Bakit kasi utang ng utang ka ... kung alam mo ... deep in your heart na hindi ka makabayad. Hindi ninyo ba kilala ang inyong mga sarili? Hindi mo alam na kung mangutang ka ngayon ... para ka na ring kumuha ng martilyo at ipukpok sa ulo ninyo?
You know pretty well na kung mangutang ka ... come hell or high water ... maniningil talaga yan. Hindi man lang ba sumagi sa isip mo yan? Not unless wala ka talagang intensyong magbayad ... at tuwang-tuwa ka pang nangutang dahil wala naman sa bokabularyo mo ang magbayad. Ipinag-dasal mo pa na sana ma-untog ang ulo ng nagpautang sa iyo at magka-amnesia siya ... at presto ... you are free as a bird at forgotten na ang mga utang mo. Ganoon na ba ang bagong uso at kalakaran ngayon?
Money does not grow in trees na ipikit na lang ng nagpautang sa iyo ang mata niya ... at hahayaan niya na lang ikaw kung kailan ka magka-konsiyensiya at magbayad.
Hindi mo tatay o kuya ang inuutangan mo ... at panatag talaga ang loob mo na maintiendihan ka niya? Napaka-entitled mo naman na basta na lang kalimutan ng nagpautang ang hard-earned money niya na inipon pa niya sa pagtitipid at pagbudget ng mabuti sa kanyang pinagiingatang pera.
How convenient na ikaw pa ang magdesisyon kung magbayad ka o hindi. Ikaw pa ang may ganang magalit kung sinisingil ka. At ilang beses ka na bang nagsisinungaling ... mapa-alis mo lang sa harap mo ang pesteng dating kaibigan na akala mo ay kaibigan mo ... yon pala ay araw-arawin ang pagdalaw sa iyo ... na parang may taning na ang buhay mo.
At palagi ka na lang na-stress. Naging magulatin ka pa at konting kuskos lang akala mo ... yong taong maniningil na ang nasa likod mo. At nakikita mo ba ang sarili mo ... na tago ka ng tago ... sisilip sa bintana bago umalis ... at lingon ng lingon ka kung nasa labas na. Pag gabi hindi ka makatulog ... at kung araw naman hindi ka maka-focus ... at lutang na lutang.
Sino ba ang pinagtaguan mo ... ang taong nagpautang sa iyo o ang sarili mo na parang hindi mo na kilala? Wala ka nang freedom ... tinalo mo pa ang mga bilanggo ... nasa labas ka nga ... pero tinalo mo pa ang may parusang life imprisonment ... kasi wala ka nang peace of mind ... bawat galaw mo may nakaambang panganib at peligro - kesyo baka pikon na pikon na ang nagpautang ... at baka mag-run amok or mag-hara kiri ... or ipa-barangay ka dahil wala kang pakialam sa mga dapat responsibilidad mo.
Tanongin nga kita: bakit napilitan kang nangutang? Dahil ba ito sa kayabangan mo ... na nakita mo lang na nagpaBoracay ang kapitbahay ninyo ... aba ayaw mo talagang magpatalo. Ano sila lang ba ang may karapatang magbakasyon?
Dahil ba ito sa kaibigan mo na may bagong Ipad PRO and Air Model ... at gusto mo lang mapatunayan an kung ano ang kaya niya ... kaya mo rin? O ayan nagka-letse-letse na ang buhay mo dahil sa pangungutang ... hindi mo ba tinanong ang sarili mo na kung hindi ka lang mayabang ... sana wala kang ganyang problema sa ngayon?
Isip-isip lang mga tol. Why do you have to keep up with the Joneses kung hindi mo naman kaya?
No comments:
Post a Comment