Sa marathon hearing sa Senate Blue Ribbon Committee ...(walang biro 2-5 hours yan ha) parang binabarenahan ang aming tenga (at kailangan naming mag-take ng Paracetamol) sa kakaibang pagbigkas ng mga resource speakers ng acronym na DPWH. Pati mga senador naanod na rin sa agos at nakisalo din sa kakaibang paligsahang ito - pakapalan ng accent.
Kung hindi Bisayang malambing ang pagkabigkas ... yong iba pangshowbiz na ang slant.
Sabihin ba naman na DPW-etch ... at marami rin sa kanila may makapal na dila at patay malisya pinag-duldulan na ang tunog ng salita dapat ay DPW-itch?
Blame our English teachers for being remiss with their work. Imagine DPW-ETCH na parang nang-eetching lang or nang-eechos ng mga madlang people? (nambubudol)
Or DPW-ITCH na parang kinakati lang? Saan ... sa pagnanakaw o sa pangungulimbat?
For lack of a better post ... pagtiyagaan ninyo na lang ito.