Nagka-slip of the tongue si MJ Macalintal sa Tic-tock Clock? Di ba kapanalo lang niya ng First Runner Up sa Man Hot Star International sa Thailand where in the Q and A segment ... he gave one of the most riveting answer?
This is not a slip of the tongue if MJ was looking at the board. May hint na nga sa board ... but MJ insists on answering using his gut feeling ... (eh kung lalamya lamya ka diyan sa pagsagot ... after three seconds nagbuzzer na)
I don't blame him actually ... malapit nga naman ang BAYWALK sa Luneta Park. And besides ... it starts with the letter B. Si Kuya Kim nga nag-side-comment: "I don't blame you for answering that ... ang pinakadulo kasi ng Baywalk ay sa Luneta."
What surprised me was the netizens' reactions ... as they judge him and the country's educational system severely na parang everything is bleak and grim at wala ng redeeming value. Sabi nga ng isa "Ang pinag-aralan po natin noon ... ay halos di na tinuturo sa mga kabataan ngayon ... kaya hindi nakapagtataka kung marami silang hindi alam."
May hirit pa ang isa" " Karamihan sa mga bata ngayon wala ng alam sa kasaysayan panay pagsayaw na lang sa Tiktok ang alam. Pagdating sa klase medyo kinakapos na ...:
Mga tsong ... let us give MJ a slack. Laro lang po ito. Sa Fast and The Curious ng Tictoclock kung sino ang trivia karerista ay siyang nananalo. Eh kung dinadaga ka at may nerbiyos as evident in MJ Macalintal nervous laugh ... mapilitan ka na lang nanghula. Baka maka-tsamba ng sagot.
Parang sa Family Feud na bawat question may time frame at time constraint. Kung hindi mo alam ang sagot ... hulaan na ... malay mo ma-jackpot-an mo ang di inaasahang sagot.
Eh kung na mental block ka dahil nga may time limit ... there is a big chance na your hula and your "guess wasn't good enough."
There is a big difference sa taong na-mental block at na-brain freeze ... iba naman yon sa taong bobo talaga at walang alam. Iba yong mechanics ... yong alam mo ang sagot pero hindi na-process at hindi niya ma-articulate ang answer in three seconds time frame.
And let it be known na iba din yong sumasagot ka lang in the confines of your home ... ikumpara doon na sumasagot ka live sa TV at ibenenta mo na ang dignidad at reputasyon mo at hayaan mo na lang ang mga taong hindi ka naman kilala ... pero mabilis kang husgahan. Ang hirap talaga ... lalo na kung iniisip mo kung ano ang sasabihin nila sakaling pumalpak ka ng sagot,
Kaya kayong mga perfect diyan ... at walang mga stage fright ... at fully confident na nakipagkarerahan ng sagot on national TV ... hinay-hinay naman sa paghusga.