Bakit parang hindi na tayo makaraos sa hirap ng buhay?
Ang problema kasi ipinanganak tayong naghihikahos. Gusto man itago ng ating parents ang kanilang mga karanasan pati na ang kanilang mga masakit na hamon at dagok ng buhay ... pero nakita pa rin natin ito first hand and it was served to us in full color and in Cine Vision pa man din.
Sad to say ... sa ating murang kamalayan ... kahit hindi natin maintiendihan yon ... ang first thing na natunan natin sa kanila is mainly survival at kahirapan ... at yong kanilang araw- araw na pagpupunyagi.
Walang silang panahon sa atin ... hindi dahil gusto nila ito . Priority lang kasi nila yong kumita ng konti mairaos lang ang mga dapat unahin at pangangailangan para sa isang buong araw.
We don't have a parent present who has time para turuan tayo na huwag mangutang kung hindi naman kailangan. Na huwag tayo manghiram ng pera kung wala namang tayong means and ways na mabayaran ito.
Wala man lang pumapayo sa atin na huwag tayong mainggit sa kung ano ang cellphone ng mga kaibigan natin. Na huwag pilitin ang ating sarili na maabot ang mga imposibling bagay na hindi naman tugma sa estado ng ating buhay ... pagkatapos ng lahat malibing lang tayo sa utang at tago ng tago sa naniningil?
Wala man lang nagturo sa atin how to set healthy boundaries ...and no one has ever told us that yes we can say NO to somebody na gusto ring manhiram ng pera ... without experiencing that sickening feeling of guilt ... or feeling selfish and insensitive to help another tired soul.
No one has time to explain to us that yes ... you can choose to leave a relationship even if you still love the person. Yes, you can walk away from a love that hurts ... because staying destroys your well-being more than leaving.
Nobody has shown us the importance of prioritizing self-love and personal peace. Nobody has educated us to protect ourselves from further damage and make time and space for a healthier love ... even though leaving tears our hearts out and break our souls.
We feel swamped and inundated... entertaining the flood of questions, why we feel this unusual idea that we are BROKEN when in reality ... we were never taught the fundamentals of being WHOLE in the first place!



No comments:
Post a Comment