Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Thursday, February 15, 2024

It's a Mad Mad World

 A climate of stupidity made this collection possible.

It chronicles the most outrageous occurrences of shortsightedness, incompetence, and poor judgment.

Not all characters in these dispatches are stupid.  Some are merely ridiculous or momentarily inept.

Others are very bright people who become innocently entangled in improbable situations that turn out to sound stupid.

The papers that reported these occurrences are all reputable mainstream bastions of journalism.

Thanks to them, for without their efforts we will never see any strange news from this strange planet.

Although many of us are worried about the threat of crimes in our neighborhood.  The good news is that plenty of crooks don't realize that they are their worst enemy.

Are you ready? Here we go!



Detroit Michigan- Mrs. Florence Loverde 45, placed a wooden table beneath a tree to rescue a stranded cat squawling in the branch of a tree. The table collapsed and Mrs. Loverde suffered a broken left leg and internal injuries.  

It is ironic ... that the cat climbed down unassisted and walked away. Didn't she know that?

Wednesday, February 14, 2024

Valentine Twist?


Marvel Studios' brand new posters for Deadpool and Wolverine are riding the popularity of Valentine's Day to promote their movie. It will still open in July in Philippine cinemas. And this early they are starting to buzz your ears that it is another movie worth waiting.

It stars Ryan Reynolds, Hugh Jackman, and Emma Corrin. To be honest, I found the poster impugn the trailer. I know movie posters are one of the cheapest and the most effective promotional tools as a way to invite the public to flock to theaters.  

It also helps to conjure a cinematic experience in static form. But a finger heart for an action-adventure movie sounds a little offish. What is that ... an action comedy with a HEART?

Tuesday, February 13, 2024

Definition


Valentine's Day is a SINGLE awareness day.

You can actually make a lot of savings by turning on the switch to being SINGLE ... a week before February 14.

Saying It Thru Flowers


February 14 is not about flowers. White flowers especially ... do not necessarily signify romantic interest. 

The way love is shown in this situation is cryptic ...obscure, ambiguous, enigmatic, and vague. While all these words meant not clearly understandable ... cryptic implies more than a hidden message with a purposely concealed meaning.

Hindi porke binigyan ka ng bulaklak sa Valentine's Day ... para ka nang asong ulol at tuwang tuwa ka pa. Be smart lady ... ask yourself ... meron ba siyang gustong sabihin at ipahiwatig?


GERD 1. Basta Na Lang Kakatok Ng Walang Paalam?

Ang tagal ko nang nagba-blog pero ngayon lang ako napilitang magpost anything about a medical condition. Trabaho ko naman ito ... at direktang may alam ako ... sabi ng isang reader dapat yon ang inuuna ko dahil ito ang pinaka-forte ko.

Hindi naman ako doctor ... pero I know may konti akong alam dito na dapat iniishare ko kung nararapat.  But I don't want to step on somebody's shoes, at mag-galing-galingan ... kaya sabi ko ibibigay ko na lang sa kanila ang floor to share their knowhow and expertise.

Not until last week when I had an unwelcome guest sa bahay ...  kumakatok sa akin ang HEARTBURN at ACID REFLUX DISEASE (GERD),

Ganoon ba yon ... na kung hindi pa ako nagkasakit hindi pa ako magsalita? Totoo yan ... kahit nga sa pagibig "When the heart is full ... the mouth speaks ... and in my case "when the pain is unbearable ... my blog will showcase the kind of pain I am experiencing... and I WILL TELL YOU THE DETAILS at sakali mang mangyari sa iyo ito ... you know what to expect ... and how to manage them.



How it all started?

Last year kasi dahil may high blood or hypertension ako ... tapos matataas pa ang cholesterol at triglycerides ... ang advise ng doctor sa akin ay magbawas daw ako ng weight at mag-exercise regularly. Sa sobra kong gusto sundin ang doktor ... nagbanat ako ng buto ... at hindi lang putso-putsong exercise ito ... aside from putting a restaurant business and renting commercial spaces ... nagtrabaho ako sa orchard namin ... ang dating hospital worker in crispy white uniform na may malambot na kamay (walang kalyo talaga) at sanay sa trabahong pabandying bandying lang at lumaki sa mala aircondition na environemnt at klima katulad ng Baguio ... ay nakipagbuno na ngayon  sa trabahong hindi niya inaasahan pasukin - orchard farming, small-time poultry raising, fruit and vegetable growing, dressed chicken supplying, small egg production and distribution ... pati ba naman growing different varieties of hibiscus pinakialaman?

Almost compete na kami sa prutas - kung hindi kami niloko ng aming pinagbilhan (hahaha ... yan ang mga bangungot na bumabagabag sa aking kamalayan. Imagine maghintay ka ng 5-8 years para makita mo ang finished product ... tapos ang rambutan ay kaimito pala). At present may Thailand lanzones (langkong or langsat) Davao lanzones, Bangkok santol, chico durian, giant atis, Guimaras mango, Carabao mango, ponkan guyabano, Davao pomelo, rambutan, mangosteen, bananas etc na kami ... each has its own individual idiosyncracies at kaartehan para manatiling buhay at malusog.  Nagmistula kaming mga alila worker sa nursery at aligaga sa pag-alaga ng napakaraming babies - bawat isa may sariling topak at pangangailangan. At kahibangan.

Timing naman ang pressures ng pag-alaga namin sa mga fruit trees, manok, hibiscus at mga gulay started to make its toll ... not to mention na nakipagpatintero din kami sa mga problema sa negosyo at mumunting family squabbles that really made me loss weight fast and quick.

I was very happy na hindi ako nahirapan sa pagbawas ng timbang ko. Pero nasobrahan naman yata dahil from 185 lbs nagiging feather weigh na lang ako ... no pun intended. Ayaw ko namang isipin ng mga tao na naimpatso ako sa reversal of roles ko ... from clinical instructorship and ward management napasabak kami sa manual at physical labor ... yong dating trabaho ng tatay namin (na inaayawan naming lahat dahil mainit ... at dahil gusto naming umiwas ... ginawa naming dahilan ang magpapunta sa US of A) ... ay hawak ko na. A case of self-fulfilling prophecy?

Naalala ko tuloy kung paano ako lumobo noon. Kaya balik ako sa dating gawi - kain lang ng kain - maasim man, spicy, fried and fatty foods.  Tapos inom ng inom pa ng Cola drinks hanggang nagiging cocacola body na ako. Hindi pa ako nakontento laklak din ako ng mga Vitamins from A to Z  ... lalo na ang Vitamin C na sobra yata ang asim at naCC-ikmura na ako. Yong inaakala kong konting dagdag lang ng timbang para hindi naman ako mabansagang malnourished ... aba may delubyo palang naghinhintay?

Three days ago sumakit ang tiyan ko. I checked kung ano ang kinain ko the previous day ... wala naman akong naalaala na masama ang mga kinain ko.  On the contrary lahat ay masarap, spicy, maasim, pepper-salted and oozing with oil when bitten. 

Little did I know na ang kasibaan ko sa pagkain which I thought will not only put the much wanted poundage on my cheeks ... gagawin din niya itong  rosy cheeks para hindi maputla at di  mapagkamalang famished or ill-fed.

(continue next post)

GERD 2: Definition at Causes

So ito na ang siste ... the food that I actually eat in the last 2 weeks was actually my poison. Hindi porke kumakain ka ng three times a day ng masasarap na pagkain ... it is guaranteed that you are A-okey. Sa sarap ba naman ng kain ko ... nakalimutan kong mga acid reflux triggers ang mga ito.

At dahil maliwanag pa sa sinag ng buwan ang mga simtoma na pinagdaanan ko ... at buong ningning nilang sinagad ang pasensiya ko at binigyan ako ng sakit at parusa ng walang preno ... madali kong natandaan ang proseso ng aking acid reflux calvary.



DEFINITION: Ano nga ba ang Gastro-Esophageal Reflux Disease or GERD? Isa po itong condition na ang laman ng tiyan (gastric contents) ay rumaragasang bumabalik kusa sa lalamunan/esophagus. Para siyang alon sa dagat na malakas na hinahampas ang  sea walls at handang wasakin at durugin ito. 

Ang condition ay maari ng tawaging SAKIT kung type ka niyang dalawin ng madalas. Gaano nga ba kadalas ang minsan? tanong ni Vilma Santos. May sakit din kasi itong sakit na GERD ... palagi siyang naho-home sick  at palagi ka niyang na-miss. Because  of its constant visit ... ugali niyang diligan ng acids ang lalamunan (esophagus) mo. Ginawa niya itong imburnal ... or Smokey Mountain ... walanghiya siya. Eh alam naman natin ang acid sa ating tiyan is very strong at corrosive. Hindi mo namalayan may pinsala na siyang nagawa ... like giving you ulcers.

CAUSE: Bakit kasi may GERD pa? Bakit hindi na lang tinapon yan sa apoy to where it belong. Eh para nga itong dragon na bumubuga ng apoy at panata niya talaga na bigyan tayo ng  BURNING SENSATION ang tiyan natin.  Dapat lang na itosta na yan sa apoy. 

O sigi Tsong at mga Mamsie ... makinig kayo para i-Maritess ko sa inyo kung paano bumulaga si GERD sa eksena ng wala man lang paalam. At sabayan ninyo ng tingin yong visual aid sa itaas ... para magka-intiendihan tayo. OK po ba?

Nakagawian kasi na kung tayo ay kumain tapos lumulunok (swallow) may isang circular band na muscle (also known as LES or lower-esophageal sphincter) sa ilalim ng ating lalamunan na nag-re-relax. Yan ang kanyang trabaho ... paglunok natin automatic itong nagbubukas.  I repeat ... paglunok natin pansamantalang namahinga ito ... kasunod doon ang pagbubukas niya para payagan pumasok ang pandesal at kape na kinain ninyo ... papunta sa tiyan. 

After that ... automatic magsara ulit ang muscle na ito para yong pandesal at kape na kinain ninyo sakaling nagbago ang isip at gustong bumalik dahil nagkahiwalay sila ng kasama nila ay hindi na makabalik dahil kinandado na ng guardia. Para siyang security guard sa school na chine-check muna ang mga ID bago payagang pumasok ang kung sino mang Ponsio Pilato na gustong mang-gate crash. Pag pasok ng pagkain nagsasara kusa yong sphincter muscle (LES) para hintayin ulit ang sunod na paglunok mo at ang bisitang wini-welcome mo sa kaharian ng bodega mo.

Kung ang sphincter muscle ay tensionado at hindi nakapag-relax at hindi ito kusang nagsasara pagkatapos pumasok ang mga bisita ... pagkataon na ito ng stomach acids na gapangin ang iyong lalamunan (esophagus) ... dahil palyado at mahina na ito ... hinahayaang ba na lang niyang bukas ang pinto na hindi nakasara?

Ang palaging pag-gapang ng asido sa lalamunan dahil sa kapabayaan ng Lower Esophageal Sphincter (LES) muscle  ... ay magiging mitsa na tuluyang maangkin ng mga acids ang kanyang puri... pwedeng mairita ng acids ang lalamunan (esophagus) at iwanan niya itong namamaga (inflamed) at totally violated. Dito na naguumpisa at umusbong ang mga ULCER.

At bakit naman kasi  nanghihina pa ang lower esophageal sphincter (LES)? Aba sisihin mo ang sarili mo. May mga tao kasi na kahit bondat na ... kain pa rin ng kain. Kung may paglalagyan pa ... siguradong hihirit pa. O ... tinamaan ka?

Pwede ring rason ang pagiging overweight. Ang mga sitwasyong ito ay nagbigay ng added pressure sa LES at kung palaging na lang ganito ... luhaan at hands -up na ang LES kasi nakita niya ang kanyang pagiging iresponsable.  Tuluyan na siyang magresign dahil hindi na nito magampanan ang kanyang trabaho bilang door keeper. 

Tuwangtuwa naman ang mga acid ... at taas kamay pang nagbubunyi para lumusob na sa  lalamunan para ito ay lusubin at durugin. Parang mga tsekwa ... na palagi na lang naka-abang sa West Philippine Sea?

(continue next post)

Monday, February 12, 2024

GERD 3: Signs and Symptoms

Dahil naranasan ko na ang sakit na ipinataw sa akin bilang parusa dahil sa walang preno kong pagpaalipin sa pagkain ... at sa mapanuksong anyaya  ng sarisaring inumin ... tingin ko para na akong eksperto kung GERD ang pagusapan.  Feeling ko tuloy ... para akong walking encyclopedia on this topic. At bakit naman hindi? Eh parang nilumpo ako  ng kondisyong ito ... aba mantakin mo ba naman ... isang linggo akong hindi nakalabas at itinali pa ako sa kama ... making me wonder habang namimilipit ako sa sakit ... if there is life out there outside the confines of my room.

Take note ha ... despite the pain ... people will surely ask kung bakit hindi man lang  sumagi sa isip ko na bumisita man lang sa isang doktor? Ganyan kasi ako. Ugali ko munang tulungan ang aking sarili bago maghanap ng lunas sa iba. Sa nangyari sa akin naging practical lang ako dahil iniisip ko ang financial repercussions ng decision ko ... sakali mang papanig ako at pakinggan na ang madaliang lunas is the right option. 

Kung ang sakit ang driving force at ora mismo kakaripas ako ng takbo sa ospital ... ano pa ba ang silbi ang aking napag-aralan  kung ang mga desisyon ko ay galing sa silakbo lang ng agarang pag-galing at hindi na iisipin pa ang financial aspect ng sitwasyon. I bought extra time sorting out all this mess. Sa isipan ko nagtatalo ang mga contradicting pros and cons ... but at the end of the day ... reason win. 

Nanaig pa rin ang utak ... laban sa puso. And I was glad I persevered ... otherwise it would mean thousands of pesos leaving my coffers. Imagine pupunta ka sa hospital ng disoras ng gabi pagkatapos nagwaldas ng pera para sa isang sakit na pwede namang imanage lang sa bahay. At dahil lang sa nerbiyos at kapraningan sa kung ano ang nangyari ... magtapon ka ng pera dahil hindi ako nagiisip ng mabuti. Hindi ko talaga mapatawad ang aking sarili had I acted because of the fear of the unknown.

Anyways ...  umpisa na tayo sa ating  diskusiyon.


      THE SIGNS AND SYMPTOMS: 

1. Heartburn - ang tawag dito ng iba ay acid indigestion. Ang ibang tao described it as "burning chest pain" at dahil sa pananakit sa dibdib ... akala tuloy ng iba they are experiencing mini-heart attack.  In heartburn may nararamdaman kang pressure going upward sa direction ng lalamunan.  Kung minsan akala ng iba ... the food na kinain mo ay papunta pabalik sa mouth. Totoo yon dahil nalalasahan mo pa ang sour at bitter taste ng acids.

Ito yong time na ang LES or lower esophageal sphincter natin ay nagma-malfunction. In our discussion in our earlier posts  pag kumain tayo ... ang sunod nating gawin ay maglunok (swallow). Everytime na maglunok tayo ... ang LES natin opens ... allowing food na magpunta sa stomach. In normal condition automatic din itong nagsasara pagkatapos pumasok ang pagkain ... pero if there is a breakdown  sa sequence ... something is wrong sa functionality ng LES. When this happens - lahat ng gastric vontents which include food, gastic juices pati na hydrochloric acid ay tinutulak nito pataas (acid reflux). 

Sa kaso ng GERD malala na ang sitwasyon - hindi lang aksidente ang pag-malfunction ng LES ... baka matagal na itong sira and it is not on a tiptop shape.  Ibig sabihin permanente na ang damage dala ng acid reflux - at ginawang nakanganga palagi ang LES kaya wala ng nagsasara para harangin ang mga unwanted acids na ito.

Ito ang tandaan ... ang heartburn usually umaatake pagkatapos kumain lalo na sa gabi. At ang sakit na dulot nito ay matindi kung ikaw ay nakahiga - why? ... kasi kung flat ang position mo  sa bed ... labas masok ang mga hinayupak na mga acids (HCL) na yan. Akala niya bahay niya ang tiyan mo at free board and lodging siya.

2. Pain - Dalawa lang ang rason why there is pain in GERD. Una dahil ito sa bloating dahil puno ng hangin ang tiyan. Sa lumolobong tiyan pwede ka magsuka at pwede ring mahirapan ka sa paghinga. Nagyari ito sa akin kaya alam ko. Ang ikalawa naman ... may sakit talaga kung nakagawa na ng tissue damage ang acid invasion. There will be pain lalo na kung nagkaroon na ng inflammation sa esophageal tissues ... pwedeng din itong mag-bleeding ... at pwede ring mag-ala  Michael Jackson moonwalk sila at napagkamalang buwan ang stomach natin at gumawa pa ng craters (gastric ulcers) sa mga lugar na ini-istambayan nila.

2. Dysphagia - otherwise known as (troubled swallowing). At bakit naman pati paglunok ay problemado aber. Kasi naman yong Hydrochloric Acid ay ginawa nang swimming pool ang tiyan mo ... at dahil retirado na ang LES ... wala na itong silbi ... yong dating mga guardia na humarang sa mga unwanted na  bisita ay senior citizen na. Stomach acid backing up sa esophagus can create permanent damage sa esophageal tissues. Minsan ginagawa nilang masikip ang LES kaya ang ibang taong apektado ... has problem swallowing.

3. Feeling of a lump in the throat - actually wala namang bukol sa throat in real life ... pakiramdam lang ng pasyente yon. Ako nga naramdaman ko rin ito. Akala mo tuloy nagka-goiter ka. Ang explanation dito ay ganito: Kapag pumasok na ang hydrochloric acid sa lalamunan ... it creates a feeling of muscle tension or swelling sa throat ng pasyente ... kaya nagiging praning ito making him believe na may bukol or may blockage sa throat niya.

4. Bloating/Burping/Belching - Ang 3 B's na ito madalas maobserbahan especiallly pagkatapos na ang patient was observed to have frequnent swallowing kahit walang kinakain as a result of the backing up ng acid sa lalamunan. This will allow him to swallow more air ... at ginawa ang stomach na magiging bodega ng excess air. Kaya ano pa ba ang aasahan mo sa tao na puno ng hangin ang tiyan ... kundi magdighay, umotot or sumuka. Expected na yon.

5. Nausea and vomiting - Pwede nating ihalintulad ang GERD patients sa mga buntis. Bakit sumusuka ang buntis? Simpleng sagot - the growing baby inside as it increases size pushes stomach contents out ... making her throw up. Eh bakit ginawa ang mga pregnant women as basis of comparison aber? Hindi naman buntis ang mga GERD patients. Hinay hinay ka lang Tsong pero ang explanation ay malapit na doon. Hindi nga sila buntis pero di ba kung bloated ang tiyan nila dahil sa sobrang hangin at dahil nahirapan silang ilabas ang hangin di ba parang buntis na rin sila. The excess trapped air will push the food out ... tingnan mo nasusuka na sila.

6. Shortness of Breath - same explanation as number 5. Kulit mo talaga sa pagtanong kung bakit. 

May shortness of breath ang mga buntis kasi sinisipa na ng baby ang lungs kaya parang nagmarathon ang mga buntis sa paghabol ng hininga.  Ganoon din sa mga GERD symptoms - the bloated stomach pushes the lungs to its seams kaya hingal kabayo sila.

(to continue)

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

When You Are Kind ... People Will Abuse You

For as long as anyone can remember, society has operated on a deeply flawed, highly convenient principle: The good guys are required to take...

Popular Posts