So ito na ang siste ... the food that I actually eat in the last 2 weeks was actually my poison. Hindi porke kumakain ka ng three times a day ng masasarap na pagkain ... it is guaranteed that you are A-okey. Sa sarap ba naman ng kain ko ... nakalimutan kong mga acid reflux triggers ang mga ito.
At dahil maliwanag pa sa sinag ng buwan ang mga simtoma na pinagdaanan ko ... at buong ningning nilang sinagad ang pasensiya ko at binigyan ako ng sakit at parusa ng walang preno ... madali kong natandaan ang proseso ng aking acid reflux calvary.
CAUSE: Bakit kasi may GERD pa? Bakit hindi na lang tinapon yan sa apoy to where it belong. Eh para nga itong dragon na bumubuga ng apoy at panata niya talaga na bigyan tayo ng BURNING SENSATION ang tiyan natin. Dapat lang na itosta na yan sa apoy.
O sigi Tsong at mga Mamsie ... makinig kayo para i-Maritess ko sa inyo kung paano bumulaga si GERD sa eksena ng wala man lang paalam. At sabayan ninyo ng tingin yong visual aid sa itaas ... para magka-intiendihan tayo. OK po ba?
Nakagawian kasi na kung tayo ay kumain tapos lumulunok (swallow) may isang circular band na muscle (also known as LES or lower-esophageal sphincter) sa ilalim ng ating lalamunan na nag-re-relax. Yan ang kanyang trabaho ... paglunok natin automatic itong nagbubukas. I repeat ... paglunok natin pansamantalang namahinga ito ... kasunod doon ang pagbubukas niya para payagan pumasok ang pandesal at kape na kinain ninyo ... papunta sa tiyan.
After that ... automatic magsara ulit ang muscle na ito para yong pandesal at kape na kinain ninyo sakaling nagbago ang isip at gustong bumalik dahil nagkahiwalay sila ng kasama nila ay hindi na makabalik dahil kinandado na ng guardia. Para siyang security guard sa school na chine-check muna ang mga ID bago payagang pumasok ang kung sino mang Ponsio Pilato na gustong mang-gate crash. Pag pasok ng pagkain nagsasara kusa yong sphincter muscle (LES) para hintayin ulit ang sunod na paglunok mo at ang bisitang wini-welcome mo sa kaharian ng bodega mo.
Kung ang sphincter muscle ay tensionado at hindi nakapag-relax at hindi ito kusang nagsasara pagkatapos pumasok ang mga bisita ... pagkataon na ito ng stomach acids na gapangin ang iyong lalamunan (esophagus) ... dahil palyado at mahina na ito ... hinahayaang ba na lang niyang bukas ang pinto na hindi nakasara?
Ang palaging pag-gapang ng asido sa lalamunan dahil sa kapabayaan ng Lower Esophageal Sphincter (LES) muscle ... ay magiging mitsa na tuluyang maangkin ng mga acids ang kanyang puri... pwedeng mairita ng acids ang lalamunan (esophagus) at iwanan niya itong namamaga (inflamed) at totally violated. Dito na naguumpisa at umusbong ang mga ULCER.
At bakit naman kasi nanghihina pa ang lower esophageal sphincter (LES)? Aba sisihin mo ang sarili mo. May mga tao kasi na kahit bondat na ... kain pa rin ng kain. Kung may paglalagyan pa ... siguradong hihirit pa. O ... tinamaan ka?
Pwede ring rason ang pagiging overweight. Ang mga sitwasyong ito ay nagbigay ng added pressure sa LES at kung palaging na lang ganito ... luhaan at hands -up na ang LES kasi nakita niya ang kanyang pagiging iresponsable. Tuluyan na siyang magresign dahil hindi na nito magampanan ang kanyang trabaho bilang door keeper.
Tuwangtuwa naman ang mga acid ... at taas kamay pang nagbubunyi para lumusob na sa lalamunan para ito ay lusubin at durugin. Parang mga tsekwa ... na palagi na lang naka-abang sa West Philippine Sea?
(continue next post)
No comments:
Post a Comment