Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Friday, September 4, 2026

Ang Tunay Na Biktima


Sa tuwing bumabaha ang lungsod, nagtataasan ang presyo ng bilihin, o nawawala ang daan-daang milyong piso sa "confidential funds," may isang pambansang ritwal na hindi nawawala: Ang Serye ng Pag-iyak ng mga iang netizens sa Social Media.

ANG SPECTRUM NG BOTANTE

[ ANG TUNAY NA BIKTIMA ]

• Nanalangin ng maayos na gobyerno.

• Nagbayad ng tamang buwis nang walang discount.

• Nadamay lang sa resulta ng eleksyon.

[ ANG "FEELING" BIKTIMA ]

• Isinangla ang boto kapalit ng ₱500 at T-shirt.

• Naniwala sa "3-to-6 months" at budots dance.

• Ngayon ay umiiyak dahil nagmahal ang sibuyas.

Napakasarap maging "victim" sa Pilipinas. Kapag naglaho ang pondong pampubliko, ang daling mag-post ng: "Akala ko kasi magiging maayos ang lahat... tao lang, nagkakamali."

ANG PROSESO NG "VICTIM CARD"

Step 1: Ipagtanggol ang kandidato laban sa lohika.

Step 2: Ibenta ang boto / Sumayaw sa campaign rally.

Step 3: Manalo ang binoto at magwaldas ng pondo.

Step 4: Mag-post sa FB: "Lord, bakit ang hirap ng buhay sa Pilipinas?"

Pero ayon sa batas ng lohika at ng lipunan: Kapag ibinoto mo ang magnanakaw at ninakawan ka, hindi ka biktima ng pagnanakaw—isa kang investor na nagkamali ng Investment Plan.

Ang tunay na biktima sa bansang ito ay ang mga mamamayang nag-isip, nagsuri, at nagbayad ng buwis, ngunit kailangan pa ring magbabad sa baha hanggang hita dahil ang pondo para sa flood control ay napunta sa patalastas at grand caravan.

[ ANG FLOWCHART NG KASABWAT ]

IBINOTO ANG KORAP / SIKAT / MAGALING MAG-BUDOTS ──► NANALO AT NAKAPOST SA PWESTO ──►

NAWALAN NG PUSTO ANG PUBLIC FUNDS ──► "Nadamay ang lahat, kasama na ang mga ayaw sa kaniya

KONTRA-ATAQUE SA KASABWAT

1. ANG SINASABI NG BOTANTE - "Pinagkaisa lang natin ang bansa."
ANG KATOTOHANAN - Pinagkaisa niyo ang mga magnanakaw.

2. ANG SINASABI NG BOTANTE - "Lahat naman ng politiko pare-pareho."
ANG KATOTOHANAN - Ginawa mong dahilan ang katamaran mo.

3. ANG SINASABI NG BOTANTE - "Biktima rin ako ng sistema!"
ANG KATOTOHANAN - Ikaw ang nagpanatili sa bulok na sistema.

Kaya sa susunod na eleksyon, kapag may nag-abot ng sobre o nagpatugtog ng nakakaindong kanta

sa entablado, alalahanin ang patakaran:

-Ang boto mo ay may resibo: Ang presyo ng bilihin, ang sirang kalsada, at ang nawawalang

pondo ay ang iyong "Return on Investment.

-"Huwag mag-iiyak sa TikTok: Kung pinili mo ang walang kakayahan, huwag kang magtaka kung

walang kakayahan ang gobyerno kapag dumating ang sakuna.

-Ang katotohanan: You deserve who you elect. At kapag korap ang inilagay mo sa pwesto,

hindi ka mamamayang nagdurusa—isa kang unpaid accessory to the crime.

No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Ang Tunay Na Biktima

Sa tuwing bumabaha ang lungsod, nagtataasan ang presyo ng bilihin, o nawawala ang daan-daang milyong piso sa "confidential funds,"...

Popular Posts