Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Tuesday, February 13, 2024

Definition


Valentine's Day is a SINGLE awareness day.

You can actually make a lot of savings by turning on the switch to being SINGLE ... a week before February 14.

Saying It Thru Flowers


February 14 is not about flowers. White flowers especially ... do not necessarily signify romantic interest. 

The way love is shown in this situation is cryptic ...obscure, ambiguous, enigmatic, and vague. While all these words meant not clearly understandable ... cryptic implies more than a hidden message with a purposely concealed meaning.

Hindi porke binigyan ka ng bulaklak sa Valentine's Day ... para ka nang asong ulol at tuwang tuwa ka pa. Be smart lady ... ask yourself ... meron ba siyang gustong sabihin at ipahiwatig?


GERD 1. Basta Na Lang Kakatok Ng Walang Paalam?

Ang tagal ko nang nagba-blog pero ngayon lang ako napilitang magpost anything about a medical condition. Trabaho ko naman ito ... at direktang may alam ako ... sabi ng isang reader dapat yon ang inuuna ko dahil ito ang pinaka-forte ko.

Hindi naman ako doctor ... pero I know may konti akong alam dito na dapat iniishare ko kung nararapat.  But I don't want to step on somebody's shoes, at mag-galing-galingan ... kaya sabi ko ibibigay ko na lang sa kanila ang floor to share their knowhow and expertise.

Not until last week when I had an unwelcome guest sa bahay ...  kumakatok sa akin ang HEARTBURN at ACID REFLUX DISEASE (GERD),

Ganoon ba yon ... na kung hindi pa ako nagkasakit hindi pa ako magsalita? Totoo yan ... kahit nga sa pagibig "When the heart is full ... the mouth speaks ... and in my case "when the pain is unbearable ... my blog will showcase the kind of pain I am experiencing... and I WILL TELL YOU THE DETAILS at sakali mang mangyari sa iyo ito ... you know what to expect ... and how to manage them.



How it all started?

Last year kasi dahil may high blood or hypertension ako ... tapos matataas pa ang cholesterol at triglycerides ... ang advise ng doctor sa akin ay magbawas daw ako ng weight at mag-exercise regularly. Sa sobra kong gusto sundin ang doktor ... nagbanat ako ng buto ... at hindi lang putso-putsong exercise ito ... aside from putting a restaurant business and renting commercial spaces ... nagtrabaho ako sa orchard namin ... ang dating hospital worker in crispy white uniform na may malambot na kamay (walang kalyo talaga) at sanay sa trabahong pabandying bandying lang at lumaki sa mala aircondition na environemnt at klima katulad ng Baguio ... ay nakipagbuno na ngayon  sa trabahong hindi niya inaasahan pasukin - orchard farming, small-time poultry raising, fruit and vegetable growing, dressed chicken supplying, small egg production and distribution ... pati ba naman growing different varieties of hibiscus pinakialaman?

Almost compete na kami sa prutas - kung hindi kami niloko ng aming pinagbilhan (hahaha ... yan ang mga bangungot na bumabagabag sa aking kamalayan. Imagine maghintay ka ng 5-8 years para makita mo ang finished product ... tapos ang rambutan ay kaimito pala). At present may Thailand lanzones (langkong or langsat) Davao lanzones, Bangkok santol, chico durian, giant atis, Guimaras mango, Carabao mango, ponkan guyabano, Davao pomelo, rambutan, mangosteen, bananas etc na kami ... each has its own individual idiosyncracies at kaartehan para manatiling buhay at malusog.  Nagmistula kaming mga alila worker sa nursery at aligaga sa pag-alaga ng napakaraming babies - bawat isa may sariling topak at pangangailangan. At kahibangan.

Timing naman ang pressures ng pag-alaga namin sa mga fruit trees, manok, hibiscus at mga gulay started to make its toll ... not to mention na nakipagpatintero din kami sa mga problema sa negosyo at mumunting family squabbles that really made me loss weight fast and quick.

I was very happy na hindi ako nahirapan sa pagbawas ng timbang ko. Pero nasobrahan naman yata dahil from 185 lbs nagiging feather weigh na lang ako ... no pun intended. Ayaw ko namang isipin ng mga tao na naimpatso ako sa reversal of roles ko ... from clinical instructorship and ward management napasabak kami sa manual at physical labor ... yong dating trabaho ng tatay namin (na inaayawan naming lahat dahil mainit ... at dahil gusto naming umiwas ... ginawa naming dahilan ang magpapunta sa US of A) ... ay hawak ko na. A case of self-fulfilling prophecy?

Naalala ko tuloy kung paano ako lumobo noon. Kaya balik ako sa dating gawi - kain lang ng kain - maasim man, spicy, fried and fatty foods.  Tapos inom ng inom pa ng Cola drinks hanggang nagiging cocacola body na ako. Hindi pa ako nakontento laklak din ako ng mga Vitamins from A to Z  ... lalo na ang Vitamin C na sobra yata ang asim at naCC-ikmura na ako. Yong inaakala kong konting dagdag lang ng timbang para hindi naman ako mabansagang malnourished ... aba may delubyo palang naghinhintay?

Three days ago sumakit ang tiyan ko. I checked kung ano ang kinain ko the previous day ... wala naman akong naalaala na masama ang mga kinain ko.  On the contrary lahat ay masarap, spicy, maasim, pepper-salted and oozing with oil when bitten. 

Little did I know na ang kasibaan ko sa pagkain which I thought will not only put the much wanted poundage on my cheeks ... gagawin din niya itong  rosy cheeks para hindi maputla at di  mapagkamalang famished or ill-fed.

(continue next post)

GERD 2: Definition at Causes

So ito na ang siste ... the food that I actually eat in the last 2 weeks was actually my poison. Hindi porke kumakain ka ng three times a day ng masasarap na pagkain ... it is guaranteed that you are A-okey. Sa sarap ba naman ng kain ko ... nakalimutan kong mga acid reflux triggers ang mga ito.

At dahil maliwanag pa sa sinag ng buwan ang mga simtoma na pinagdaanan ko ... at buong ningning nilang sinagad ang pasensiya ko at binigyan ako ng sakit at parusa ng walang preno ... madali kong natandaan ang proseso ng aking acid reflux calvary.



DEFINITION: Ano nga ba ang Gastro-Esophageal Reflux Disease or GERD? Isa po itong condition na ang laman ng tiyan (gastric contents) ay rumaragasang bumabalik kusa sa lalamunan/esophagus. Para siyang alon sa dagat na malakas na hinahampas ang  sea walls at handang wasakin at durugin ito. 

Ang condition ay maari ng tawaging SAKIT kung type ka niyang dalawin ng madalas. Gaano nga ba kadalas ang minsan? tanong ni Vilma Santos. May sakit din kasi itong sakit na GERD ... palagi siyang naho-home sick  at palagi ka niyang na-miss. Because  of its constant visit ... ugali niyang diligan ng acids ang lalamunan (esophagus) mo. Ginawa niya itong imburnal ... or Smokey Mountain ... walanghiya siya. Eh alam naman natin ang acid sa ating tiyan is very strong at corrosive. Hindi mo namalayan may pinsala na siyang nagawa ... like giving you ulcers.

CAUSE: Bakit kasi may GERD pa? Bakit hindi na lang tinapon yan sa apoy to where it belong. Eh para nga itong dragon na bumubuga ng apoy at panata niya talaga na bigyan tayo ng  BURNING SENSATION ang tiyan natin.  Dapat lang na itosta na yan sa apoy. 

O sigi Tsong at mga Mamsie ... makinig kayo para i-Maritess ko sa inyo kung paano bumulaga si GERD sa eksena ng wala man lang paalam. At sabayan ninyo ng tingin yong visual aid sa itaas ... para magka-intiendihan tayo. OK po ba?

Nakagawian kasi na kung tayo ay kumain tapos lumulunok (swallow) may isang circular band na muscle (also known as LES or lower-esophageal sphincter) sa ilalim ng ating lalamunan na nag-re-relax. Yan ang kanyang trabaho ... paglunok natin automatic itong nagbubukas.  I repeat ... paglunok natin pansamantalang namahinga ito ... kasunod doon ang pagbubukas niya para payagan pumasok ang pandesal at kape na kinain ninyo ... papunta sa tiyan. 

After that ... automatic magsara ulit ang muscle na ito para yong pandesal at kape na kinain ninyo sakaling nagbago ang isip at gustong bumalik dahil nagkahiwalay sila ng kasama nila ay hindi na makabalik dahil kinandado na ng guardia. Para siyang security guard sa school na chine-check muna ang mga ID bago payagang pumasok ang kung sino mang Ponsio Pilato na gustong mang-gate crash. Pag pasok ng pagkain nagsasara kusa yong sphincter muscle (LES) para hintayin ulit ang sunod na paglunok mo at ang bisitang wini-welcome mo sa kaharian ng bodega mo.

Kung ang sphincter muscle ay tensionado at hindi nakapag-relax at hindi ito kusang nagsasara pagkatapos pumasok ang mga bisita ... pagkataon na ito ng stomach acids na gapangin ang iyong lalamunan (esophagus) ... dahil palyado at mahina na ito ... hinahayaang ba na lang niyang bukas ang pinto na hindi nakasara?

Ang palaging pag-gapang ng asido sa lalamunan dahil sa kapabayaan ng Lower Esophageal Sphincter (LES) muscle  ... ay magiging mitsa na tuluyang maangkin ng mga acids ang kanyang puri... pwedeng mairita ng acids ang lalamunan (esophagus) at iwanan niya itong namamaga (inflamed) at totally violated. Dito na naguumpisa at umusbong ang mga ULCER.

At bakit naman kasi  nanghihina pa ang lower esophageal sphincter (LES)? Aba sisihin mo ang sarili mo. May mga tao kasi na kahit bondat na ... kain pa rin ng kain. Kung may paglalagyan pa ... siguradong hihirit pa. O ... tinamaan ka?

Pwede ring rason ang pagiging overweight. Ang mga sitwasyong ito ay nagbigay ng added pressure sa LES at kung palaging na lang ganito ... luhaan at hands -up na ang LES kasi nakita niya ang kanyang pagiging iresponsable.  Tuluyan na siyang magresign dahil hindi na nito magampanan ang kanyang trabaho bilang door keeper. 

Tuwangtuwa naman ang mga acid ... at taas kamay pang nagbubunyi para lumusob na sa  lalamunan para ito ay lusubin at durugin. Parang mga tsekwa ... na palagi na lang naka-abang sa West Philippine Sea?

(continue next post)

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • 3807

    Posts
  • 0

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Definition

The Dunning-Kruger effect, in psychology, is a cognitive bias whereby people with limited knowledge or competence in a given intellectual or...

Popular Posts