Ano ba ang pagkaiba ng istorya behind the story ng image na nasa itaas sa istorya ni Juan Tamad?
Not much. Kung si Juan Tamad ay maghapong nakanganga hoping na mahulog na ang bayabas sa bunganga niya ... ganoon din ang sitwasyon sa itaas ... isang taong gusto kumain ng masarap ... pero walang drive para maisakatuparan ito.
Malaking sampal ito sa mga taong gustong bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak ... pero hindi nila ito magawa dahil mas gusto nilang matulog hanggang bumula na ang labi.
Gusto nila ay may magandang trabaho ... paano yan hindi nga nakatapos ng pag-aaral .. kahit all out naman ang mga parents na igapang sila ... makatapos lang. And it is very ironic na ayaw nila ng init ng araw ... at ayaw nilang mapagod. Gusto nila ng trabahong nasa airconditioned building sila ... pero hindi naman pwede ang mag-apply sa SM or sa Robinson na maging sales person or promodizer ... dahil ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan nila kung makita sila?
Ayaw nilang makita silang naglalakad lang ... kasi sayang naman ang pamasaheng P15 pesos sa tricycle ... at ang na-save nilang pera ay pwede pang pambili ng Swakto kung nauuhaw sila. Hindi rin sila pwedeng pumasok sa palengke ... naku matutunaw sila sa hiya sakaling maispatan silang bitbit ang basket ng gulay at isang dosenang galunggong. Ang tingin nila sa palengke ay masikip, mabaho at low-class ... so how can you expect na maghanap sila ng trabaho sa lugar na ito?
Gusto nila ng trabaho ... pero hindi mo man lang nakita na gumagawa ito ng resume' ... nor makita mong nagaapply or naghahanap ng trabaho. Meron bang trabaho na basta na lang lalapit sa iyo? Not unless mayaman ang lolo at lola mo at pamanahan ka ng restaurant ... computer shop or isang kiosk ng milk tea at coffee shop.
Sabi nga ni Mel Tiangco sa 24 Oras ... "Kuya Kim ... ano na?
Juan Tamad says: " I am not lazy ... I just want to conserve energy: