Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Sunday, April 2, 2023

Kalbaryo sa Holy Week


Sa papalapit na HOLY WEEK ... nagnilay-nilay ako pero hindi ko maiwaksi ang feeling na KALBARYO ang karanasan ko sa isang nangutang sa akin. Hindi ko naman ito ka-close pero dahil kababata mo (at sa tindi siguro ng pangangailangan) bigla siyang kumatok isang araw at mangutang daw. 

Ito ang mga terms: hihiram ng ganitong halaga tapos babayaran daw in one month. Siya pa raw ang maghatid ng pera sa bahay, ang although wala sa vocabulary ko ang 5/6 nagvounteer pa siya na dagdagan niya ng 10%.  Sabi ko ... aba galante ... but at the back of my mind naglalaro ang tanong: magpabiktima ba ako sa isang taong mabulaklakin ang mga salita at dila? Are these signs of problem waiting to happen?

May pera naman akong nakatago at intended sana ito sa birthday ko last March 16. Dahil first time pa lang naman nanghiram ito ... at kababata ko pa nahiya naman akong tumanggi. So sinabi ko BASTA pagdating ng March 14 ... ibalik mo ang pera. Umpisa March 10 dadalawin kita sa bahay ninyo para maningil. Gusto ko sana biruin na pati ang 10% na sinabi niya ... pero huwag na lang.

Pagdating ng March 1o nagumpisa na akong nagparamdam as promised. Hinimas pa ang likod ko " May anim na araw pa sir. Darating ang pera ko anytime from now.  Ako naman naniwala naman. Mukha kasing sincere. At tumitingin deretso sa mata.

At dumating nga ang birthday ko, imbes na magpaparty ako ... ako ay nagsimba na lang at magmukmuk sa kuwarto.  Tawag at tex ang mga kapamilya at kaibigan pero bigla naglaho ang birthday na inaasahan. Sa sama ng loob ko buong maghapon akong natulog hanggang naitawid ko ang kinabukasan na walang kainan. 

Nakita ko siya the following day at buong ningning pa siyang nag-greet ng Happy Birthday. Wow sabi ko ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kaipokritohan in my modern lifetime. Kung mag-greet siya sa akin wagas ... at walang hibla man lang ng pag-alinlangan na payakap-yakap pa siya, to think na malaking perwisyo ang ginawa niya kahapon on my special day. I can't help it pero tumatayo ang balahibo ko at na-alibadbaran ako. 

At ito na po balik siya ulit sa mga promises niya (that were meant to be broken) - hindi ko alam kung ilang beses pa more na promises ang pagtiisan ko. Sinabi niya sa akin sa March 27 na raw darating ang pera. Fast forward tayo sa araw na ito (to make the story short) madilim pa ang umaga at tulog pa ang mga manok that signal the new day ... nandiyan na siya. Himala. Namamalikmata ba ako ... for once ngayon lang ako nakaranas ng ganitong excitement/pagaasam (pagnanasa ba iyon) na sana ito na ang araw ng kanyang pagbayad.

Dinukot niya ang bulsa niya at binigyan niya ako ng P200. Nagtaka ako kung para saan ito.  Akala ko yon na ang 10%. Muntik na akong mahulog sa aking silya ng sinabi niyang i-installment na lang niya ang kanyang pagbayad. Can you imagine ang perang pam-birthday ko pang-fisball na lang at kwek kwek ang halaga? At ilang buwan kaya niya kaya ang magbayad ng P200? At sino ba ang nagbigay ng karapatan dito at siya ang nagdidikta ng terms at maghihintay na lang ako kung ano ang napagdesisyonan at pabor sa kanya?

With this experience, I promise isusulat ko ito at sana marami ang makakabasa para matantiya nating lahat kung sino ang kumakatok sa ating pinto-an at sino ang mangungutang na nambubulahaw lang. Naisipan kong gumawa ng sixteen commandments below para balaan ang mga nagungutang na hindi lahat ng inuutangan ninyo ay malakas pa ... meron diyang mahina na at kung bubulagain mo na hindi ka makabayad - baka magka brain aneurysm pa yan at ma-stroke. May kargo de konsyensya ka pa dahil sa hindi mo mapigilang pangungutang.

Imagine ... deadly pala (nakakamatay) ang maghiram ng pera?

16 Commandments in Borrowing Money

 


16 Commandments In Borrowing Money

1. Thou shalt borrow money if you are forgetful or suffering from amnesia. Sigurado yan wala kang maala-alang utang.

2. Thou shalt not borrow money early in the morning ... it is not a buena mano sa uutangan mo. Baka imbes na pautangin ka ... SABON ang makuha mo.

3. Thou shalt not borrow money... if you have intentions of relocating to Timbukto Island. Ano yan borrow now ... hide later?

4. Thou shalt not borrow money ... if you don't have intentions of paying it back. Matindi ka ... bakit kaano-ano mo ba ito at gusto mong makalibre?

5. Thou shalt not borrow money ... dahil gusto mo lang makipagsabayan sa mga kaibigan mo. Bawal inggitero. Nakita mo lang na may Apple iphone 14 si BFF parang sinisilihan na ang puwet mo para mangutang?

6. Thou shalt not get offended ... kung sinisingil ka na. Kapal ng mukha noong nangutang ka ... tapos biglang nagnipis noong siningil ka?

7. Thou shalt not wait for the last minute para magbayad. Bakit nageexpect ka bang nakalimutan niya? Or ibigay na lang sa yo?

8. Thou shalt not feel blessed ... kung ang taong nabudol mo feel pissed and stressed. Umayos ka ... kailangan niya ang pera niya.

9. Thou shalt not think ... na hindi pa kailangan ng tao ang pera niya. Kapal mo ha ... in the first place, wala siyang plano na magpautang sa iyo. Naawa lang siya sa iyo.

10. Thou shalt not get angry ... kung nereremind ka lang ng pagbayad mo. Ikaw pa ang may ganang magalit? Kung sabagay marami na akong narinig ng kuwentong ganyan. Not new.

11. Thou shalt not block or unfriend the person na nabudol mo. ... at huwag mo siyang takasan. Yong FB at Twitter account mo lang ang tanging tulay niya sa iyo ... magtatago ka pa?

12.  Thou shall pay your dues sa araw na pinagusapan ninyo at pinagkasunduan. At huwag kang mag-gas lighting at sabihin mong malimutin ka talaga ... Di ba sinabi mong okey lang na sa next year na?

13.  Thou shall not ever think na magbayad ka ng installment. Anak ng pating naman.  Buo ang perang kinuha mo ... buo mo rin itong ibalik.

14. Thou shall not dictate the terms kung magkano ang hihiramin, kung kailan magbayad, at kung may interest na ipataw sa iyo. Ikaw amg nanghihiram ... ikaw ang magadjust.

15. Thou shalt not resort to lies ... makuha mo lang ang pera mo. Huwag kang magimbento ng kung ano-ano, kesyo na-hospital ang asawa mo or naaksidente ang anak mo.  Narinig mo na ba kung ano ang self-fulfilling prophecy? Kaya na-hospital yan ... dahil yon naman ang gusto at dahilan mo.

16. Huwag magpromise ng langit... if you can't deliver.  Minsan yong yabang at tabas ng dila mo ang didiin sa yo. People like you leaves people who borrows money ... a bad taste in their mouth.

OK folks?  Sana sa Holy Week na ito bibigyan ka ng pang-unawa na huwag lang sarili ang iisipin mo. Remember siya ang sumalo sa iyo noong ika'y nangangailangan. Isipin ang Golden Rule kung ayaw mong mangyari ang mga ginagawa mo sa mga inuutangan mo ... sa iyo.

Iwasan mo ang mangutang para lang may ipagyabang. Huwag mainggit, magselos sa kung ano meron ang iba.  Be contented with what you have.

Magbayad ng maaga ... huwag hintayin sisingilin ka pa ... at ipa-summon sa barangay.

Saturday, April 1, 2023

April Fools Day Nightmare


Masakit na April Fools Day ang nangyari sa akin kahapon. Naloko na ... nagpenitensiya pa ako. Tinalo ko pa Ang nagpasan ng krus sa Kalbaryo at mala-mais na pawis ang lumabas sa akin. I know it is Holy Week, but I don't think I deserved it to think na isang drum na pawis ang tumatagatak sa noo ko - at mahiya ang Pagsanjan Falls dahil halos tuyot na at dehydrated na ako.  

A certain group occupied the second floor of my building at naglipat sila April 1. Wala kami to welcome them... kasi may pinuntahan kami at dahil walang orientation siguro, kung sinong Herodes at Ponsio Pilato ang kumalikot ng circuit breaker at control panel. Pagdating namin ng 3 PM nakasindi ang emergency light.  "Ay brownout." sabi ni Fred. Wala na ang mga bagong lipat hindi siguro nakayanang na-fried sila sa kanilang sariling mantika.

So brown out daw ... kaya minabuti ko mag-stay sa fourth floor kasi mahangin doon at hindi mainit. Three hours din akong natulog.  Pagdating ng six PM brown out pa rin. At dahil madilim na, napansin kong kami lang yata ang brown-out. Naputulan ba kami? ... Pero sigurado ako ... nakabayad ako.

Nag-umpisa na akong magdasal na sana bumalik na ang ilaw. Halos basa na ako sa pawis at baka kung natagalan pa ... mga 10 pounds for sure ang bawas sa timbang ko. Indeed mahaba ang oras for those who wait. Nakaapat na playlist ng mga kanta ang napakinggan ko para malibang ... and  to pass my time. Hindi na ako nakatiis kaya naghanap ako ng karamay at tinext ko si Mike. Galing pa siya ng Iloilo ... kaya alas diyes na siya ng gabi dumating. Hindi ko nga alam na darating siya.

Naririnig pa niya ang mura ko sa first floor since I was not expecting him ... minabuti kong matulog in my birthday suit ready na tanggapin ang pre-Lenten Season na latigo at parusa na igagawad sa akin. At dahil walang ilaw, mga 1o minutes siguro ang paghanap ko ng i-phone ko para magamit na flashlight ... 10 minutes ulit para maghanap ng pajama na isusuot, another 10 minutes na pangangapa mula sa third floor and another 10 minutes para mabuksan ang glass door habang iniilawan ni Mike sa glassdoor. Narambol ang isang kumpol na susi kaya hindi ko mahanap ang susing compatible. I saw his reaction outside na unti-unti ng natutunaw dahil sa kabagalan ko. Hindi kaya sa galit at inis ... hindi lang niya pinahalata?

Pagkabukas ng glass door, deretso siya sa 4 na control panel, na kinalikot niya sa dilim. Expertise talaga ni Mike ang mag-kalikot sa dilim kahit walang ilaw. Kahit na magbutingting ng organ kahit nakapiring or eyes closed. Para siyang piyanista na si Chopin playing his obra-maestra - Nocturne in E flat major ... at sa bawat kumpas niya, napag-alaman niya later on na may nakikialam dito.  Iba na kasi ang mga placements ng napakaraming button.

Wala naman sigurong sisihin sa nangyari eh. The new tenants did what they can do under the circumstances  ... dahil walang orientation. At dahil mainit nga ... nangangapa rin sila siguro.  At dahil walang hangin balik sila sa pinanggalingan nila. And Mike was out to attend para makiramay at his grandmother's death anniversary.

Sa akin naman ... one thing is for sure. Nakalista sa palad ko ang pagiging biktima ko ng circumstances ... sa lahat ba naman ng araw ... sa April FOOL's Day pa?

Questions That Don't Have Answers


Sa dami nang araw at panahon isinabay pa nila talaga ang ACADEMIC BREAK namin sa HOLY WEEK.  Reklamo ito ng isang teenager na customer namin. "Disin sanay mahaba ang bakasyon namin ... may academic break na, may Holy Week pa. 
At sa Boracay pa."

At may pahabol siyang tanong sa amin na hindi namin masagot kaya inilagay na namin sa hashtag na ito.  "BAKIT ... ang academic break ba namin ay Holy Break?"

Madame Principal sagotin na!

New Venture and Adventure


Tuluyan ng pumalaot sa mundo ng pangungutang ang isang taong malapit sa akin.  Excited na raw siya sa kanyang bagong VENTURE at ADVENTURE.

May bago siyang naisip na paraan ... bago daw ito at kailanman hindi pa ito nasampolan. Sa tingin niya ang gagawin niya ay papatok ... "if you play your cards right ... it's like a breeze ... parang wala ka ngang inutang."

"Sigi nga ... sabihin mo na ..." sabi ko, "para makahanap ng mautangan." 

"This is the mature way of borrowing money," he started. "Uutang ka ... pagkatapos ang ibayad mo sa kanya ... galing din sa utang. HIHIRAM KA NG PAMBAYAD SA KANYA"

"Para-paraan lang naman di ba po? Pero huwag na ... thanks but no thanks ... ginawa na yan ng lolo ko sa lolo mo."

Friday, March 31, 2023

Forgivable or Forgetable


Yong mga KASALANAN na ginagawang paulit-ulit dahil ayaw makinig at matigas ang ulo ... FORGIVABLE ba or FORGETTABLE? Patawarin na lang ba or kalimutan na lang.

Depende siguro sa mood ... ma-PRIDE din kasi ako, kung maalon  ma-TIDE siempre, kung lutang ma-SURF, kung mahangin ma-BREEZE ... depende kung ang kasalanan ay MANTSA lang or LIBAG talaga.

Questions That Don't Have Answers


Una, bakit ang mga PRANING at TSISMOSA hindi fiction story teller or script writer ang trabaho? Mantakin mo naman ... wala namang ginagawa ang tao ... pero pilit nilang ginagawan ng kwento.

Ikalawa, bakit kung nagrereview ... walang PUMAPASOK sa utak? Pero kung nagooverthink kung ano ang ginagawa ng bf/gf sa oras na yon tinatalo ang Angat Dam sa rumaragasang tubig ng imahinasyon?

Sigi ... lahat ng PRANING diyan ... pakisagot.

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

The Last Will Be first, And The First Will Be Last."

Jesus told his disciples this parable (The Parable of Workers In The Vineyard) from the Gospel according to Matthew 20:1-16a) "The King...

Popular Posts