Masakit na April Fools Day ang nangyari sa akin kahapon. Naloko na ... nagpenitensiya pa ako. Tinalo ko pa Ang nagpasan ng krus sa Kalbaryo at mala-mais na pawis ang lumabas sa akin. I know it is Holy Week, but I don't think I deserved it to think na isang drum na pawis ang tumatagatak sa noo ko - at mahiya ang Pagsanjan Falls dahil halos tuyot na at dehydrated na ako.
A certain group occupied the second floor of my building at naglipat sila April 1. Wala kami to welcome them... kasi may pinuntahan kami at dahil walang orientation siguro, kung sinong Herodes at Ponsio Pilato ang kumalikot ng circuit breaker at control panel. Pagdating namin ng 3 PM nakasindi ang emergency light. "Ay brownout." sabi ni Fred. Wala na ang mga bagong lipat hindi siguro nakayanang na-fried sila sa kanilang sariling mantika.
So brown out daw ... kaya minabuti ko mag-stay sa fourth floor kasi mahangin doon at hindi mainit. Three hours din akong natulog. Pagdating ng six PM brown out pa rin. At dahil madilim na, napansin kong kami lang yata ang brown-out. Naputulan ba kami? ... Pero sigurado ako ... nakabayad ako.
Nag-umpisa na akong magdasal na sana bumalik na ang ilaw. Halos basa na ako sa pawis at baka kung natagalan pa ... mga 10 pounds for sure ang bawas sa timbang ko. Indeed mahaba ang oras for those who wait. Nakaapat na playlist ng mga kanta ang napakinggan ko para malibang ... and to pass my time. Hindi na ako nakatiis kaya naghanap ako ng karamay at tinext ko si Mike. Galing pa siya ng Iloilo ... kaya alas diyes na siya ng gabi dumating. Hindi ko nga alam na darating siya.
Naririnig pa niya ang mura ko sa first floor since I was not expecting him ... minabuti kong matulog in my birthday suit ready na tanggapin ang pre-Lenten Season na latigo at parusa na igagawad sa akin. At dahil walang ilaw, mga 1o minutes siguro ang paghanap ko ng i-phone ko para magamit na flashlight ... 10 minutes ulit para maghanap ng pajama na isusuot, another 10 minutes na pangangapa mula sa third floor and another 10 minutes para mabuksan ang glass door habang iniilawan ni Mike sa glassdoor. Narambol ang isang kumpol na susi kaya hindi ko mahanap ang susing compatible. I saw his reaction outside na unti-unti ng natutunaw dahil sa kabagalan ko. Hindi kaya sa galit at inis ... hindi lang niya pinahalata?
Pagkabukas ng glass door, deretso siya sa 4 na control panel, na kinalikot niya sa dilim. Expertise talaga ni Mike ang mag-kalikot sa dilim kahit walang ilaw. Kahit na magbutingting ng organ kahit nakapiring or eyes closed. Para siyang piyanista na si Chopin playing his obra-maestra - Nocturne in E flat major ... at sa bawat kumpas niya, napag-alaman niya later on na may nakikialam dito. Iba na kasi ang mga placements ng napakaraming button.
Wala naman sigurong sisihin sa nangyari eh. The new tenants did what they can do under the circumstances ... dahil walang orientation. At dahil mainit nga ... nangangapa rin sila siguro. At dahil walang hangin balik sila sa pinanggalingan nila. And Mike was out to attend para makiramay at his grandmother's death anniversary.
Sa akin naman ... one thing is for sure. Nakalista sa palad ko ang pagiging biktima ko ng circumstances ... sa lahat ba naman ng araw ... sa April FOOL's Day pa?
No comments:
Post a Comment