Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Sunday, August 24, 2025

Sino Ang Dapat Magimbestiga?

The INUNDATION has not stopped at BINABAHA na nga ang Metro Manila ... pati na sa probinsiya ... OVERFLOWING.

It is quite an irony na pati ang gobyerno ngayon is DELUGED with problems on FLASHFLOODS ... nakisabay pa sa DELUBYO ng problema sa corruption related to massive FLOOD scam.

                                     >>>>>>>>>>>>

Sino ba ang dapat magimbestiga sa major pasabog ng taon ni President BBM? 

Hindi pwede ang KAMARA.  Lalong hindi pwede ang SENADO. If anyone believes na capable sila to police their ranks ... diyan kayo nagkamali.  Haven't you heard of the term CONFLICT OF INTEREST?

                                       >>>>>>>>>>>

What is a conflict of interest? A conflict of interest arises when a personal interest of a person causes bias in decision-making ang affects their job performance.

A conflict of interest occurs when a senator's or congressman's personal interests could compromise their judgment, decision, or actions. It can also be a situation where the government official has two competing INTERESTS and LOYALTIES that can potentially corrupt the motivation of the other and introduce bias in his professional judgment.

                                       >>>>>>>>>>>

Why do we say conflict of interest? Kung ikaw ang judge sa finals ng Tawag Ng Tanghalan tapos relative mo yong isang contestant, do you think wala man lang bias on your part na papaboran mo siya?

Ganyan din sa Blue Ribbon Committee. Kung ikaw ay isang senador hahayaan mo na lang mabahiran ng PUTIK ang isang institution na kinabilangan mo? Or kung ikaw ay congressman ... hahayaan mo na lang ang BFF mong si Cong na ma-outed, mapahiya at mahila sa KUMUNOY?

                                     >>>>>>>>>>>>

Sa initial stage pa lang ng investigation sa Blue Ribbon, kung napansin ninyo lahat ng sisi at mura ay nakuha na ng mga contractor at ng DPWH? Naghugas kamay at nag-Ponsiu Pilato na ang lahat. Ibagsak ang mga MARUMI ... basta kami MALINIS.

At kanya-kanya ng palusot ang mga senador, nagkakampihan sila at nakapila sila in support sa nakakawindang na expose ni Senator Panfilo Lacson.  Biglang GOODY-GOODY and lahat ... more SANCTIMONIOUS and SELF-RIGHTEOUS more than ever.

                                     >>>>>>>>>>>>

This is the reason why this post was made. Kung seryoso ba ang lahat na mahuli ang maysala huwag sa Kamara at huwag sa Senado.

This is no ordinary case: marami na ang NAMATAY ... marami na ang NAPINSALANG kabuhayan ... at marami na ang PAGOD sa taunang pagbisita ng baha at bagyo. Sabi nga ng presidente: This is tantamount to ECONOMIC SABOTAGE.

                                    >>>>>>>>>>>>>

Bakit hindi natin ibigay ang trabaho ng pagimbestiga sa isang INDEPENDENT BODY? Isang independent people's commission. Mga taong walang kaugnayan sa mga kaso.

Kung makinig ang presidente which I think he will ... magbigyan natin ng hustisya ang lahat ng mga biktima. Biniksan niya nga ang PANDORA BOX ... aba'y lubos-lubosin na niya.

                                      >>>>>>>>>>>>>

As per Tito Sen, ang composition daw ng independent people's commission, wala raw mga pulitiko para wala ngang conflict of interest. Sabi niya it should be chaired by a retired SUPREME COURT JUSTICE. At dahil mga flooding infrastructures ito one member should be a certified PUBLIC ACCOUNTANT para usaping budgeting ng pera. Meron din daw dapat CIVIL ENGINEER or ARCHITECT na gamay ang mga infrastructures at nakakaintioendi sa gastos dito.

Meron din daw dapat na member ng NGO at isang ACADEMICIAN (somebody who specializes in public administration or economics. All of which are appointed by the president.

                                      >>>>>>>>>>>>>>

Maganda ang plano Tito Sen. Parang Agrava Commission ito at the time of Ninoy Aquino's assassination.

Ang importante mapanagot ang mga naghasik ng lagim. BBM as the chief whistle blower ... we know we are heading in the right direction. Sana maparusahan naman ang direktang mga involve sa pag-aabuso ng ating nga kababayan who have suffered enough sa kamay ng mga nagkunyariang mabait na politiko. Balatkayo lang pala ang mga pinapakita ninyo.

                                        >>>>>>>>>>>>>>

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Satire

 

Popular Posts