Sa lahat ng ating pagkamali, may mga tao sa ating paligid acting like pompom girls or cheerleaders. Sila yong mga ENABLERS - to make it blunt - kahit mali yong ginagawa mo sila yong mga knights in shining armour mo who will defend you thru thick and thin. The "enablers" are giving the illusion to you that what you are doing is right kasi feeling mo ... may kakampi ka. Hindi naman sila kakampi kung mali di ba?
Pero huwag ka ... ang iba diyan sulsol lang sulsol dahil gusto lang nilang babagsak ka. Di ba sa mga bisyo ganyan, akala mo kaibigan ... naghahanap lang pala ng karamay. Sira na ang mga buhay nila ... kaya isa kang hangal na naniwala naman. Masakit isipin pero wala silang ni katiting na love sa yo ... all they want is for you to fail at masakit ding isipin mas mahal mo sila at pinaniwalaan kaysa sa mga taong tunay na nagmamahal sa iyo.
Gatong sila nang gatong ... ano ang pagkaiba nila sa pagiging "kunsintidor"? "Okay lang ang manigarilyo ... wala namang nakatingin." "Manghiram ka ng pera ... keri lang." "Mag-quit ka sa trabaho ... sasabihin ko kailangan mong magpahinga." Sa 24 hours na ikaw ay nakahilata ... sa lagay na yan kailangan mo pang magpahinga?
No comments:
Post a Comment