Di ba dapat lang? Ano ang gagawin mo sa bahay maghapong nakatulog? Tapos kakain ng pagkain hindi mo naman binili at niluto. Buhay senorito ka ... pero dapat magising ka na sa katotohanan na hindi habang buhay umaasa ka kahit kaninong tao. Habang ang buong sambayanan maaga pang magising papunta sa trabaho ... ikaw naman bukas pa ang bibig na naghihilik.
Kaya pagdating mo ng bahay at wala kang madatnan na pagkain ... kay sinong kasalanan iyon? At wala kang dapat sisihin at pag-initan. Pinili mo ang buhay na walang iniisip kundi sarili mo ... e di tiisin mo. Alangan namang magtrabaho ang iba para may makain lang isang batugang katulad mo.