Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Showing posts with label Pinoy Commentaries. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Commentaries. Show all posts

Thursday, January 11, 2024

The Enabler Around us


Sa lahat ng ating pagkamali, may mga tao sa ating paligid acting like pompom girls or cheerleaders.  Sila yong mga ENABLERS - to make it blunt - kahit mali yong ginagawa mo sila yong mga knights in shining armour mo who will defend you thru thick and thin. The "enablers" are giving the illusion to you that what you are doing is right kasi feeling mo ... may kakampi ka. Hindi naman sila kakampi kung mali di ba?

Pero huwag ka ... ang iba diyan sulsol lang sulsol dahil gusto lang nilang babagsak ka. Di ba sa mga bisyo ganyan, akala mo kaibigan ... naghahanap lang pala ng karamay. Sira na ang mga buhay nila ... kaya isa kang hangal na naniwala naman. Masakit isipin pero wala silang ni katiting na love sa yo ...  all they want is for you to fail at masakit ding isipin mas mahal mo sila at pinaniwalaan kaysa sa mga taong tunay na nagmamahal sa iyo.

Gatong sila nang gatong ... ano ang pagkaiba nila sa pagiging "kunsintidor"? "Okay lang ang manigarilyo ... wala namang nakatingin." "Manghiram ka ng pera ... keri lang." "Mag-quit ka sa trabaho ... sasabihin ko kailangan mong magpahinga." Sa 24 hours na ikaw ay nakahilata ... sa lagay na yan kailangan mo pang magpahinga?

Tuesday, October 31, 2023

Zombie Debt (Death?)

 


Today ay Araw ng mga PATAY (Halloween's Day).

Ito ang araw ... na ang mga utang mo ay KINATAY at PINATAY mo. Mga perang hiniram, na INILIBING mo na sa limot ... pero parang MULTO na kusa kang binalikbalikan.


Friday, September 29, 2023

Da Ganang Akin


I think the biggest bulk of credit should go to the unrelenting and unwavering support of the netizens and the Filipino people to the men and women in the Coast Guard and the navy protecting the West Philippine Sea.

Hindi talaga nagpatinag at patuloy na kinakalampag ng mga tao ang kanilang mga keyboard to show their outrage and dismay that while the Coast Guard is battling the pesky Chinese excursion ... some government officials are oblivious and are more concerned about the money they will get sa kaban ng bayan ... than being involved in a not so important matter like the invasion of the Scarborough Shoal.

Because of our vigilance and active citizenry, the constant beating of the drums for freedom and responsible governance made a dent on the collective conscience in the House that stripping the OVP of their confidential funds is one good way to fund the agencies that help the coast guard and the military.

Friday, September 15, 2023

BBM and Sarah: Early Xmas Exchange Gifts

                                                         Exchange gift in September ... an early Christmas spirit

Pagpasok ng ber months ... m
aagang nag-exchange gift sina BBM at Sara.  As reported nag-transfer ang office of the President ng 125 million pesos na ginamit sa confidential expenses ng OVP (Office of the Vice President). Siempre tuwangtuwa si Sara diyan.

In exchange, Sara through DepED returned the favor ... by removing the name Marcos from the term dictadurang Marcos in the revised Grade 6 Araling Panlipunan curriculum.

Sandro Marcos also gifted Sara by way of parliamentary courtesy when he moved to terminate the discussion of the confidential funds and budget of the office of the Vice President to the utter surprise of the Makabayan block in the house.

Monday, August 21, 2023

Pinoy Commentaries


Sinubukan ko ang magiging BLOGGER. Grabe ang experience.  Dito ko napatunayan na mas marami pa akong followers na mas matalino kaysa sa akin.

Sinubukan ko ring mag-TIKTOK. Wala rin.  Pakiramdam ko mas madali akong makilala kung maging BASHER na lang ako ... o di kaya maging TROLL.

Saturday, April 29, 2023

Department Stores Etiquette


Overheard sa isang department store: "Mam ... ito ang the best para sa mga acne and pimples."

"Sir -i-try ninyo ang shampoong ito for your dandruff."

"Ale ... ito ang state-of-the-art na sabon para sa mga gustong pumuti."

Naririnig ninyo ba ang mga sarili ninyo? Kailangan bang ipamukha sa amin ang aming mga kakulangan at kapintasan? It is high time these department stores need to develop a script - lines that will encourage the customers to listen instead of driving them out of the store ... dahil lang sa pagiging taklesa ninyo.

The fundamental rule is to think about the customer and put yourself in his shoes. How would you want to be treated? is the basic question.

Friday, April 28, 2023

Isang Kahig ... Isang Tuka


Yong iba retired na at uugod-ugod pa ay bumabangon pa rin sa umaga at rumaraket pa rin.

Meron pang iba na stable na ang trabaho, pero nakuha pang mag-sideline to boost his savings.

At may mga kaibigan ako sa Amerika na may millions na sa banko ... pero buo pa rin ang loob na magdouble job ... even triple job at halos wala nang day-off.

Tapos ikaw na wala ngang savings na matawag ... ay tamad na at sobrang ma-PRIDE pa!

Kontento ka na lang ba sa buhay na isang kahig isang tuka? What will it take you para mapalitan ang ganitong mindset?

Friday, April 21, 2023

Life Is So Unfair


Injustice is defined as, a "lack of fairness” and “an unjust act or occurrence.” Taking it a step further, what is the meaning of “unjust?” It is defined as, “not based on or behaving according to what is morally right and fair.”

Marami nang mga naimbento na moisturizer at lotion para sa balat ... pero sa ugali wala.

Meron pang cleanser, exfoliator, toner, antiaging cream, serum at weakly mask ... pero sa ugali wala.

Marami doctor sa balat like dermatologist ... kung gusto mo magparetoke - cosmetic surgeons are sprouting like mushrooms. Sa ugali may narinig ka na bang ugali-enhancer or behavioral surgeons?

Wednesday, April 19, 2023

Sino Kailangan Mag-Explain

 


Overheard from my neighbor:

"This is so unfair.  I was the one who lost money ... dahil kinatok nila ako sa bahay at kailangan lang daw ng emergency na pang-tuition ang anak. Walangwala nga ako noon ... pero pinahiram ko pa rin,

"Napapagod na ako sa panunuyo na bayaran na yong utang nila  Tapos ako pa ang kailangan magexplain kung bakit sinisingil sila? 

Tuesday, April 4, 2023

Being Rich


Being RICH does not mean ... mayaman ka lang sa pera at salapi.

Being RICH include ... mayaman ka rin sa kababaan ng loob at magandang ugali.

Being RICH is not all about Money, Fancy Cars, and Big Mansions.

Going to bed in the night knowing you have done something wonderful is all that matters. Being RICH is just a state of mind. 

Sunday, March 26, 2023

Pinoy Commentaries


Ang PAGPATAWAD ay peanuts lang naman at hindi mahirap ibigay. Pero pag paulit-ulit na ginawa ang mga kasalanang hindi naman deserve ng tao at siya ang pinagbuntongan mo ng sisi ... naka-semento na sa puso ninuman yong sakit at galit.  OK lang naman silang makinig sa problema ng iba. Pero yong isisi mo sa iba at ipamukha mo na that they are part of the problem na hindi naman sila ang gumawa kundi ikaw, aba ibang usapan na iyan,

Kung NASIRA NA ANG TIWALA (na pati safety ng tao ay iniisip na  niya tuwing kakatok ka ... at baka may gagawin ka) malaki na talaga ang lamat ng hindi ninyo pagkaintiendihan. Mahirap na itong maibabalik pa. And no amount of SORRY can bring it back.

Nobody wants na MAGTANIM ng galit sa kapwa ... pero ISIPIN MO ... may mga taong hindi rin madaling maka-let-go at MAKALIMOT.

Thursday, March 23, 2023

Pinoy Shorts


ORDINARYONG BALITA na yong magkakapatid na NAG-AAGAWAN ng lupa, ariari-an at mana at may nag-aaway pa.

HIGANTENG BALITA naman kung alin sa magkapatid ang MAG-AAGAWAN para aalagaan ang kanilang magulang sa kanyang pagtanda.

Saturday, March 18, 2023

It's All A Facade


Bago mo ibabad sa suka at ikula sa  detergent ang MALI ng iba, be sure ITAMA mo muna ang mga MALI sa pagkatao ninyo.

Lahat ng PAMAMALINIS at PAGMAGALING mo ay FACADE lang pala ... eh masahol ka pa sa taong pinupuna mo.

Question That Don't Have Answers


Another question that needs an answer.

Sa mga tao na NAGMAMALINIS at walang dungis at bahid ... ano bang detergent at beauty soap or shampoo ang ginagamit ninyo? 

Gusto naming malaman para makabili rin kami. Yon bang konting kuskos ayos na?  Or hindi kaya yong sabon na velvety smooth at ginagawa pang porcelana ang balat? Or deodorant that won't let you down?

Friday, March 17, 2023

Ikaw Lang Yon!


Kanya-kanyang opinyon lang yan.  "Hindi raw kailangan ng tao ang pera para sumaya." I don't agree.

Ayaw ko mang sabihan na takaw-pera ... pero kayo lang yon. If that's what you believe ... so be it.  At least ako HONEST ...  definitely kailangan ko.

Money can't buy happiness ... pero mabili nito ang comfort, entertainment, and stability that makes anyone HAPPY.

Wednesday, March 8, 2023

Nakakapagod Ang Magpuna


Nakakapagod din ang magbigay ng paalala lalo na kung nakikitang mong walang pagbabago ang binibigyan mo nito. Akala nyo ba natutuwa at nagagalak ang mga nagbibigay ng puna sa mga pinaggagawa nila? Akala mo ba ay feeling virtuous sila, decent, principled at faultless na kung umasta na lang ay sila na ang the most honorable and the most righteous?

Hindi ito ang punto hijo. Sinasabi nila ang mga nakita nila dahil mahal ka nila -hindi dahil takaw-puna sila. May mga pagkamali sila for sure, but that doesn't stop them to remind you of your excesses and shortcomings? They are doing this dahil gusto ka nilang magbago. Yon lang yon.  

Kung ayaw mo - your choice. But don't blame them for showing concern and apprehension that you going down the abyss of nothingness.  For all its worth ikaw na rin makapagpatunay in your history that after ignoring their warnings tapos bumagsak ka ... wala kang maisip pupuntahan kundi bumalik sa kanila.

Constructive Criticism


Bakit may mga taong ayaw magbago? Allergic sila sa mga puna at constructive criticism na sana ay gawin nilang gabay sa pagtahak sa buhay. Ayaw nila ang mga reminders na paulit-ulit, at recycled at kung narinig  na nila ang puna mo noon ... ayaw na nilang marinig ito ngayon.  Pag pinuna mo ulit buong ningning nilang sabihin ito sa iyo. Ayaw nilang mapuna, pero mabilis pa sa alas kuatro kung magpuna sa iba, BASTA HINDI SIYA.

Hindi kaya nila alam kaya sinasabi mo ito ng paulit-ulit ... na para ka nang sirang plaka (katulad ng pangungutang)  ... dahil paulit-ulit din nilang ginagawa ito ng walang habas without even realizing na lubog na sila sa utang?

Battle of Egos


In my opinion ang mga nangyari above is a battle of egos.  Gusto patunayan ng isa't isa kung sino ang matira at sino ang matibay sa usaping pagpuna at pagalala. Ang parent gusto lang maging magulang ,,, at ang mga anak naman para silang abogadong nilulusotan ang bawat argumento. 

Bakit ayaw makinig ... at bakit ayaw ang paulit-ulit na sermon - hindi kaya sa dahilan na may plano at gagawin nila ulit ang mga bagay na pinaalaala sa kanila (in this case the habit of borrowing money)? Pagpangutang na lang ba ang natitirang option? How about looking for a job ... mahirap ba gawin ang option na ito? 


Tuesday, March 7, 2023

Puna't Papuri


Kung ang isang tao ay matanggap niya ng maluwag sa loob ang mga PAPURI ... aba dapat rin lang tanggapin niya ng walang reklamo ang mga PUNA. Kailangan natin ito for our personal growth.

Bakit? Kung sa mga halaman ... it takes both the sun and the rain for them to grow. Ganoon din sa tao. Kailangan natin ang mga papuri ... and on the same breath kung may puna mang darating ... tanggapin natin ito para sa pagbabago para mas lumago at titingkad lalo ang ating buhay. 

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

The Last Will Be first, And The First Will Be Last."

Jesus told his disciples this parable (The Parable of Workers In The Vineyard) from the Gospel according to Matthew 20:1-16a) "The King...

Popular Posts