Pinoys have their way of asking questions. May mga instances na kung minsan kung hindi ka makapagtimpi ... baka ma-umbag mo siya dahil hindi mo gusto ang tabas ng kanyang dila.
May mga example din na feeling mo para kang iniismol niya ... pero kung tingnan mo naman ang mukha parang wala naman malisya sa kanya ang kanyang tinatanong.
Katulad niyan ... nagkita kayo ng kaibigan mo sa mall. Aba ... sukat ba naman sa salubungin ka ng tanong na: "Anong ginagawa mo dito?"
Ang usual reaction natin sa tanong: "eh bakit ... wala pa tayong karapatan makita sa mall?
Yong iba naman nagiging defensive at basta na lang sinagot ng derecho: "Alangan namang mag-golf ako sa mall. Ano nga ba ang ginagawa natin sa mall ... aber?
Wala namang masama sa nagtatanong ... mga parekoy. Dahil wala ka namang dahilan para batiin mo ang tao ... yan tuloy ... you gave him one of those Pinoy;s brand of question.
No comments:
Post a Comment