May mga Tatay na nakukuba na sa trabaho ... at nalugmok na sa utang. Ito ay hindi dahil sa kapabayaan nila ... ang tanging kasalanan lang nila ay yong pinili nilang maging kargo nila ang lahat ng miembro ng kanilang pamilya.
Hindi lahat ng Tatay na nabaon sa utang ay nag-uugat sa kasakimang mabili nila ang gusto nila. Hindi rin dahil ito sa kanilang pagiging alipin at kahinaan sa udyok ng mga hindi mapaghindiang tawag ng Shoppee at Lazada.
Kung minsan dahil ito sa pagmamahal lang ng mga Tatay sa kanilang pamilya. Dahil ito sa sakripisyo ng isang uliran at mabait na mga ama.
Nagkasakit lang ang anak ng anak nila ... pinili niyang magpakatatay agad... kahit hindi naman sila ang tatay ... at yong mga tunay na ama nga ay chill lang at pinasabahala na lang ang lahat.
Naputulan lang ng kuryente ang bahay ng anak nila ... para silang si Father Of Perpetual Help na sinasalo agad ang resposibilidad.
Ni hindi nga pinoproblema ng anak ninyo ang walang ilaw ... at madilim na bahay pero ito sila at aligaga sa pagtulong kahit hindi naman dapat.
Sinipon lang ng konti ang apo nila ... aba ito na si Superman ... pikit-matang binibili ang gamot ... pero yong maintenance na gamot nila sa blood pressure napabayaan na.
Nalunod sila sa utang pero hindi alintana ang pagkalugmok ... ang importante makita nilang komportable at safe at malusog ang mga mahal nila.
What is sad ... ay yong pagkatapos magkaletse-letse ang buhay nila sa ngalan ng pagmamahal ... inappreciate ba sila ... o pinasalamatan man lang?
Madalas marinig nating ang mga salita ng mga anak: "ganyan lang talaga si Tatay. Hayaan mo na sila ... e diyan sila maligaya sa pagtulong nila. Tanggap lang ng tanggap. Sino ba tayo para tumanggi ng grasya?"
Wow, ha, feeling entitled?
This Father's Day i-celebrate naman natin ang ating mga Tatay.
Hindi ko sinabi ... na bibilhan mo sila ng espesyal na regalo ha. Hindi naman nila siguro kailangan ang espesyal na regalo ninyo.
Ang pinipunto ko lang ay yong verbally pinapadama ninyo sa kanila na mahalaga sa inyo ang lahat ng kanilang ginagawa.
By the way kailan mo ba sila chi-neck? Yan pa ang isa. Gusto ninyo kayo lang chini-tsek.
Tama na yang mga double standard at feeling entitled na ugali ...na kayo lang ang dapat pansinin, alagaan at kinukumusta..
Kung ano ang binibigay ng mga Tatay natin... di ba dapat yon din ang ibalik natin?
Isang kumusta mo lang ... sabay greet ng Happy Father's Day ... kinikilig na ang mga iyan. Hindi mo alam na mga pusong mamon ang mga iyan?
It's time we appreciate our fathers on this special day!
No comments:
Post a Comment