If you ask a stupid and a dumb question, in the eyes and ears of the one listening, you are stupid and dumb for asking one.
However, if you don't ask a stupid question, you remain stupid for not having the balls to ask and press for answers, even if in reality, your inquisitiveness thirsts for answers.
So choose your wild. Ikaw ba ang taong ayaw mapahiya dahil iniisip mo na ang iba will think na stupid at impertinente yung mga tanong mo?
Or ikaw yong tao na di bale nang tanga ang tingin ng iba sa iyo ... ang importante lahat ng katanongan mo ay nasagot at wala kang agam-agam or doubts sa mga nangyayari sa paligid mo?
Or ikaw yung taong parang si Kris Aquino na taklesa… hindi iniisip kung ang mga tanong niya ay nakaka-offend… at wala sa lugar? Tanong lang nang tanong, kesehodang may nasasaktan na?
Sa isang collab concert ng SB 19 at BGYO ... nagkita ang dalawang magkaibigan.
Francis: Ano ang ginagawa mo dito?
Nabigla at medyo na-offend si David sa tanong. Concert ito ... di lang ba tama na siya ay nandoon para manood at mag-enjoy? Alangan namang mag-GOLF?
Feeling ni David parang ini-ismol siya. Siya lang ba ang may karapatang manood ng concert at gulat na gulat siya na nandoon din ang iba? Siya lang ba ang can afford to shell out his hard-earned money para ma-enjoy ang kanyang gabi?
David: Wala lang (Dry niyang sagot)
Francis: Ano bang klaseng sagot yan? Wala lang? Nandito tayo para manood at magenjoy.
(O di ba ... alam niya rin pala ang sagot.) Wala lang ba siyang masabi at iyon ang una niyang naisip? Ginawa lang ba yon for the sake na makabati lang?
Ingat ingat lag mga tol ... lalo na kapag kaharap mo ay sensitive. Either sisirain mo ang gabi mo ... or sisirain mo ang gabi niya.



No comments:
Post a Comment