Bakit may mga taong ayaw magbago? Allergic sila sa mga puna at constructive criticism na sana ay gawin nilang gabay sa pagtahak sa buhay. Ayaw nila ang mga reminders na paulit-ulit, at recycled at kung narinig na nila ang puna mo noon ... ayaw na nilang marinig ito ngayon. Pag pinuna mo ulit buong ningning nilang sabihin ito sa iyo. Ayaw nilang mapuna, pero mabilis pa sa alas kuatro kung magpuna sa iba, BASTA HINDI SIYA.
Hindi kaya nila alam kaya sinasabi mo ito ng paulit-ulit ... na para ka nang sirang plaka (katulad ng pangungutang) ... dahil paulit-ulit din nilang ginagawa ito ng walang habas without even realizing na lubog na sila sa utang?
No comments:
Post a Comment