pinapansin.

Pero ngayon may bago siyang sinabi (actually hindi na bago ito) pero the way he said it ... napaniwala niya ako ... dahil sa totoo lang ... ito ay totoo. Totoong-totoo!

Pakinggan ninyo ...



Monday, December 2, 2024

Some Questions About Borrowing Money


Question: Anong mga saying or proverb ang alam mo about borrowing money?

Answer: "He who is QUICK to borrow ... is always SLOW to pay."

There is another one. "I hate it when people are HAPPY to borrow money from you ... and then get MAD when you want your money back.:

                                       ****************

Question: If someone has a habit of borrowing money ... is that a warning sign to you?

Answer: A warning sign is by itself a RED FLAG. Some people call it a WAKE-UP CALL.  It is a TIP-OFF that you need to be careful and on one's guard.  It is a HAND-WRITING ON THE WALL na kailangan mong i-consider na isang babala.

Minsan ka lang nabudol ... huwag mo itong gawing panata.

                                           ***************

Question: How necessary it would be to pay back borrowed money?

Answer: Paying the money you borrowed on time shows what kind of person you are. It gives a positive picture of you and builds a responsible reputation of your name. The lender or the financial institution sees... that you can be trusted.

Trust when BROKEN ... can never be MENDED. 

                                           *****************

Question: Is it alright to say NO when someone borrows money?

Answer: YES ,,, who doesn't need money anyway? Be sure not to offer any explanation as to why you can't lend.

Ang isang mangungutang worth his salt can bend your explanations to his advantage, making you pick that hard-earned money at ipautang sa kanya.

                                              *****************

Question: What are some tips for lending money?

Answer: Huwag kang magpautang sa hindi mo pa kilala. If you know that the person doesn't have work ... or doesn't have any resources ... these are red flags for you to consider. 

Madali MAGPAUTANG ... pero hindi madali ang MAGBAYAD ng utang.

                                               ******************

Question: What have your parents taught you about borrowing money?

Answer: Mabuti pang MATULOG na gutom ... kaysa MAGISING kang hinahabol ng naniningil.

                                                 *******************

Question: Who is irresponsible ... the lender or the borrower?

Answer: Both.  Isa kang IRRESPONSIBLE LENDER ... if you let someone borrow your money ... when you know for a fact na hindi siya makabayad.

Isa kang IRRESPONSIBLE BORROWER ... kung walang hiya kang nangungutang ... kahit right on the get-go wala kang panong magbayad.

                                              *******************

Question: Can you go to jail if you fail to pay what you borrowed?

Answer: Hindi naman ako abogado ... but as far as I know ... ang hindi pagbayad ng utang doesn't necessarily mean na ang police will issue arrest warrants. Ang pagkaroon mo ng utang is more CIVIL and not CRIMINAL in essence.

                                             *******************

Question: Can you bring a suit to someone who has not paid you your money?

Answer: I think so. I often heard people saying "walang NAKUKULONG dahil sa utang." That is true. Pero puede kang IHABLA in a civil case para makolekta ang pera na inutang mo.

                                               *******************

Question: If someone borrows money ... at hindi nagbabayad ... ginagamit ka lang niya?

Answer: Tinatanong pa ba yan? Gusto mo nang AWARD ... or gusto mo UMBAG?

                                           ********************

Question: Do you have any bad experiences with lending money?

Answer:  Just recently buong giting at tapang kong NAG-TULONG para sa isang pamilya ... pinahiram ko ng pera only to realize hindi ko pa pala nabili ang gamot ko. May NAITULONG ba ang pagiging good provider ko?

                                          *******************

Question: What lessons have you learned about lending your money?

Answer: Ang hindi marunong LUMINGON ... sa pinagutangan ... ay hindi na MAKABALIK at MAKAULIT ... kailanman!

                                           ********************

Wednesday, August 14, 2024

Mangutang Ka Para Sa Utang


Good News: Nakabayad ka na ng utang.

Bad News: Nangutang ka ... para may pambayad sa utang?

Bata ... ano ba ang hanap mo SOLUTION ba ... or COMPLICATION?

Hindi Nakakahiya Ang Mangutang

 


I want to emphasize na hindi NAKAKAHIYA ang mangutang.

Ang NAKAKAHIYA ay yong taong nagtatago para hindi magbayad ng utang.

Mas lalong NAKAKAHIYA yong taong hindi nagbabayad kahit may pambayad naman.

NAKAKAHIYA rin yong mga taong sila pa ang galit kung sila ay sinisingil.

Lalong NAKAKAHIYA  yong siningil ka lang ... sila pa ang nang-away, ginawa kang masama at naglabas pa ng pangil.

Maniwala ka kung hindi ka marunong magbayad ng utang ... kahit anong kayod mo hindi ka aasenso. TAGUAN mo man ang iyong utang ... MATATAGPUAN ka rin ng kamalasan.

Hindi deserve ng NAGPAUTANG ang maghintay ng iyong pagbayad. Bakit noong nag-utang ka ba ikaw ba'y pinaghintay?

Thursday, April 25, 2024

Utang Meme

I was browsing the internet marami na rin palang mga utang memes na matagpuan dito. Here are some pangungutang reminders to live by... na dapat isapuso natin at gawing gabay sa pagtahak natin sa buhay.

1


2. 

3.


4.

Huli Ang Pagsisisi


Walang happy ending sa Nangungutang at Nagpapautang. Pakinggan ang kanilang mga himutok.

NAGPAPAUTANG: Ang mali ko lang ... ay naniniwala akong MAGBABAYAD ka

NANGUNGUTANG: Ang mali ko lang ... ay naniwala akong hindi mo ako SISILINGIN.

Utang Na Loob ... Huwag Kang Mangutang!


Bakit kasi utang ng utang ka ... kung alam mo ... deep in your heart na hindi ka makabayad. Hindi ninyo ba kilala ang inyong mga sarili? Hindi mo alam na kung mangutang ka ngayon ... para ka na ring kumuha ng martilyo at ipukpok sa ulo ninyo?

You know pretty well na kung mangutang ka ... come hell or high water ... maniningil talaga yan.  Hindi man lang ba sumagi sa isip mo yan? Not unless wala ka talagang intensyong magbayad ... at tuwang-tuwa ka pang nangutang dahil wala naman sa bokabularyo mo ang magbayad.  Ipinag-dasal mo pa na sana ma-untog ang ulo ng nagpautang sa iyo at magka-amnesia siya ... at presto ... you are free as a bird at forgotten na ang mga utang mo. Ganoon na ba ang bagong uso at kalakaran ngayon?

Money does not grow in trees na ipikit na lang ng nagpautang sa iyo ang mata niya ... at hahayaan niya na lang ikaw kung kailan ka magka-konsiyensiya at magbayad.

Hindi mo tatay o kuya ang inuutangan mo ... at panatag talaga ang loob mo na maintiendihan ka niya? Napaka-entitled  mo naman na basta na lang kalimutan ng nagpautang ang hard-earned money niya na inipon pa niya sa pagtitipid at pagbudget  ng mabuti sa kanyang pinagiingatang pera. 

How convenient na ikaw pa ang magdesisyon kung magbayad ka o hindi.  Ikaw pa ang may ganang magalit kung sinisingil ka. At ilang beses ka na bang nagsisinungaling ... mapa-alis mo lang sa harap mo ang pesteng dating kaibigan na akala mo ay kaibigan mo ... yon pala ay araw-arawin ang pagdalaw sa iyo ... na parang may taning na ang buhay mo.

At palagi ka na lang na-stress. Naging magulatin ka pa at konting kuskos lang akala mo ... yong taong maniningil na ang nasa likod mo. At nakikita mo ba ang sarili mo ... na tago ka ng tago ... sisilip sa bintana bago umalis ... at lingon ng lingon ka kung nasa labas na. Pag gabi hindi ka makatulog ... at kung araw naman hindi ka maka-focus ... at lutang na lutang.

Sino ba ang pinagtaguan mo ... ang taong nagpautang sa iyo o ang sarili mo na parang hindi mo na kilala?  Wala ka nang freedom ... tinalo mo pa ang mga bilanggo ... nasa labas ka nga ... pero tinalo mo pa ang may parusang life imprisonment ... kasi wala ka nang peace of mind ... bawat galaw mo may nakaambang panganib at peligro - kesyo baka pikon na pikon na ang nagpautang ... at baka mag-run amok or mag-hara kiri ... or ipa-barangay ka dahil wala kang pakialam sa mga dapat responsibilidad mo.

Tanongin nga kita: bakit napilitan kang nangutang? Dahil ba ito sa kayabangan mo ... na nakita mo lang na nagpaBoracay ang kapitbahay ninyo ... aba ayaw mo talagang magpatalo. Ano sila lang ba ang may karapatang magbakasyon?

Dahil ba ito sa kaibigan mo na may bagong Ipad PRO and Air Model ... at gusto mo lang mapatunayan an kung ano ang kaya niya ... kaya mo rin? O ayan nagka-letse-letse na ang buhay mo dahil sa pangungutang ... hindi mo ba tinanong ang sarili mo na kung hindi ka lang mayabang ... sana wala kang ganyang problema sa ngayon?

Isip-isip lang mga tol. Why do you have to keep up with the Joneses kung hindi mo naman kaya?

Saturday, April 13, 2024

Denied Entry Si Tol


Naniniwala na ako na mabuting tao ka ... kaya derecho ka sa langit. Ganoon din ang tingin ng CHIEF IMMIGRATION OFFICER na si San Pedro.  

Pero dahil may utang ka sa daigdig na hindi mo pa nabayaran ... DENIED ENTRY ka muna sa CUSTOMS sa langit. At para walang batik ang PASSPORT mo ... na langit nga ang PORT OF ENTRY mo ... at FINAL DESTINATION ... pinabalik ka muna para bayaran ang dapat pagbayaran.

Mabuting tao ka na may utang ... naku mukhang conflicting yata ang dalawa ... at hindi compatible kahit saan angulo mo tingnan. Ang gulo!

Sunday, March 24, 2024

Who Pays and Hudas Not?


I am a good judge of character. With my extensive experience in psychology and psychiatry... I can almost read somebody else minds. I know who is lying and who is up to something.

Reacting to this hugot line above ... there is a big difference between a person who is afraid or embarrassed to borrow money vs somebody who is "come hell or high water" wanting to borrow money.

Psychology or common sense dictates that people who are afraid to borrow money are wrestling with overthinking ... especially the repercussions resulting from borrowing money. One reason maybe is that he doesn't want to taint his name and be tagged a habitual or perennial "welcher" (a person who swindles you by not paying back a debt or a wager).

He also is aware that lending or borrowing money is a great way to ruin relationships. The person borrowing money generally has that screwed-up mentality that the money lent is free money or a generous gift ... and doesn't need to be paid back.  So he tries his best to avoid being painted as one.

He also thinks this habit is addictive ... the first time a person borrowed money and did not pay ... and the lessor did not show any signs of defiance ... he is coming back for more. He thinks all people are like that... too forgiving & magnanimous.

In short ... this group of people are embarrassed of what these people are doing.  They have that passion of moral goodness ... and there is always that sense and the feeling of obligation to do right and continually be a good person. They have a conscience ... so expect that they come back and pay.

On the other hand, people who are 'head over heels', persistent, and pestering you to borrow money ... by all looks of it really he is in dire financial strait.  If he is just an acquaintance or a new person ... look out ... you may be dealing with the wrong person.

If one is in a financial quandary lending money once or twice is not a problem ... but it doesn't have to come to the point that it will become a habit. Making everyone feel that it is alright to barge in and keep knocking at somebody's door ... treating him like he is the Father of Perpetual Help ... is a perverse thought.

These people can end up bleeding you dry ... as they suck like leeches ... so it needs to stop. Besides ... it puts the lender in a very uncomfortable position of having to be the money collector. And what does he get in return ... a litany of vicious words and dagger looks. If looks could kill ... the lender may be dead by now.

 A lot of lenders haven't learned their lessons and there were times they have been sabotaging their own financial health to give aid to people who created their own mess. It’s like when a friend's house is on fire ... trying to be a hero and help him carry appliances from burning … (perish the that Superman thought) ... jumping in may not be the right thing to do under the circumstances.

Discretion is the better part of valor.

Saturday, March 9, 2024

Reality Bites


Question: Bakit ang mga UTANG MEMES ni Chinkee Tan ay nanunuot hanggang bulalo. Yon bang kahit hindi ka nangungutang ... pati ikaw tinatamaan BULLSEYE and of all places sa ulo pa?

Kahit matindi ang mga banat ni Chinkee ... and he doesn't mince a word he says ... he call a spade a spade. The reason why his memes kept haunting you in your sleep ay dahil puro katotohanan lang naman ... and nothing but the truth ang mga sinasabi niya.

Was it because REALITY BITES ... (real things or the real nature of things rather than imagined, invented or theoretical ideas).

Was it because REALITY SUCKS? That the harsh truths are difficult to accept and deal with?

Was it because the TRUTH HURTS? And Chinkee managed to shatter the illusions you built in your mind? 

Was it because it is a PAINFUL HONESTY and it hurts ... because it makes us confront something we have been in denial?

Or was it because the state of things Chinkee said appears to be the GOSPEL TRUTH and there are no attempts to explain or justify the behavior or attitude with logical reasons? Even if it is not appropriate, can it change the sad fact?

Friday, March 8, 2024

Sino Nga Ba?


Kayo na ang sumagot sa tanong ni Chinkee Tan.

Obligasyon ba ng anak ang bayaran ang utang ng magulang? Or conversely ... obligasyon ba ng magulang ang bayaran ang utang ng anak?

Sa punto de vista ko ... naniniwala ako na hindi ka dapat mangutang kung wala kang planong magbayad. It is not right to point fingers kung sino ang magbayad.  Huwag kang feeling ENTITLED ...  there is no such thing as LIBRE ... makatakas ka lang sa utang ... at kahihiyan.

Tuesday, February 6, 2024

Ang Mga Nangungutang Ay parang Mga Alibangbang


Ang mga nangungutang ng pera ay parang mga "butterflies in the garden" ... LALAPIT-LAPIT at PAPILI-PILI ng mga bibiktimahin.

Pag oras na sa pagbayad para silang mga "caterpillars in their cocoon" ... TATAKBO-TAKBO at TATAGO-TAGO sa utang at naniningil.

Saturday, February 3, 2024

Dyuk ... Dyuk ... Dyuk


Maritess 1: Naku bes ... magka-amnesia raw si Marianne pagkatapos ng aksidente.

Maritess 2: Huwag naman sana. Pag nagka-amnesia yan ... makalimutan na niya ang utang niya sa akin.

Maritess 1: Ano bang bago? Bago magkamnesia yan ... di ba nakalimutan na niya ang utang niya sa iyo?

Thursday, January 11, 2024

The Enabler Around us


Sa lahat ng ating pagkamali, may mga tao sa ating paligid acting like pompom girls or cheerleaders.  Sila yong mga ENABLERS - to make it blunt - kahit mali yong ginagawa mo sila yong mga knights in shining armour mo who will defend you thru thick and thin. The "enablers" are giving the illusion to you that what you are doing is right kasi feeling mo ... may kakampi ka. Hindi naman sila kakampi kung mali di ba?

Pero huwag ka ... ang iba diyan sulsol lang sulsol dahil gusto lang nilang babagsak ka. Di ba sa mga bisyo ganyan, akala mo kaibigan ... naghahanap lang pala ng karamay. Sira na ang mga buhay nila ... kaya isa kang hangal na naniwala naman. Masakit isipin pero wala silang ni katiting na love sa yo ...  all they want is for you to fail at masakit ding isipin mas mahal mo sila at pinaniwalaan kaysa sa mga taong tunay na nagmamahal sa iyo.

Gatong sila nang gatong ... ano ang pagkaiba nila sa pagiging "kunsintidor"? "Okay lang ang manigarilyo ... wala namang nakatingin." "Manghiram ka ng pera ... keri lang." "Mag-quit ka sa trabaho ... sasabihin ko kailangan mong magpahinga." Sa 24 hours na ikaw ay nakahilata ... sa lagay na yan kailangan mo pang magpahinga?

Tuesday, October 31, 2023

Zombie Debt (Death?)

 


Today ay Araw ng mga PATAY (Halloween's Day).

Ito ang araw ... na ang mga utang mo ay KINATAY at PINATAY mo. Mga perang hiniram, na INILIBING mo na sa limot ... pero parang MULTO na kusa kang binalikbalikan.


Epitaph Para Sa Mangungutang

What is an epitaph? It is a phrase or form of words written in memory of a person who has died, especially as an inscription on a tombstone.

And for somebody whose DEATH is suspect and somewhat related to DEBT ... the above epitaph is apt and fitting.


 

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

The Last Will Be first, And The First Will Be Last."

Jesus told his disciples this parable (The Parable of Workers In The Vineyard) from the Gospel according to Matthew 20:1-16a) "The King...

Popular Posts