Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Monday, October 13, 2025

May MgaTanong Ang Isang DDS

 


DDS: Bakit noong panahon ni Tatay Digong ... wala man lang Tsekwang nambu-bully at nanghaharass sa West Philippines Sea?

Sagot: Meron din.  Hindi lang BINABALiTA ... kaya hindi masyadong HALATA.

                                              >>>>>>>

DDS: Bakit hindi binabalita? Hindi ba interesado ang ABS CBN ... GMA at TV5?

Sagot: MUFFLED ang mga balita... para siyang baril na kahit pumutuk man ... may SILENCER. Kung minsan naisip ng iba para bang may NEWS BLACK-OUT?

                                           >>>>>>>>

DDS: Walang KAKURAP-KURAP... "Aminin natin ... and let us celebrate na during PRRD's watch ... unlike today ... hindi uso noon ang mga korap?

Sagot: Sinong may sabi? KORAP wala ... pero CORRUPT? Meron. Marami sila? At namamayagpag ... pero malakas ang kanilang proteksyon. Nagmukha tuloy renaiassance or rebirth ang 2016-2022. Mistulang may Downy ang kapaligiran sa sobrang bango at kalinisan.

                                            >>>>>>>>


DDS: Kung marami din ang corrupt sa panahon ni PRRD... bakit hindi big deal sa gobyerno at bakit parang walang imik ang presidente?

Sagot: Walang magandang kahihinatnan ang mag-ingay kasi. Tingnan mo si BBM ... he didn't realize how massive and wide-spread the corruption problem. Inumpisahan niyang pumutak ... ngayon natataranta siya kung ano ang gagawin at hindi niya inaasahan na ganito ang naging resulta. Noong nagdaang rehimen...  sarado ang bibig ni PRRD. Ang mga ganyang gawain kasi ... toxic at tetano ... at hindi maganda sa imahen ng isang poon.

                                             >>>>>>>>

DDS: Peaceful pala ang buhay ng mga corrupt sa time ni Tatay Digong? Nagnanakaw ka na at lahat ... walang mainit na mata ang nakamasid sa iyo. 

Sagot: Protektado sila kaya peaceful. Dahil walang masyadong ingay ... akala natin payapa. Walang Blue Ribbon Committee investigations, walang ICI. May Risa Hontiveros at Sonny Trillanes man pero may mga tanging sundalo silang sumasangga kasama ang mga ka-kosa nila sa troll farm na bumabangga at tumutunaw sa kung anong mga isyu meron sila.

                                            >>>>>>>>

DDS: Ano ba ang special strategy noon ni Tatay Digong ang ginagamit nila at walang masyadong mga alingasngas at kontrobersya?

Sagot: Kung kaaway sa politika ang korap ... hindi nila tatantanan ang kaso hanggang ang tao'y maparasuhan. Kung kaalyado nila ang korap ... kung pwede na lang kalimutan ... mas maigi ... at mas nakakabuti. 

                                          >>>>>>>>>

DDS: Pwedeng kalimutan? Pwede ba iyon? Sigi nga ano bang mga kaso sa corruption sa nagdaan ang pilit at gustong  kinakalimutan at ilibing na lang na parang walang nagyari?

Sagot: Ikaw malimutin ka rin. Or nagbingi-bingihan lang. Hindi mo ba naalala ang impeachment ni Inday Sara about the missing condifidential funds? Ayaw nilang mabahiran ng dumi ang pangalan ng prinsesa ng Davao kaya ninais sana nilang hindi na ito pumutok at itago na lang ang lahat. Para sana pagdating ng 2028 ready as A-okay si Inday. Pwede na siya maging presidente. Kaya lang hindi maexplain ni Inday kung saan pumunta ang mga milyones  ... kaya kahit ano ang gawin niya ... nakatoon ang mga mata ng tao katulad ngayon sa flood prevention projects.

And haven't you notice the Herculian efforts ng mga alipores nila sa Senado . may gustong ipabasura ang impeachment ... may gustong ipadismiss ... may mga delaying tactics at buong tapang na nagsisinungaling para maantala ang pagumpisa ng proceedings ... nagrely sila sa technicalities - kesyo ganito  kesyo ganoon hanggang umabot na sa SC na hinatulang unconstitional ang lahat. 

Wala silang pakialam sa pagkawala ng confidential funds ... na galing din sa kaban ng bayan...  pero marami ang nakialam misalba lang si Inday para matuloy na ang kanyang presidential bid.

                                         >>>>>>>>>

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Have You Experience Ambivalence?

Ano ba yan? Para sa mga Dutertards ... it is just a pity na AMBIVALENCE ang nararamdaman nila ngayon sa sitwasyon ng kanilang si Tatay Digon...

Popular Posts