Rein Gonzales _ Miss Queen Of The World 2025 Patricia Bangug - Miss Orient Tourism Global 2025 Jean Micaell Yabot - Mister Heritage International Asia Pacific 2025
Angel Melocotones - Miss Charity Teen Global 2025
Ang dasal ng ating mga kapitbahay ...."Please not Philippines again. They win Miss Eco International ...Philipin always Philipin. I am tired of THERE face." Hindi nga alam ang spelling ng THEIR ay ng Philippines ... nagiisip pa ng masama sa iba?
It was funny pati ba naman yan pwedeng isama sa mga dasal? Ang bad luck ng iba ... hihingin mo sa langit para maging good luck sa inyo? Mabuti na lang hindi nakinig ang kung sinong pinagdadasalan nila. Bad ... kasi!
Kaya Sorry to you ... not this year. Di ba last year, nanalo lang kayo ng ilang minor awards nagyabang na agad kayo? Ano nga ba ang tawag ninyo bigla sa country ninyo? The new Powerhouse? At ang lakas ninyong mangantiyaw ha!
Wala namang masama sa nangangarap basta consistent ang batting average ninyo. Hindi yong nanalo lang ng 2 titles ... tapos yong ibang pageants naman bokya.
Yon bang kung may 50 pageants in a year - 90 percent most of the time ... palagi llamado at nagka-title talaga.
At least ang Philippines last year kahit sinasabi ninyong lukewarm na ang winning streak at sumemplang sa Miss Cosmo, at sa Miss Supra ratsada pa ring nanalo ng awards sa ibang major at minor pageants.
To be exact, last year, the Philippines won 74 titles, 24 First Runner Up spots, 11 second Runner Ups, 11 Third Runner Ups, 4 Fourth Runner Up, and 2 Fifth Runner Up. And not to be forgotten, 13 semi-final placements. Who can have a record like that? Pilipinas lang.
Imagine yong 24 First Runner Up wins? Nagmumuntikan na. Paano na kung pinalad pa yang viente cuatro na yan ... kalabisan nang sabihin ... isang maliit na country ... may 98 titles? Aba ... that one is for Ripley. To think na minamaliit pa nila ang title ourput ng Pinas?
And this year ratsada na naman ang panalo. That's what I called consistent. At hindi nagyayabang.
Kung sinasabi man namin yon ay dahil iyon ang katotohanan.
No comments:
Post a Comment