Tinalo pa nila si Alexander Graham Bell noong naimbento niya ang telepono ... sa abilidad nila sa pag-IMBENTO ng mga kuwento.
Kinabog pa nila ang mga Pinoy fashion designers at showbiz reporters sa galing nila sa PAGTAHI ng mga tsismis at eskandalo
Nadaig nila si Lino Brocka at Ismael Bernal ... sa kanilang pinagtagpi-tagping storylines that defies logic ... and are impossible to believe ... pero pinaniwalaan ng mga nakarinig.
Naitsapuera nila ang mga arachnids like spiders as they WEB lies after lies until you are tangled in a cobweb and a network of dishonesty , deceit and falsity.
Para silang mga walking encyclopedia ... lahat ng mga twist and turns sa buhay ng iba ... buong ningning nilang nilapatan ng tunog ... para maenganyong silang makinig.
Para silang radar na may high-frequency magnetic waves humihigop ng lahat na juicy tidbits ng mga eskandalo na pinagingatan mong itago.
Mistula silang wifi (wireless-fidelity) na may wireless internet access that communicates and transmits signals like a lightning bolt accompanied by a loud thunderclap.
Their penchant and strong liking for gossip have ruined lives ... relationships irreparably damaged ... and reputations besmirched beyond salvation.
Oo mga panyero. Ito ang hobby na walang membership fee at hindi na kailangan ang pang matrikula para maabot ang masters at PhD status. Wala itong bayad ... free of charge baga... walang rest day ... walang araw ng pahinga ... at wala kang bakasyon. Basta addict ka lang sa balita ... lalo na sa tsismis ... magandang mapaglibangan.
Basta ingat lang diyan sa mga biktima ng iyong mga balita ... at baka ikaw maumbag at makuyog.
No comments:
Post a Comment