Yong acid reflux ... may theme song yan na bagay sa kanyang masamang ugali ... ito yong Strangers In The Night. Para siya kasing akyat bahay gang na umatake ng wala man lang abiso. They usually take aggressive action and begin the offensive at the time when you least expected it.Kung kailan ba naman gabi or wala kang kasama sa bahay saka sila umaakyat ng ligaw? Saan ka makita ng ganoon?
Pero familiar na ako sa mga simptoma at mga palatandaan ng acid reflux at GERD ... parang minamani ko na ito. Kahit basangbasa na ako sa pawis and the chest pain looks like its the real thing ...hindi ako nagpapanic. Sa mga first time victims ... kakabahan ka talaga at lahat na yata ng mga Santo pipilitin mong tawagan. At dahil super-duper talaga ang sakit ... pupunta ka talaga ng hospital at akala mo katapusan mo na.
I saw it first hand sa mga pasyente sa hospital, tapos nangyari rin ito sa brother in law ko. Ayaw ko namang magdesisyon sa kaniya at baka masisi pa ako ... at mapagkamalang nag-dunongdunongan ... pero pumunta talaga sila sa hospital para makasigurado. I don't blame him for coming up with that decision ... dahil masakit talaga. At tama nga ang suspetsa ko.
Sinundan pa ulit ito ng kapatid ko who exhibited the same symptoms... pero one word isn't enough for a wise man lalo na't mahal niya ang asawa niya. I blamed myself for not being assertive enough - pero sa totoo lang ... sayang lang talaga ang pera.
Nangyari din ito sa aming relative na tumutulong sa bahay. Kinatok niya ako at putlangputla ito sa sakit ... cold clammy yong pawis na yon. Hindi naman siya diabetic ... pero kinuwento niya yong kinain niya at balik ng balik siya sa bathroom sa pagsuka, at nag-eebak daw ... pero hangin lang naman ang lumalabas. E meron akong emergency na gamot na nakalaan para sa akin just in case. Kusa niya itong kinuha eh sabi ba naman "mamatay na ako sa sakit ... ano pa ba ang gagawin natin eh alas dos ng umaga at tulog ang lahat ... pati ang doktor. Walang mawawala sa akin kung subukan ko ang gamot mo." May point din naman di ba?
Sa totoo lang pagkatapos niyang mag-inom ... after 5 minutes parang spilled water lang siya sa mesa ... isang punas lang tanggal at malinis na ang chest pains niya. That was almost an instant relief.
Mga Tsong at Mamshie makinig kayo para magkalinawagan tayo. Hindi ko sinabing gayahin ninyo ako. Bawal mag-doktor doktoran at lalong bawal ang self medication. Ang gamot ay dapat prescribed ng inyong doctor. The relative I was talking about na inagaw ang gamot ko ... pagkatapos niyang na-relieve sa aking gamot the next thing she did that morning ay pumunta sa doktor niya. Kinuwento niya ang nangyari ... pati ang pagkuha ng gamot ko na nakatulong naman sa symptoms niya. Ngayon legal na niyang mabili yong gamot ko - at legal na niyang maiinom kahit sinong Herodes pa ang haharang. Nagiging medicine of choice niya ito kaya binigyan siya ng reseta.
Ako practical lang akong tao ... at ginagamit ko ang utak ko. Hindi ako nagpadala sa nerbiyos ... kesyo ... at baka. Eh noong nangyari yong attack, I told myself to relax and think. Which I did ... kaya sinubukan ko muna gamitin yong konting stock knowledge ko ... kung walang nangyari ... e di direcho na sa doctor o hospital kinabukasan. Fair enough?
Basta ako ... I can't forgive myself for throwing away hard-earned money paying for hospital bills when I can manage the situation at home without spending a buck or two.
MANAGEMENT:
I want to emphasize na ang sakit na GERD ay traidor. If it is not treated pwede itong magbigay ng problema sa iyo kung payagan mo at hindi mo ito seryosohin. Good thing maraming tao ngayon ang maka-manage ng sakit na ito at home by way of self-care and lifestyle changes. ITO ang mga dapat gawin lung sa bahay ka lang.
1. Eat right. Huwag kang masiba. Huwag kang kain ng kain - na kung maghikab ka makikita na ang pepperoni sa ngala-ngala mo. Basta ang isipin mo: Pag bondat na ang tiyan mo ... maghunos dili kang dagdagan pa ang sobra na. Chances are naghihibtay lang si acid reflux ng fo-signal..
2. Eat slowly. Dahan-Dahan lang is the key. Kung pwede 6 SMALL frequent feedings daily ang bagay sa iyo. I know hindi mo gusto ito kasi hindi mo nakasanayan. Pero kung i-compare mo yan sa 3 LARGE meals daily - doon na ako sa una basta walang acid reflux.
3. Know acid reflux triggers - Alam mo naman ang mga bawal na pagkain --- sadya ka lang marupok kapag pagkain ang pagusapan.. Alcohol, citrus, chocolate, tea, coffee, garlic, onions, tomatoes, spicy and fatty foods. Included diyan ang sigarilyo kahit hindi pagkain yan. Huwag ka ng sasabat.
4. Avoid cola and carbonated drinks. Ang mga inuming ito ay takaw-dighay. They make you belch or burp kaya yong hydrochloric acid is backing up at bumabalik sa esophagus. This is a clear picture of a reflux in action. Kaya hanggang tubig ka na lang.
5. Avoid lying after eating. Maglakad-lakad ka kuya. Kasi pag nakahiga ka ... isang kalabit lang nandiyan na si acid reflux. Flat ka kasi sa kama. Naghihintay lang siya ng pagkataon para magbantay salakay.
6. Stay away from strenous exercises after eating. Huwag kang magjumping jack kasi para mo na lang winawasiwas ang tiyan mo. Lalo na yong mga bending exercise ... para ka nang nag-tumbling diyan at ini-encourage mo pa si acid reflux na umakyat. Pag nakatayo ka kasi ... gravity will make sure na mahirapan silang maglambitin papunta sa esophagus.
7. Sleep with an elevated head. Si Edward yong panday namin ... devised this novel idea na gawan ng "sapatos" ang aking kama. Tawa akong tawa ... pati ba naman kama may sapatos. He placed blocks on the head part of my bed ... kaya slighly inclined ang kama. Talagang nakatulong!
8. Loss weight. Imagine matabang tao ... tapos lomolobo pa ang tiyan?
9. Quit smoking. Ito tip ko sa inyo mga dude. Nicotine relaxes your lower esophageal sphincter ... kaya kaibigan ito ng acid reflux. Huwag nang makulit. OK?
10. Consult your doctor and have your medications ready. Ako Gaviscon sa sachet lang naman ang katapat. At mura na at P40. Pwede rin ang Mylanta, Pantoprazole, Pepcid, Prevacid atbp. Basta ano ang nasa prescription ... yon na!
10. When sleeping make sure you are sleeping on your left side. Tingnan mo ang image sa ibaba ... napaka self explanatory.
No comments:
Post a Comment