Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Tuesday, April 22, 2025

Political Ironies:




I saw this image the other day, and as a neutral political observer, I want to single out Camille Villar and Imee Marcos as the top spenders in the senatorial candidates. Ito na ba ang kalakaran ngayon? Pataasan ng ihi at yabang?

Imagine spending 2.1 billion pesos sa kaso ni Camille (naniwala ako sa balita, dahil wala pa nga ang hudyat ng eleksiyon may mga feelers na tatakbo siya at pinuno na ang sangkalupaan ng Pilipinas ng mukha niya hindi man maaninag kung anong position .,.. pero matalino ang Pinoy at nahulaan nila na sa Senado ang target niya.

For one ... last term na ni Camille sa House of Reps. Hindi na siya makabalik doon. Secondly last term din ng kanyang inang si Cynthia Villar sa Senate ... sino pa ba ang hahalili sa puesto niya kundi ang unica hija niya?

Yong kapatid namang si Mark Villar ... senador din ... eh saan pa ba isasalang iyon? Alangan namang for mayor siya sa isang probinsiya pero nationwide ang mga campaign posters? Eh nagbakasyon lang ako sa Panay ... tinadtad na ng feelers ang buong Iloilo, Capiz, Aklan at Antique. Nang pumunta naman ako sa Tarlac ang mga daan ay nagmumutiktik na mga larawan ni Camille.

It was overkill ... iba talaga kung may pera ka. The sky is the langit. Which brings to mind this question: Kung aabot ng bilyon ang gastos niya sa campaign ... paano ba niya ma-recoup ang investment niya? Paano na yong ROI (return of investment) niya?

To the uninformed, ROI is a financial metric used to evaluate the profitability of an investment by comparing its gain or loss relative to its cost.

Hindi naman pwede na parang bulag na lang siya at tapon ng tapon ng pera at hindi na niya inisaisip kung paano niya maibalik ang kanyang capital.

And if we are to believe the latest surveys ... mukhang tagilid ang laban ng prinsisa ni Manny at Cynthia. Kung minsan napapasok sa Top 12 kung minsan naliligwak na (para bang mga alimango ang mga huling senadores na nagpukpokan sa ulo at naghihilahan sila pababa lalo na yong Top 10-15.

The rule of the thumb is ... at this stage of the game ... while we are nearing the election finish line ... ang mga nangangamoteng senador na huling puesto ay talagang survival of the fittest na ang mood. Matira ang matibay. Kung pwedeng mangagat sila ... gawin na nila. And as usual the strategy is to fight with all your might ... or fight tooth and nail ... kinakagat na nila ang mga senador na nakapuesto ahead of them ... pati na rin ang mga kandidato na nasa likuran nila.

Si Madam Imee ganoon na rin ang sitwasyon. Akala niya noon she has the "best of both worlds". Yon bang kasama ka na sa kapitagpitagang line up ng mga senador under sa umbrella ni BBM ... aba hindi pa nakontento at gusto pa ring makuha ang mga boto ng mga DDS. At the back of her mind... "I can dream can't I" ... siguro gusto niya ring maging number 1. Eh kung nagawa ni Robin ... bakit siya hindi?

Voters, however, think otherwise ... that her game plan is a big No-No. They believe na si Manang Inday is playing safe at namamangka sa dalawang ilog. Ayan tuloy the strategy backfired at unti-unti nang nabubura ang nooy walang katalong-talong posisyon.

Sensing that, para makabawi ... aba, gumawa ulit ng panibagong ingay ... (para mapagusapan siya at ipakita ang galing bilang abogada). Nagpaimbestiga pa sila sa Senado (regarding some irregularities in PRRD's arrest). Ang triumvirate nila nina Bato at Cayetano has all the makings of a classic - nagtag team sila at ang performance nila tour-de -force ... at no holds barred ang assault.

Isa-isa nilang pinuksa ang mga kalaban sa hearing. The pyro-technics were non-stop ... without limits or constraints. And the three of them act aggressively ... para silang mga amasona na handang pumatay at magpa--girgir alang alang sa pinakamamahal nilang si Digong.

The rest was history at tuluyan na nga kinalaban niya ang kanyang brother. Ano ba ang dapat piliin: tanong ng marami: Kadugo o kaibigan? Dahil dito naturn-off na siguro ang mga botante at imbes na pumaimbulog ang pangalan niya sa langit-langitan sa latest surveys ... tuluyan nang naging malabnaw ang suporta ng mga dating supporters niya.

Balik tayo sa ating unang tanong: Paano ba maibalik ang ginastos nila at walang preno ang dalawang ito sa kanilang onslaught. Kung manalo magkano ba ang sueldo ng senador at buong akala nila mabayaran kaagad ang mga ginastos nila?

At paano na lang kung matalo ...Goodbye billions of pesos na lang na parang natalo lang sa casino?

I know mga mayayaman itong dalawa at hindi problema ang pera kung matalo man. Pero sa mga ordinaryong tao ... hindi maganda ehemplo at kahit saang angulo tingnan ... parang pinaglaruan lang nila ang pera ... kabaliktaran sa kung ano ang nangyayari sa kanila.

No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Placements Galore

Four out of four in two days ... Philippines maintains its hold as a powerhouse country in the world as far as pageantry is concerned. It ha...

Popular Posts