Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Monday, November 24, 2025

Pageant Result: Miss Environment International 2025

The winners of Miss Environment International 2025 from left to right: Trisha Ahwera- Uganda - First Runner Up, Arianna Pantaleon - Philippines - Miss Environment International  2025 - Rebecca Baptiste -Trinidad and Tobago - Second Runner Up. The pageant was held in the City of Dreams in Paranaque, Philippines, last November 24, 2025.

Interesting Homily


The 10 Commandments Have Grown To 13

I attended the mass last Sunday. The priest delivered a very interesting homily, highlighting the current state of moral decay and disarray in the government. Obviously, he was making a snide remark on some clandestine flood control projects and the corruption that is eating the moral fiber of everyone.

Sabi niya ... there are only Ten Commandments ... and if Pulse Asia and the Social Weather Stations will make a survey of the commandments, sigurado siya na ang commandments na paulit-ulit na nilalabag ng mga tao at ng mga government officials ay Commandment No. 7 - THOU SHALT NOT STEAL ... at No. 8 - THOU SHALT NOT BEAR FALSE WITNESS AGAINST THY NEIGHBOR.

Magkadugtong kasi ang pusod ng dalawang commandment ... kung magnanakaw ka kasi ... sigurado sinungaling ka rin. Nahuli ka nang nagnanakaw ... nagsisinungaling ka pang hindi ah. Gusto mo lang daw masubukan kung ano ang pakiramdam hawakan ang limpak-limpak na salapi.

Nahuli ka nang pinapasok mo ang pera sa maleta ninyo ...nagpapalusot ka pang gusto mo lang matantiya kung gaano kakapal at magkano ba talaga ang laman ng isang luggage ... in millions. Parang kang si Orly Guteza who testified in the Blue Ribbon Committee that one suitcase are worth approximately 48 million pesos. Na tinawanan lang ng lahat.

The seventh commandment, considering the current political system, is evolving and is undergoing drastic and dramatic changes - one can always web lies na may mga kasama ka pang iba - kahit iisang tao lang naman ang makikita sa kuarto. At ikaw yon.

When you start to fib and lie ... posibleng mandamay ka pa ng iba ... nakakahiya nga namang mahuli ka at nagiisa ka lang. Misery loves company - meaning guilty people often find comfort in dragging others down and sharing their suffering. A miserable person wants others to be unhappy as well, so they don't feel alone. Diyan na pumapasok ang 8th Commandment - "bearing false witness against thy neighbor."

I was really holding my laughter the way the priest said it: Sampu lang naman ang commandments hindi pa matupad ... pero gusto pa yatang nilang dagdagan.

Ang commandment No 11 daw ay THOU SHALT NOT GET CAUGHT. Huwag daw magpahuli. I don't know kung ang ibig sabihin niya ay hindi magpahuli sa mga police or ng mga tracking device - GPS, law enforcement monitors or any electronic surveillance.

Kung hinahabol ka ng batas sa pagnanakaw ... or sa pagsinungaling ... or sa paggawa ng kuwento sa iba ... automatic na yong magtago ka na tucked inside your survival kit. . Huwag kang sumuko. May slim chance pa na malusotan mo ito.

Deny all you can (parang eat all you can ah) - if that will help your case. Kung bukong-buko ka na and it reach the point na hinahanap ka na ni General Torre - aba hide and seek na ang drama mo... if possible sa ilalim ng lupa. But don't repeat the same mistake of Quibuloy - nakalimutan niyang huwag dapat siyang huminga at ang mga pulso niya dapat nasa SILENT MODE. Parang sa Ai-phone.

At sakali mang mahuli ka ni General Torre, then the next Commandment No. 12 is your next big option. THOU SHALL NOT ADMIT ANYTHING. Kahit ibitay ka pa nila ng patiwarik ... or kilitiin to the max ... ipa-smorgasbord sa langgam ... huwag bumigay ... huwag umihi sa pantalon ... walang aminan.

Pwede kang magkunyari na may sakit ka para hindi na sila mangulit sa pagtanong sa iyo ... pero tested and proven na yong mag- neck-brace (kahit itanong mo sa mga nagdaang mga politiko kahit wala namang orthopedic issues sa leeg mo. At classic na ring matawag yong gumamit ka ng props like wheelchair perhaps? And revolutionary na yong mga nagsa-suggest na magpa-house arrest na lang sila.

If push comes to shove pwede ka ring magkunyaring comatose ka ... or nasa stage of catatonic stupor ang lagay mo. And please lang huwag mong ibukas ang mga mata kung may tao. Bad yan. Malaking kasalanan din ang mahuling ngumiti. May comatose at stuporous ba na nakabukas ang mata at nakangiti pa man din ... aber?

Dahil sa katigasan ng ulo mo ... binuksan mo nga ang mata mo at nguniti ka pa dahil akala mo nabudol mo ang mga police ... sa pagkunyaring may sakit ka ... wala ka nang magawa ngayon kundi tanggapin ang kapalaran mo.

But wait ... you still can do the Commandment No. 13 - THOU SHALT NOT BE ALONE sa parusa mo. Gamitin mo ang lahat ng resources at yaman mo. Employ a Dream Team na gagabay sa iyo.

Ipa-raffle lahat ang mga luxury vehicles ... ang mga Rolls -Royce Cullinan, Bentley Bentayga, Mercedes Benz G-500, Mercedes AMG G 63, Cadillac Escalade, Maserati Levante. Modena, Porche Cayenne, Toyota Sequoia and Tundra para sa mga abogadong buong puso kang tulungan with all your legal and illegal woes.

Search for the country's best ghostbusters para ibandera na ang lahat na mga ghost projects at ghost employees ... mga project na imupisahan pero hindi tinapos, mag proyektong inanod at nilamon ng tubig, at mga project na basta na lang iniwang nakatiwangwang.

Maghanap ka rin ng abogadong buong giting kang ipagtanggol at maipagsakatuparan na magiging state witness ka and will be placed under the government's Witness Protection Program (WPP). Sabi nga nila - nahuli ka man ... pero hindi kulong.

Find fake whistle-blowers, even with fake notarization, as long as they are willing to lie for you. Huwag mong piliin ang whistle blower na pagkatapos ng kanyang unang baptism of fire sa Senado ... hindi na mahagilap at missing in action na. Ayan tuloy ... nagdududa na ang mga miron.

Employ an army of trolls para masagot ang mga negative narratives sa internet at social media. Importante pa ring maalagaan ang pangalan mo kahit masangsang na ang amoy nito.

Ask for the help of religious organizations that are willing to do indignation rallies in EDSA and Luneta against corruption, kahit walang duda na pati ikaw kumbinsido na at walang pagalinlangan na corrupt na rin ang turing at tingin mo sa sarili. Naglinis-linisan kasi.

If all else fails, idamay na ang lahat. Ilabas mo ang kanilang baho ... ano sila hilo ... at ikaw lang ang magiging fall guy?

Kaya nga hindi matapos-tapos itong serye ng mga bagyo eh. Dahil may mga taong katulad mo ... who has imbibed the tenets of "no retreat no surrender." ... "habang may buhay ... may pag-asa" or "kung may gusot ... may lusot."

Sigi palusot pa more. Tandaan mo malulusutan mo man ang batas ng tao ... pero ang batas ng nasa Itaas ... NEVER!

Feeling Blessed ... Ang Isang May Utang


Nakita ni Pete na na nagpost ang kaibigan niyang may utang sa kanya na FEELING BLESSED siya that day sa Facebook. Magandang timing. Kaya pinuntahan niya ito at baka sakaling mabayaran at maambunan siya ng kakaibang feeling na yon. Feeling blessed! Sigurado magbabayad na yon!

Pete: Pre pwede ka bang magbayad ng utang mo ngayon? Kailangan ko lang kasi.

Kaibigan: Hindi ko alam kung kaibigan pa kita. Nag US ka lang ... binago na ng pera ang buong pagkatao mo.

Pete: Haah ... ako pa ngayon ang nagbago? Pag galing US ka ba ... kailangan ba magbago? Ako pa ngayon ang may kasalanan? Wala ba akong karapatan maningil?  ... Ako pa ngayon ang masama? Ibibigay ko na lang ba ng libre ang inutang mo?

Ang daming tanong yon ah.  Naglalabas lang siya siguro ng kanyang nararamdaman. Ang FEELING BLESSED pala ... ay synonymous sa FEELING BEAST!

Correction lang ... ang feeling blessed is not a SYNONYM na ang tao ay magbabayad ng utang.  The fact of the matter is ... ANTONYM sila!

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Satire: Analyzing The Analogy

  Mike Defensor, a man known for his political acrobatics and uncanny ability to land on his feet (or at least, near a microphone), has gift...

Popular Posts