Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Sunday, August 17, 2025

JLB Video

 

Hanggang Kailan?


We Can Learn From The Artists ... If We Only Listen

Mga tol ... isang satire lang ang video clip sa itaas at huwag masyadong dibdibin. Remember kung sino sa mga nakakabasa nito at nakapanood ... tapos biglang nagalit at nag-react ... siya ang talonan. Kasabihan nga kung sino ang PIKON ... talo!

Pareho lang ang videong ito sa skit ni Vice Ganda in his recent concert sa Araneta. Marami din ang mga jet-ski holiday meme na nagsulpotan na parang kabute pagkatapos ng concert nila.

As I said bawal ang sensitive at mga balat sibuyas ... instead alamin natin kung bakit pinaghirapan nilang magawa ang skit at ang videong ito kahit wala naman silang mapala dito kundi sama ng loob lamang. Alamin rin natin kung ano ang kanilang pakay at motivation. why they have to go this length when they know for a fact na kutya at mura lang ang aabotin nila.

Instead na i-bash natin sila ... mumurahin ... at pagsalitan ng masakit ... bakit hindi natin tingnan ang flip-side kung bakit nag-aksaya sila ng pera at panahon ma-buo lang ang gusto nilang mensahe na gusto nilang iparating sa atin.

Kung alam lang natin ... ang gusto lang pala nila ay bigyan tayo ng warning at paalala ... na nakakarindi na ang tipikal na reaction ng mga Pinoy na hindi gumalaw kahit binabaha na ng problema ang Pinas.

Yon lang pala ang motive nila. Now that we know di ba mas maganda sana kung pasalamatan natin sila ... imbes na mag-resort tayo sa walang katuturang name-calling na alam naman nating walang maiambag na solution ito sa problema ng bansa. At dahil mainit ang ating ulo gusto pa nating ipakita that we are capable of stooping down so low ... mai-assert lang natin ... na iba ang ating pinapanigan ... at pinaniwalaan.

Tinatawag natin silang mga bobo ... the fact of the matter matatalino si VG at ang mga tao sa likod ng videong ito. Gusto lang nilang imulat at ituwid ang ating mga maling mga paniwala at ating walang kawawaang pagsamba sa mga akala nating mga diyos--diyosan diyan. Sa totoo lang wala ka namang napala sa pagtatanggol mo sa kanila ... di ba?

Gusto lang nilang i-educate tayo ... masakit mang aaminin pero marami sa atin ang matigas ang ulo ... ayaw magpaturo (dahil ang tingin natin kung ano ang ating opinion yon ang pinakatama kahit harap-harapan ng binubudol at niloloko tayo. Ayaw natin yong may nagdidikta sa atin ... at nagmamando.

Wala na ba tayong mga sariling prinsipyo at bayag ... na kahit winawaldas na ng iba ang pera na dapat ay atin ... wala pa rin tayong imik at hindi na tayo gumalaw sa ating pagkahimbing?Ituloy ba natin ang pagsawalang kibo? Aba nilulusob na tayo ng mga banyaga ... at sinasakop na ang ating bansa ... cool pa rin ba tayo at chill na walang nakikitang abnormalidad? Yan ang abnormal ... sa totoo lang.

I-asa na lang ba natin sa iba ang makipagbardagulan ... pero ito tayo na nakahilata at nakamasid lang ... walang pakiramdam ... at walang pakialam? Kontento na lang ba tayong maghintay sa kung ano ang magandang kahihinatnan ng mga pinagpaguran at ipinaglalaban ng iba?

At least si VG at ang direktor at artista ng video na ito naninindigan ... at kaya nilang tanggapin ang lupit at hagupit ng mga salita natin: "Kabayo ... tekbalang ... bobo at kung ano pang mga maanghang na salita. Bobo ... baka tayo yon?

Ineexpect na nila ang ating mga panlalait ... it is ironical though na gumawa nga sila ng tama in their own small way ... ipapako pa pala natin sila sa krus ... just like what happened to you know WHO? Natatakot lang akong gamitin ang pangalan niya in vain ... just to prove my point.

Let it be known na hindi ako apologist ninoman ... pero marunong akong magmasid, makikiramdam at magpakita ng pagkaisa kung kinakailangan. Marunong din akong makinig sa punto de vista ng iba ... alam ko ang tama at mali at kaya kong tanggapin ang aking pagkamali kung talagang mali. Katulad nila naninindigan din lang ako sa kung ano ang tama ... at kung ano ang dapat.

Now going back to the skit at ang videong ito ... as I said mga satire lang ito if that is the right word to use. Ang mga artista at director ay gumagamit ng ibat-ibang literary devices sa kanilang mga obra-maestra - that can be seen sa lahat ng sangay ng sining katulad ng pelikula, video, skit at concerts, music at painting. The genre can be either a satire, parody, irony, lampoon, burlesque, etc.

Sa mga hindi nakaintiendi sa ating hanay, ma-ooffend talaga tayo kung wala tayong kamuwang-muwang sa mga so called literary techniques. Di ba kabaliwan yong magalit tayo sa hindi natin naintiendihan? So much so na may tendency tayo na gusto nating ipagtanggol ang atin poon ... kahit nagmukha na tayong ewan. Pag isipan ba naman natin na si si VG ay napakawalanghiya or ang videong ito at wala nang sinino-sino man lang. Walang modo ... walang respeto at delicadeza.

What they don't know ay sumusunod lang ang mga alagad ng sining kung ano ang genre ang palabas nila at wala silang magawa dahil yon ang utos ng direktor. Si VG ay komedyante ... at dahil comedy ito ... eksaherado ang acting, ang galawan pati ang paglahad ng kuwento. Makitid lang ang utak natin thinking na dahil exagerrated ang mga eksena ... license na yon para gawing katatawanan ang ating mga idolo? Sa sining may mga motivation yon tol.

Sa mga literary techniques I mentioned, ang goal nila is to incorporate humor, irony, and usually ang treatment dito ay exaggerated. Makita mo sa video above that the actors/comedians mock and ridicule their subject (whether it's PRRD, Sara, or Chiz). These techniques highlight the flaws of its target, their shortcomings and failures, and these include their sins of omission and commission.

It uses humor to provoke thought ... and discourage inaction at pagkawalang bahala. It wants us to be in the middle of the action. It makes use of exaggeration in a way to cause laughter and amusement, and at the same time emphasizes the subject's flaws and what needs to be done.

In the video above, exaggeration can be seen in these scenes. Notice the actors mock and ridicule their subject. Ginagawa yong belittling and mocking dahil ang mga linyang yon (punchlines) ang gigising sa ating apathy and indifference.

1. A man wading in a knee-deep flood shouting," Chiz ka ... sana worth it ang bilyones mo"

2. An old woman in a wheelchair yelling, "Binoto pa kitang hayop ka." sabay pasok ng anak saying "Lola tayo na ... mataas na ang baha." Totoo nga ang baha ay rumaragasa papasok sa bahay.

3. Two teenage girls na kumakapit sa kahoy sa gitna ng baha. Sabi ng isa "Tutulungan tayo ni Sara ... Sagot ng kaibigan Anong Sara ... nagcomment ako sa DDS blog ... wala siya sa Pinas ... at nag-wo-work tour"

4. Isang matandang lalaki na nakahiga sa kama habang umuulan ng malakas sa labas. Hindi niya alam pumasok na ang tubig sa ilalim ng kama. Sa radyo naman may balita: "May Hundred forty two billion pisong budget insertion sa Senado"

O di ba exagerrated nga ang mga vignettes and slices of truth na pinakita? Those lines were meant to mirror sad truths that are actually happening in our midst. At dahil matindi ang pukol ng mga salita ... bingi at bulag tayo kung walang pagbabago tayong masilayan sa ating mga sarili.

Kung manatili ka na lang na magsawalangkibo at hindi naapektohan sa malaking problema sa ating gobyerno at sa bansa ... tanongin mo ang sarili ninyo "Hanggang kailan?"

Natapos ang palabas na may warning: "This is a a satire. Ang ASAR talo."

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Satire

 

Popular Posts