Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Thursday, August 31, 2023

Definition


Entitlement is
... a belief that the person deserves something he did not sweat or struggle for. It is a belief that a person has a right to claim whatever he thinks he needs at the moment - be it money, or fame. power and position. Para siyang anak ng hari na kailangan kung ano ang gusto niya ay siyang masusunod. Gusto niya manood ng concert ... feeling niya he deserved the best seat. Papasok siya sa restaurant ... huwag kang tatanga-tanga ... because she believes she deserve the best service.  

Sila yong mga taong pinag-aral mo na ... they don't make it an opportunity to fine-tune their potentials.  OO nga naman bakit ka naman magsunog ng kilay para makuha mo ay good grades ... yong pasang awa pwede na. Deserve nila ang hindi stressful na pagaaral ... kaya to hell with graduating with honors. Entitled ako sa kung ano ang gusto ko. Ang importante ay ako.

Papasok siya sa school ... gusto niya maka-avail ng magandang allowance ... kung wala kang pera ... problema mo na iyon basta hindi niya deserve ang magutom. Bibigyan mo ng pambayad sa tuition fee ... no question ask ... at wala siyang remorse ha ... gagastosin niya ang pera to anything he has fancy on.  Magalit na kung magalit ang dapat magalit.

Sa trabaho naman feeling entitled ka ... kung nagde-demand ka ng ganito at ganire. Kung bukang-bibig sa iyo ang mga free health care, enormous pension, paid holidays and unlimited sick time na mga hinaing ...  nakakarindi ka na. Nakukulitan na sa iyo ang big bosses mo at yong pinagaasta mo is almost bordering on delusions of grandeur peppered with delusions of persecution.

Yong mga pumapasok sa bisyo ... halimbawa sila ng mga taong feeling ENTITLED that they can do anything they want under the sun.  Kung kailangan nilang magwala ... RIGHT nila yon because that made them feel powerful. Kung kailangan maging lasenggo sila or mag-druga ... PRIVILEGE nila yon kasi DESERVE din naman nila ang maging happy.  Kung kailangan nilang mangutang ... dahil may naisip silang masarap na kainin ... ano ba naman yong -treat mo naman ang sarili mo paminsan minsan.

Haven't you noticed there's a lot of that in our midst? People who thought their parents owed them something, so she had to give them a part of whatever money they earned. Ang pera ng parents niya ... pera niya rin.  At yong pera at sueldo niya sa kanya lang. Kasi deserve at entitled siya doon at walang karapatan ang parents na magreklamo. 

At dahil gahaman ito ... she has the gall to say what is in her mind. So if a person say, "Gusto ko nang mag avail ng mana ... can you believe 20 years old pa lang mana na ang nasa isip niya?  Hindi man lang niya tinatanong kung may mamanahin nga ba? Or nagpapatawa lang siya. Buhay at alive and kicking pa ang parents niya ay pinapatay na? At alam niya rin kung alin ang maganda ... at malakas ang loob na sasabihin na yong bahay sa Alabang ... sa akin yon."

Ang pagiging ENTITLED ay mga red flags na dapat tatandaan ninuman.  Anything in excess is abnormal ... lalo na kung may mga tao kang naagrabyado. Gusto mong maligaya ... pero may mga taong humihikbi dahil sa mga claims mong mga bagay na deserve mo. Feeling mo may right at entitled ka sa mga bagay-bagay ... pero paano na ang mga taong tinatapakan mo?

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • 3805

    Posts
  • 0

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Popular Posts