If there is a will ... there is a way. Kung may gusot ... may lusot. We are given the knowledge and the freedom to make our choices at maghanap ng paraan para maiwasan ang pagkamali at sa lahat ng bagay na gusto nating bagohin.
Kung may bisyo ka ... make yourself productive by indulging in a hobby and how about keeping yourself busy? Kung ikaw ay nangungutang ... baka naman mayroon ka pang kasamang nangungutang din at sabihin mo ... hindi lang naman ako eh ... marami kami. Pwes iwasan mo sila ... pronto.
Kung wala kang trabaho ... hindi kaya ... ayaw mo lang, kasi hindi ito ang trabaho na bagay sa estado ng buhay mo? Or may trabaho ka na ... iniwan mo lang because of the flimsiest reasons you can invent para hindi makatrabaho? Or baka masyadong ka lang pihikan ... at mas gusto mong magiging manager agad kahit wala ka namang experience.
Mas pinipili mo yong choices na mahirap abotin ... para kung hindi ka natanggap, gawin mo itong rason later on? Wala kasi akong experience. Or kung hindi ka natuloy ang application mo sa Saudi... sisihin mo pa ang parents mo na broke na broke at gawin mo silang escape goat at sabihing "hinaharang kasi nila ang application ko. Bakit kung kailan ako nagplanong magabroad ... ay doon pa sila walang pera. Sila ang dapat sisihin at hindi ako."
Bakit palagi na lang may sinisisi? Bakit hindi uso ang culpability at accountability sa iyo? Ikaw na walang bahid ... matuto ka naman sumalo ng sisi kung kinakailangan. You always get scot-free ... and it is getting boring and redundant.