16 Commandments In Borrowing Money
1. Thou shalt borrow money if you are forgetful or suffering from amnesia. Sigurado yan wala kang maala-alang utang.
2. Thou shalt not borrow money early in the morning ... it is not a buena mano sa uutangan mo. Baka imbes na pautangin ka ... SABON ang makuha mo.
3. Thou shalt not borrow money... if you have intentions of relocating to Timbukto Island. Ano yan borrow now ... hide later?
4. Thou shalt not borrow money ... if you don't have intentions of paying it back. Matindi ka ... bakit kaano-ano mo ba ito at gusto mong makalibre?
5. Thou shalt not borrow money ... dahil gusto mo lang makipagsabayan sa mga kaibigan mo. Bawal inggitero. Nakita mo lang na may Apple iphone 14 si BFF parang sinisilihan na ang puwet mo para mangutang?
6. Thou shalt not get offended ... kung sinisingil ka na. Kapal ng mukha noong nangutang ka ... tapos biglang nagnipis noong siningil ka?
7. Thou shalt not wait for the last minute para magbayad. Bakit nageexpect ka bang nakalimutan niya? Or ibigay na lang sa yo?
8. Thou shalt not feel blessed ... kung ang taong nabudol mo feel pissed and stressed. Umayos ka ... kailangan niya ang pera niya.
9. Thou shalt not think ... na hindi pa kailangan ng tao ang pera niya. Kapal mo ha ... in the first place, wala siyang plano na magpautang sa iyo. Naawa lang siya sa iyo.
10. Thou shalt not get angry ... kung nereremind ka lang ng pagbayad mo. Ikaw pa ang may ganang magalit? Kung sabagay marami na akong narinig ng kuwentong ganyan. Not new.
11. Thou shalt not block or unfriend the person na nabudol mo. ... at huwag mo siyang takasan. Yong FB at Twitter account mo lang ang tanging tulay niya sa iyo ... magtatago ka pa?
12. Thou shall pay your dues sa araw na pinagusapan ninyo at pinagkasunduan. At huwag kang mag-gas lighting at sabihin mong malimutin ka talaga ... Di ba sinabi mong okey lang na sa next year na?
13. Thou shall not ever think na magbayad ka ng installment. Anak ng pating naman. Buo ang perang kinuha mo ... buo mo rin itong ibalik.
14. Thou shall not dictate the terms kung magkano ang hihiramin, kung kailan magbayad, at kung may interest na ipataw sa iyo. Ikaw amg nanghihiram ... ikaw ang magadjust.
15. Thou shalt not resort to lies ... makuha mo lang ang pera mo. Huwag kang magimbento ng kung ano-ano, kesyo na-hospital ang asawa mo or naaksidente ang anak mo. Narinig mo na ba kung ano ang self-fulfilling prophecy? Kaya na-hospital yan ... dahil yon naman ang gusto at dahilan mo.
16. Huwag magpromise ng langit... if you can't deliver. Minsan yong yabang at tabas ng dila mo ang didiin sa yo. People like you leaves people who borrows money ... a bad taste in their mouth.
OK folks? Sana sa Holy Week na ito bibigyan ka ng pang-unawa na huwag lang sarili ang iisipin mo. Remember siya ang sumalo sa iyo noong ika'y nangangailangan. Isipin ang Golden Rule kung ayaw mong mangyari ang mga ginagawa mo sa mga inuutangan mo ... sa iyo.
Iwasan mo ang mangutang para lang may ipagyabang. Huwag mainggit, magselos sa kung ano meron ang iba. Be contented with what you have.
Magbayad ng maaga ... huwag hintayin sisingilin ka pa ... at ipa-summon sa barangay.
No comments:
Post a Comment