Sabi ng mga motivational speakers sa internet, "Ang buhay mo ngayon ay resulta ng desisyon mo kahapon. At kung wala kang babaguhin ngayon, ’yan pa rin ang buhay mo bukas."
Napakagandang pakinggan, pambalot sa regalo, puwedeng gawing status sa Facebook na may kasamang picture ng kape.
Pero para sa marami sa atin, ang kasabihang ito ay hindi isang babala—ito ay isang kumportableng routine. Bakit ka nga naman magbabago ngayon kung puwede mo namang ipagpaliban bukas ang mga maling desisyon na napagtagumpayan mong gawin kahapon?
Tingnan natin ang dakilang sining ng pagkakalat na tinatawag na "nagpapakatotoo lang."
Marami sa mga tinatawag nating "napariwarang bata" ang hindi naman talaga nagplanong masira ang buhay. Sa katunayan, akala nila ay sila ang pinakamatatalino. At pinaka-matino.
Halimbawa na lang si Jon-Jon. Si Jon-Jon ay dalawampu’t limang taong gulang na visual artist.
Isang masuwerteng anak dahil nasa abroad si Mommy.At sagana siya sa allowance. Walang problema kung saang mamahaling school papasok. Status symbol kasi.
Napagpasyahan ni Jonjon dahil uso ang pera sa kanila… Akala niya wala nang katapusan ang manna galing sa langit dahil dito. Maaga siyang nag-asawa at buo ang tiwala niya na sagot pa rin ni Mommy ang lahat.
Kung saan niya kinuha ang paniwalang iyon, itanong na lang natin sa buwan.
Ano ang plano ni Jon-Jon para sa kinabukasan ng kanyang mga anak?
Siyempre, kapit-tuko siya kay Mommy. Para kay Jon-Jon, tama ang lahat ng ginagawa niya.Basta nandiyan si Mommy… para siyang nakasandal sa pader.
Ang may problema ay ang lipunan at mga tsismoso at tsismosang walang magawa kundi makialam sa buhay ng may buhay ay ayaw umunawa sa kanyang paniniwala.
At huwag nating kalimutan si Princess. Si Princess ay kilala sa kanilang barangay bilang "content creator" kahit na ang tanging nililikha lang naman niya ay ingay at sakit ng ulo sa kanyang mga pinalalaking anak.
Kahapon, nagpasya siyang bumili ng bagong iPhone gamit ang Home Credit kahit wala siyang pambayad ng kuryente, dahil sabi sa TikTok, "You deserve to treat yourself, gurl."
Ngayon, nagtatago siya sa barangay captain dahil hinahanap siya ng singil sa online lending app, habang gumagawa ng drama video sa FB Reels tungkol sa kung paano siya "inaapi ng mga inggitera."
Bukas, panibagong utang ulit ang kanyang lulutuin para pambayad sa lumang utang, habang buong pamilya nila ay nakatutok sa electric fan na hiram sa kapitbahay.
May intensyon ba siyang magbago? Wala. Dahil sa utak ni Princess, ang pagiging financially illiterate ay hindi pagkakamali—ito ay isang "lifestyle choice."
Ang pinakamasarap sa estado ng mga taong ito ay ang pambihirang paninindigan. Wala silang intensyong magbago dahil naniniwala silang ang consistency ang susi sa tagumpay.
Kung pareho ang maling desisyon mo kahapon, ngayon, at bukas, ibig sabihin ay consistent ka.
At sa mundong ito ng mabilis na pagbabago, hindi ba’t isang magandang katangian ang pagiging matatag sa sarili mong kamalian?
Kaya sa mga taong patuloy na gumagawa ng desisyong sumisira sa kanilang kinabukasan: ipagpatuloy niyo lang 'yan.
Huwag kayong papagimbal sa mga paalala ng buhay. Tutal, kung naging mahirap at magulo ang buhay mo ngayon dahil sa mga katarantaduhan na ginawa mo kahapon, sigurado akong magiging mas mahirap at mas magulo pa 'yan bukas—basta siguraduhin mo lang na wala kang babaguhin ngayon
.jpg)


.png)



.jpg)

Asian%20Fashion-%20Jutapat%20Jarensungnern%20done.jpg)





