Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Thursday, October 9, 2025

Bakit Binabagyo at Nililindol ang Pinas?


Hindi ba ninyo napansin ang sunod-sunod na kalamidad ... halos magkasabay-sabay na ang apat na bagyo na nagta-tagteam at nag-riding in tandem pa sila. Pag-alis ng isa ... darating pa ang isa.  And there's more.

Halos malublub na tayo sa putik ng corruption ... nawasak na ang ating mga bahay at na-anod na ang atin kabuhayan ... sa mga delubyong buong kahayopan naghasik ng pinsala ... and it looked like there is no end in sight.

At sa kung anong dahilan ... hindi pa nakontento ang kalikasan. Kailangan pa niyang dagdagan ng mga reminders ang mga tao "na ang titigas kasi ng mga ulo ninyo. Hindi kayo makuha sa isang tingin lang ... gusto ninyo kunin ko kayo sa santong paspasan!"

Kita ninyo pagkatapos ng isang kalunos-lunos na mga imahen ng destruction when a powerful earthquake rocked Cebu to the tune of 6.9 on the Richter scale ... today, another powerful jolt shook Davao to its core, erasing the previous known reading in any known Philippine charts as it recorded a magnitude  7.4 in its seismograph oscillations.

After that, another temblor was noticed in Ilocos at 4.4, as if that was not enough of an alarm.

Call me naive and simple-minded ... pero hindi ba parang sawang-sawa na ang Makapangyarihang Tao sa langit sa lahat na pinapagawa ng mga tao. "Hindi kayo natototo sa bagyo lang at baha ... kailangan padalhan Ko rin kayo ng malakas na lindol for an added impact at para mabagok na ang ating mga matitigas na ulo toput some sense to it..

Kita mo naman, siguro nakatiim-bagang Siya na nagmamasid sa kalangitan at halos tumaas na ang kanyang kilay habang pinagmasdan ang pakontes sa Senado - pataasan ng ihi ng mga Senador -whoever has the highest  stream wins.

Ang mga nakusahan ay patuloy pa rin sa kanilang pag-deny and they continued to lie as if tuwang-tuwa ang mga tao.  At may mga unscrupulous na mga indibidwal na ginagamit pa ang pangalan ng nasa Itaas (that's sacriligious let alone using the name of God in vain) malusutan lang ang pressure sa kung anumang naguumpugang bato kung saan sila naipit.

Quote ng quote sila ng mga passages sa Bibliya thinking na kung ginagawa nila ito ... baka maibsan ang  masamang pagtingin sa kanila ng mga madlang people. But the more they lie ... the more abominable they become.

Nagresign na si Ping Lacson dahil baka mamaya mabigwasan pa ng dating police officer ang ulyaning at bengatibong mga katunggali sa Blue Ribbon Committee. Iwas pusoy na lang siya dahil sa totoo lang what will he get from sticking up with Tito Sen - kundi mataas na BP, peligis sa mukha at walang katapusang threat at hamon at planting of witnesses ng mga katunggaling desperate na and on the verge na of being outed and singled out.

Kung may mga gurang sa Senado may isa ring batang tahol ng tahol sa House of Representatives. He wants to be the speaker of the House, and he has declared an all-out war with the president and the former speaker.

Today, ang Secretary of DPWH was seen on TV ordering to stop any ongoing repairs sa kalsada in the entire nation. Nakaka-amaze na ngayon lang niya nalaman na may mga kalsada na mukhang maganda pa naman ... pero basta na lang binubungkal para gumawa ulit ng panibago para pagkakitaan. Aba nilulumot na sa panahon ang raket na ito.

Ang battlecry ng public ay hustisya at sana may makulong man lang ang mga mapang-abusong public servants (kuno). And it looked like bago may makulong .... it will takes months or years bago ito maisangkatuparan. O baka makalimutan na lang.

Will there be more typhoons, floods, and earthquakes on the horizon? 

If that is not enough warning to all of us ... tell!

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Photo Story

Looking at the image ... anybody can arrive at a myriad of interpretations ... one can put meaning to it ... and that depends mostly on one...

Popular Posts