Sa papalapit na HOLY WEEK ... nagnilay-nilay ako pero hindi ko maiwaksi ang feeling na KALBARYO ang karanasan ko sa isang nangutang sa akin. Hindi ko naman ito ka-close pero dahil kababata mo (at sa tindi siguro ng pangangailangan) bigla siyang kumatok isang araw at mangutang daw.
Ito ang mga terms: hihiram ng ganitong halaga tapos babayaran daw in one month. Siya pa raw ang maghatid ng pera sa bahay, ang although wala sa vocabulary ko ang 5/6 nagvounteer pa siya na dagdagan niya ng 10%. Sabi ko ... aba galante ... but at the back of my mind naglalaro ang tanong: magpabiktima ba ako sa isang taong mabulaklakin ang mga salita at dila? Are these signs of problem waiting to happen?
May pera naman akong nakatago at intended sana ito sa birthday ko last March 16. Dahil first time pa lang naman nanghiram ito ... at kababata ko pa nahiya naman akong tumanggi. So sinabi ko BASTA pagdating ng March 14 ... ibalik mo ang pera. Umpisa March 10 dadalawin kita sa bahay ninyo para maningil. Gusto ko sana biruin na pati ang 10% na sinabi niya ... pero huwag na lang.
Pagdating ng March 1o nagumpisa na akong nagparamdam as promised. Hinimas pa ang likod ko " May anim na araw pa sir. Darating ang pera ko anytime from now. Ako naman naniwala naman. Mukha kasing sincere. At tumitingin deretso sa mata.
At dumating nga ang birthday ko, imbes na magpaparty ako ... ako ay nagsimba na lang at magmukmuk sa kuwarto. Tawag at tex ang mga kapamilya at kaibigan pero bigla naglaho ang birthday na inaasahan. Sa sama ng loob ko buong maghapon akong natulog hanggang naitawid ko ang kinabukasan na walang kainan.
Nakita ko siya the following day at buong ningning pa siyang nag-greet ng Happy Birthday. Wow sabi ko ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kaipokritohan in my modern lifetime. Kung mag-greet siya sa akin wagas ... at walang hibla man lang ng pag-alinlangan na payakap-yakap pa siya, to think na malaking perwisyo ang ginawa niya kahapon on my special day. I can't help it pero tumatayo ang balahibo ko at na-alibadbaran ako.
At ito na po balik siya ulit sa mga promises niya (that were meant to be broken) - hindi ko alam kung ilang beses pa more na promises ang pagtiisan ko. Sinabi niya sa akin sa March 27 na raw darating ang pera. Fast forward tayo sa araw na ito (to make the story short) madilim pa ang umaga at tulog pa ang mga manok that signal the new day ... nandiyan na siya. Himala. Namamalikmata ba ako ... for once ngayon lang ako nakaranas ng ganitong excitement/pagaasam (pagnanasa ba iyon) na sana ito na ang araw ng kanyang pagbayad.
Dinukot niya ang bulsa niya at binigyan niya ako ng P200. Nagtaka ako kung para saan ito. Akala ko yon na ang 10%. Muntik na akong mahulog sa aking silya ng sinabi niyang i-installment na lang niya ang kanyang pagbayad. Can you imagine ang perang pam-birthday ko pang-fisball na lang at kwek kwek ang halaga? At ilang buwan kaya niya kaya ang magbayad ng P200? At sino ba ang nagbigay ng karapatan dito at siya ang nagdidikta ng terms at maghihintay na lang ako kung ano ang napagdesisyonan at pabor sa kanya?
With this experience, I promise isusulat ko ito at sana marami ang makakabasa para matantiya nating lahat kung sino ang kumakatok sa ating pinto-an at sino ang mangungutang na nambubulahaw lang. Naisipan kong gumawa ng sixteen commandments below para balaan ang mga nagungutang na hindi lahat ng inuutangan ninyo ay malakas pa ... meron diyang mahina na at kung bubulagain mo na hindi ka makabayad - baka magka brain aneurysm pa yan at ma-stroke. May kargo de konsyensya ka pa dahil sa hindi mo mapigilang pangungutang.
Imagine ... deadly pala (nakakamatay) ang maghiram ng pera?