May magandang suggestion para matapos na ang bangayan ng dalawang kampo.
Sa part ni BBM magpa-drug test na siya at gagawin ito sa Quirino Grandstand covered by all TV networks and the DDS hierarchy in full attendance ... at nang magkaalaman na. Kung negative siya ... exonerated siya.
Ipaliwanag niya rin kung bangag ba siya or lutang ... maganda siguro magkaroon sila ng one on one debate para once and for all malaman na ng lahat kung sino ay may malawak na kaalaman sa mga problema ng bayan at ano ang mga solusyon na kanilang isulong.
Dito rin natin masubokan who is the better speaker ... yon bang hindi naman mapahiya ang Pinas iharap man siya sa kung sinong political at legal luminaries sa ibang bansa.
Yan kasi ang problema noong presidential election ... kasi hinahayaan nating mabudol tayo by allowing them to dodge the presidential or vice presidential debates ... na parang may tinatago at baka maaninag natin ang kanilang kahinaan at maturn-off ang mga madlang people.
Tingnan ninyo llamadong llamado na ang kanilang panalo (Kaway lang ng kaway, and maghagis ng T-shirts here and there) nanalo na ... at hindi man lang natin nasampolan kung anong utak meron sila ... ano ang kanilang mga endearing qualities at anong mga values ang pwede nating tularan.
Para fair ang laban dalawang importanteng bagay lang ang sasagotin ni Inday Sara.
Una ... sagotin na niya kung ano ang ginawa niya sa confidential funds niya. Kapag sinagot niya ... e di tapos na ang mga intriga. At para na ring nabunutan siya ng "TINIK" sa dibdib.
Second ... magpirma na sila sa bank waiver. Totoo ba yong mga allegations ni Sen Trillanes ... at kung hindi ito totoo, bakit wala silang ginagawa to straighten him out.
Silence means YES ... at kung wala silang ginagawa para maituwid ang mga maling hakahaka ... aba baka naman totoo. As simple as that.
Aba ... kapag mangyari ito "HIGH" ba or nasa "CLOUD NINE" tayong lahat at sa wakas ang mga napanis ng mga katotohanan ... at may lumot nang mga kasinungalingan na sana noon pa inilabas is finally out in the open!?