Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Saturday, August 2, 2025

Comparing Notes


I read something in TechTimes: "In most countries, a 35-second delay would barely register. But in Japan, where punctuality is a national value, it's taken seriously -even on the lightning-fast Shinkansen bullet trains.  When one train was delayed by just 35 seconds, the conductor issued a formal apology, and every passenger received a full-fare refund as a gesture of respect and accountability."

I hate comparing this to the impeachment of Inday Sara, as they are two different things. They are poles apart, and yes indeed, the circumstances are different. 

But well-intentioned friends encourage me ... as long as I am trying to put it in the proper context ... I am safe from threats of indirect contempt.  

They told me to compare it with how the Japanese handled the incident, vis-à-vis how Filipinos handled it.

Ok ... ok. So the Japanese took accountability right away. With a 35-second delay ... FORTHWITH they issue formal acknowledgement that the trip delay was their fault. No ifs ... no buts ... no excuses. ... no more convoluted stories to save face ... no more defense and no pretense. And NO POLITICS.

How did Pinoys fare in Inday Sara's impeachment? Wow ... it looked like we were at ground zero. I can't believe there was a national debate on what the word FORTHWITH means. 

If the Japanese treated it to mean "ora mismo" ... Pinoys would rather wrestle with it and waste their precious time calling each other names (Bobo ... Stupid) just to delay it for six months.

After the election ... naka-robe na nga ang ilang senador ... nakataas na ang kamay para umpisahan na ang impeachment and just like the twists and turn of any soap opera ... may isang senador ang nagmungkahi na ibasura na ang impeachment dahil guided daw siya nang Holy Spirit at yon daw ang tamang gawin.

Mabuti na lang hindi napipikon ang Holy Spirit at hindi nagrereklamo "not to use her name in vain." Nakalimutan yata ng senador ... na second commandment yon? 

Well ... shit happens. Imagine isangkot mo at i-implicate ang Holy Spirit na siya ang nagturo sa kanya ng  kabulastogan? Eh kung BATO-hin kaya siya ng BATO ng Holy Spirit ... (sorry po mabait ang Holy Spirit) ... instead BINATO na lang siya ng tinapay. Patunay na chill lang ang Holy Spirit ay kahit hinahamon na siya ... nagpapasensiya pa rin.

E si Jesus Christ nga hinamon na at lahat ng devil sa disyerto to worship the devil in exchange for worldly power ... eh dinedma lang. Baka hamonan sa boxing ala-Baste baka papayag pa siguro ... or hamonan na lang ng kantahan sa Tawag Ng Tanghalan (ala Larry Gadon at lawyer Atty. Ferdinand  Topacio?)

O di ba magaling magdribble and Pinoy? Katulad ko hindi naman ako marunong magbasketball kaya hindi ko alam kung saan patungo ang post na ito ... pero sigi lang baka makahanap din ng opening at maka-lay-up din mamaya.

E kaso maraming dribolistang senador ngayon ... at ito pa ang isa at ayaw rin patalo. NagDEMAND na i-REMAND ang mga impeachment complaints at ibalik sa HOR. And Horror of all Horrors ... 18 pa mga senador ang nagtaas ng kamay para sumang-ayon.

Dribble dito at dribble doon ang nangyari para madelay lang. Meanwhile ang taong bayan at madlang people ay inip na inip na.  Yong iba ay galit na galit na. Hanggang makaisip sila ng isang brilliant idea.  Bakit hindi natin ipasa sa Supreme Court ang sisi ... dahil ang mga tao ay nagpupuyos na. Maghugas kamay tayo sa pag-dribble natin.

There were threats of civil unrest ... may nagpaplano ng People Power ... nag EDSA 4. Hintayin muna natin ang SC na makapagbigay ng ruling. Ay saka na tayo magsalita.

So dribble ulit. Ang planong mag-convene ang Senado sa last week of July ay napostpone ulit. After SONA na lang.

And the fateful day came nasa backdrop pa ang tatlong bagyo na nagta-tag team na sumalakay sa bansa. Sa gitna ng panawagan na walang opisina at walang klase ... ang Manila ay lubog sa baha. 

Kung ang Senado ay nagdidribble pa ... ang Supreme Court naman iba ang kanilang working ethics. Masigasig nilang hinarap at binuo nila ang kanilang ruling sa gitna ng walang katapusan tubig at ulan.

Tingnan mo si Inday kahit nalubog na sa baha at daluyong ng mga problema nakaisip pa ng isang innovative idea: "Ipunin daw ang tubig at dalhin sa Malacanang.

Pagkatapos na ideclare na UNCONSTITUTIONAL ng Supreme Court ang proseso ng impeachment ... parang self-fulfilling prophecy ... mabilis pa sa alas kuatro: "naghugas kamay na ang Senado." Paano?

Ang narrative nila ngayon ay 90 degrees pa ang tumbling: "Irespeto natin ang desisyon ng mataas na hukom. Tanggapin na lang natin." "The Supreme Court is the final arbitir justice." taos pusong suyo nila sa mga mamamayan. Kitam?

That was a stroke of genius. Kaya kung hindi matuloy ang impeachment this year ... that was not the Senate. Kayo na ang bahala kung sino ang sisihin ninyo. 

By the way yong isang senador consistent talaga siya ... kaya buong saya niyang ipinalandakan na tama nga ang desisyon niya na ipabasura na ang impeachment. He was guided by the Holy Spirit remember ... in the same vein that Quibuloy was the self proclaimed ... the Appointed Son of God.

So madlang people going back to the Japanese ... is that how Pinoy should regard accountabilty? And regarding time ... i-dribble na lang ba ng idribol hanggang makalimutan na lang ang problema ...  wala ba tayong punctuality bone sa ating katawan at wala tayong keber sa oras na ating sinayang?

So un-Japanese. 

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Satire

 

Popular Posts