Iha ... maintiendihan mo ang pinagsasabi mo ... pag ikaw ay matanda na rin at ganoon din ang trato sa inyo ng mga anak ninyo?
How can you say toxic culture .... kita mo pamunu-an na ng Milo ang nagtanggal kay Carlos na maging model nila dahil hindi sila naniniwala sa points of view at mindset ninyo. Huwag ninyong sabihin na mali sila.
One thing is sure we are living in matriarchal society. Tapos ngayon gusto ninyong bagohin ang kultura ... to think na napakabata pa ninyo ... tapos nagsusuggest kayo ng total overhaul ng sistema ... dahil the narrative is too convenient for you?
What goes around ... comes around and I hate rubbing it in your face ... kung ikaw na ang nasa sitwasyong ng mga magulang ni Carlos. Baka mahimasmasan ka at bawiin mo bigla ang mga sinabi mo: starting with the reactions ng sarili mong parents sa mga maanghang mong pananalita.
Remember hindi nakasalalay ang tagumpay ninyo sa mga gintong medalya. Oo puno kayo nga biyaya ngayon ... pero pansamantala lang yan. Nothing is permanent in this world. Pinatikim lang kayo nga konting biyaya .... nagbago na ng ugali at naging madamot?
Tanongin mo si Carlos kung happy ba siya sa naging desisyon niya. One thing is sure ... there is a void in him, yong feeling na buo siya ... pero bakit parang merong kulang? Yong feeling na despite the money, the adulation that he is getting ... bakit parang may feeling of emptiness wanting to be filled.
You know what I mean ... dahil sa success at pera ninyo nagiging madamot kayo at kasabay diyan ang pag-itsa puera at buong giting na nakipaghiwalay kayo sa mga magulang ninyo ... for good ... walang reservation at pakundangan dahil nagiging selfish at greedy na kayo. See what money can do?
Tuwang tuwa ka nga at Olympic champion ka ... ang tanong ba ay kompleto ba ang happiness na yan ... eh sinasarili lang ninyo? Kumakain ka nga ng masasarap na pagkain ... but at the back of your mind sumagi ba sa isip mo na may mga magulang ka at kapatid ka na kumakalam ang tiyan sa gutom?
Doon sa victory celebration niya sa ASAP sa ABS CBN ... wow na wow siya sa lahat ng pagbunyi at pagtingala ... pero nakaya at nalunok niya ... na ni isa sa pamilya ay wala doon at hindi man lang naimbitahan? OO mali ang ginawa ng mother niya na kumampi sa iba instead of staying loyal to him bago pa ang Olympics.
OO mali ang paggamit ng kanyang ina sa pera niya but what is that sa grasya na tinatamasa niya ngayon? Saan na ba ang linyang: "Share your blessings ..." tinapon na lang sa bintana? Ang pera pag nawala ay puedeng kitain ulit... pero ang tuluyang wakasan ang isang buong pamilya dahil hindi ka sang-ayon sa ginagawa ng mother mo ... is preposterous. It is reckless ... imprudent, misguided and ill-considered.
There is no perfect parent ... or a perfect children. Lahat ay nagkakamali. Pero ang pagkamali ay puedeng pagusapan ng lahat ng members ... at puede kayong maggawa ng plan of action ... or groundrules para maiwasan itong mangyari ulit.
Hindi ba pwedeng pagusapan yan ng matino na walang ibang taong nagsusolsol at nakiki-alam? Hindi ba pwedeng magkapatawaran na ... at ipaliwanag ang kanyang saloobin sa mga rules and regulations tungkol sa paggamit ng kanyang pera ... and instructions that states the way things should be done ... what her family is allowed or not allowed to do?
It is bad na mag-wish ng masama sa kapwa ... but what happens kung iikot ang gulong ng buhay at biglang nasa ilalim bigla kayo. What happens kung ubos na ang pera ninyo ... at wala na yong dating liksi mo para tumambling? What happens kung isang one day millionaire phenomenon lang pala ang lahat, at naubos na ninyo ang yaman at yabang ninyo?
I hate to see Carlos in that situation (the parable of the prodigal son ) if he dares to swallow his pride to return to his family ... nagmakaawa para lang siya ay tanggapin.
Maraming nang nangyayari na ganyan iha. Mga amang hiniwalayan ang mga asawa , nagpakasasa sa mga biyayang ibinigay ng nasa ITAAS ... pagkatapos luhaang bumalik sa kanyang original family dahil wala na ang mga grasya ... pati ang ikalawang pamilya ... and the worst of all matanda na at may sakit na.
Isipin mo ang kirot ... yong nagsisisi ka na at lahat ... pero hindi ka matanggap ng mga anak mo dahil pinili mong iwanan sila kapalit doon sa isang pamilya na akala mo ay forever at panghabang buhay na ... panandalian lang pala.
Truth hurts iha ... at sana huwag mong isiping that I am sanctimonious and holier than thou para magbigay ng unsolicited opinion ko. And that I am morally superior and hypocritically pious para mag-impose na ang mga paniwala ko ay tama. Far from that. Nangyari na kasi sa akin ... iba iba lang ang kwento pero suma-total ganoon pa rin ang buod ng istorya.
Take it from somebody who has been there. I am just reminding you of your sins of omission and commission ... the lacks and the excesses you made because of your youthful indiscretions.