Nagtataka si Congressman Chel Diokno sa kanyang pagiimibistiga sa Kongreso ... tanong niya :Kung walang tinatago ... bakit ayaw magsign ng waiver ng bank secrecy at telco records?
Don't be too naive Cong at huwag ka nang magtanong. Alam namin na alam mo ang reason bakit ayaw mag-sign ng waiver. MAY TINATAGO ... plain and simple. Di ba Cong?
Di ba nangyari na yan kay PRRD. Ayaw mag-sign ng waiver sa umpisa ... pero dahil may iniingatan silang pangalan na mga MAISOG sila ... aba hinamon ba naman si Sen Trillanes na magsign siya ng waiver ... pero kailangan magpasampal si Trillanes sa harap ng buong Pilipinas ... in broad daylight ... and in national TV.
Laking gulat niya at tinanggap ni Trillanes ang bluff at more than willing siya na magpasampal basta magpirma siya agad ng waiver ASAP kung hindi man FORTHWITH (ora mismo yon dummy at hindi yong mga mapaglinlang na definition na inimbinto ng iba diyan para makaiwas sa impeachment)?
Ano ba naman yan ... ang maisog biglang naging duwag? Kantiyaw nga ng mga nakapanood ... umurong daw ang ba_ag ng mga nagtapang-tapangan!
Para matapos na ang episode kunyari hambalosin niya ng microphone si Sen-Tri? Na ikinagimbal naman ni Sen. de Lima, dahil for the lack of a better seat, bakit ba sila pinagtabi ni Digong aber? Sinadya ba o coincidence lang?
Anyways, that was the worst presidential temper tantrums ever recorded in the annals of Philippine politics. Nagfiesta tuloy ang buong sambayanan.
Di ba ayaw rin mag-sign ni Inday Sara? Dahil kung natuloy lang ang impeachment talagang malalaman na ng buong Pinas ang pinagkaingatang sekretong yaman ng mag-ama.
Sa tulong ng mga alipores nila sa Senado, muntik ng magkaroon ng constitutional crisis dahil lang sa salitang "forthwith" na binigyan ng bagong kahulugan ng walang kinikilingan na upper echelon ng Senado. Mga objective sila ha ... at hindi halatang mga pro-VP.
Katakot-takot na aberya ang inabot nito sa kamay ng mga kontrabida ... biglang napostpone ... naghintay ng ilang buwan and then there was a day na mistulang uumpisahan na nga ang impeachment (dahil naka-robe na ang lahat) pero nagbiglang liko sa kaliwa ... dinala sa Supreme Court ... naging null and void "ab initio" ... tapos may bagong salta na gusto pang ipa-DISMISS... salamat na lang sa mahiwagang talino at wisdom ni Cayetano na-ARCHIVE ito na buong sigasig na binoto ng Duterte bloc.
Ayan maghintay na naman tayo ng hanggang Febrero bago isa-isang maglabasan ang kalansay ng impeachment galing sa hukay.
Para silang sinaniban ng Holy Spi_it (ala Quibuloy ha - we wonder kung hindi nila nakakagat ang kanilang mga dila pati mga pangalang banal ay ginagamit nila sa kanilang narrative) that they were guided by Somebody up there para ilaban at itayo ang hustisya at katarungan.
Inabot ng mga buwan ang paghihintay ng lahat habang ang buong nation sabik at kilig na at hindik na hindik kung saan direksyon dadalhin ang political suspense-drama ng taon. We are almost at the edge of our seat because of the intense excitement, interest and suspense ... ginamit lahat ng ito na sahog to come up with a thrilling potboiler.
With bated breath, the whole nation watched the gripping storyline ... and you can't afford to blink ... lest you miss major twists and turns. We were captivated by everything, so we can't wait to find out what happened next. It is a thrilling movie game, and we are eagerly anticipating how the scriptwriter and director will handle the outcome and how they will conclude it.
Magaling na director si Boy Kilay at hindi matawaran ang contribution ng mga supporting senatorial cast. Kanya kanya silang pakulo at eksena. Aminin natin. The suspense and intrigue of the convoluted storyline had contributed to making this magnum opus... the most riveting, if not the most engaging and absorbing, political drama ever made.
Nabitin kami sa ending ... dahil inabot ng baha ang Maynila. Pesteng yawa ... pati ba naman baha gustong umeksena?
Yon pala ang baha pala ang gigising sa umiidlip at natutulog na mga kaisipan ng lahat. Kailangan malubog tayo sa baha para bigyan ng pagkataon ang presidente na magisip at magimbestiga why despite billions of pesos spent on flood control projects bakit parang hindi ito nakakatulong ... iisipin mo ba naman kada ulan ... major baha kaagad? It is just not adding up ... and it doesn't make sense.
Yon na pala ang umpisa ng Divine Justice at mukhang hinahabol ng karma ang lahat na involved sa pagdelay, pagdismiss, pag-archived at pagnull and void ab intio ng impeachment process. Pati na ang pag-deklara na unconstitutional ito.
Sabi nga ng isang internet observer ... yong lahat na tumutulong sa VP sa kanyang impeachment para malusutan nito ang kanyang kaso sa corruption ... ay sila pa ang unang nalagay sa iskandalo at isa-isa silang tinutugis. Sa parehong kasalanan din ... sa corruption.
Kawawa naman ang isang bagitong senador at akala niya umpisa nang maging kulay rosas ang kanyang umpisa. Isang mariing sampal ito sa kanya ... mantakin mo isang linggo pa lang sa isang napakataas na committee ... ligwak na agad? "Those who exalt themselves shall be humbled ... and those who humble themselves shall be exalted."
Wow ... kung totoo nga ito ... ang Makapangyarihan sa itaas really works in HIS own mysterious ways.


