It is really ironic na nasasaktan ang mga die-hard Duterte followers sa mga konting sundot kay Sara sa confidential funds.
Pero kung sila ang pasimuno ng mga below-the-belt na akusasyon like the polvoron issue.... ay okey lang?
****************
When Alan Peter Cayetano promised his constituents na hindi ka mababaha sa Taguig ... hindi siya siguro nakapaalam sa Taong Makapangyarihan sa Itaas.
Kung kailan seryoso si Alan ... saka naman dumating ang ulan at baha. Nakalublob tuloy sa maputik na tubig ang Taguig.
****************
Naniniwala naman ang mga tao, kasi para siyang sugo ng langit, hawak palagi ang kaniyang Bibliya.
Biro tuloy ni Katrina Enrile: Hindi sigro nakarating ang memo ni Alan sa langit ... pati na rin ang memo sa baha.
****************
Quotable Quotes:
Sara Duterte: Mga kababayan ... lubog na ang bansa sa baha at kahirapan. Pero tila walang mananagot.
Ante Cler: Doon po sa lubog na ang bansa sa baha ... totoo naman po. Kitang-kita naman natin ito sa Davao City.
****************
Nakikinig ba ng mabuti ang lahat? Sabi ni Ante Cler, "Ang ibang guro ..." wala pang 15 minutes hugos ang isang infantry ng mga trolls bashing her at nilahat daw niya ang mga guro sa kanyang reklamo.
Paano natin maimprove ang ating critical listening and auditory comprehension kung iba ang inyong interpretation sa mga salitang sinabi?
****************
Ang pagmumura ng direktor na si Darryl Yap kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro ay umani ng iba't ibang reaksiyon tungkol sa tamang asal at hangganan ng pagpuna sa mga opisyal ng pamahalaan.
Marami ang nagsabi na kahit galit siya sa pahayag ni Castro laban sa ilang mga guro, hindi angkop o bastos ang paggamit ng mabibigat na mura sa isang pampublikong plataporma.
****************
Sabi ni Jonvic Remulla: " The Robin Padilla Law" made illegal firearms bailable, directly causing a surge in gun crimes.
Congress should step in now to make loose firearms non-bailable again to prevent more bloodshed.
****************
Sa haba ng sinabi ni Remulla ... yong "The Robin Padilla Law" lang ang ang kanyang narinig.
Tinawag niyang kaibigan si Jonvic ... ang hindi niya alam at naintiendihan ay nanawagan na pala sa mga congressman at pinawalang bisa na pala ang LAW na pinagmalaki niyang kanya.
****************
Maraming salamat po sa aking kaiigang Jonvic Remulla. Atleast siya ang nagpapatunay doon sa mga hindi naka-alam o nagmamatigas na merong Robin Padilla Law.
Ang babaw talaga ng kaligayahan ni Idol! At nagmayabang pa siya.
****************
Enter sa frame naman si Sec. Ronald Llamas ... isang true-blue kritiko ni Robin.
Ang RA 8294 ay tinatawag na Robin Padilla Law ... hindi dahil siya ang author ng batas ... kundi dahil siya ang unang nakinabang. Gets?
****************
Hindi yan magets ni Robin. Ang importante sa kanya ay nakapangalan sa kanya ang batas.
Kesehodang hindi siya ang author. At dahil sensitive siya at vindictive ... baka mamaya babalikan niya si Ronald at kutyaing: "Bakit may Ronald Llamas Law ba?
****************
Hindi rin paawat si Atty Jesus Falcis: "Sana ang lahat ay katulad ni Robin."
Sinaksak na nga siya ni Jonvic sa likod ... nagpapasalamat pa siya at tinawag niyang kaibigan. Aray ...
****************
May bago na namang kritiko si Robin. Muling umani kasi ng puna kaugnay nga mga usaping paggamit ng mga alias ng ilang mga politiko. Former DILG secretary Rafael Alunan na matagal ng nanahimik ay muling bumangon sa kanyang pagkahimbing dahil hindi na siya makatiis.
Naniniwala ako diyan. Kailangan ilabas ang mga hinaing. As they say ... when the heart is full ... the mouth speaks.
****************
Ang anaat ni Alunan "Where does Robin get his confidence to say the most preposterous comments that invites ridicule? Must be divine punishment."
Sumabay din ang mga netizens. " His confidence makes him ridiculous. There is no humility in his persona. And he is beaming with pride whenever he stands up to share his manifestations."
****************



No comments:
Post a Comment