Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Monday, April 28, 2025

Was It An Empty Or Real Threat?



This is no fake news.  Inday Sara wants to shove an apple at Congressman Joel Chua's throat and wants him dead.

The report came from Inquirer.net, and this is the gist of what it said: During a campaign sortie for mayoral candidate Isko Moreno in Manila ... she was heard telling the audience and rival Apple Nieto, (who is eyeing the same congressional seat as Joel Chua) to ram an apple down Joel Chua's esophagus ... until he dies.

"Ibibigay ko itong apple na ito kay Apple Nieto. Ma’am, saksak mo ito sa bibig ni [Rep. Joel] Chua hanggang sa kanyang lalamunan hanggang siya ay mamatay,” Duterte said in her speech.

Palakpakan daw ang mga nanood. Yong iba ay nagtatawanan pa. Saan ka ba makakita na may isang taong papatayin ... at nakuha pa natin ang mag-high five?

Cong Joel Chua is the nemesis of VP Sara, and obviously, her vile rhetoric stems from Chua's being one of her impeachment trial prosecutors. That's how vindictive and juvenile the VP was ... and based on her demeanor, she meant business by totally eliminating anybody (na humahara-hara sa daan niya) ... whatever it takes. Walang pagbibiro doon ... uto-uto na ang taong maniwala that the VP was just being humorous and flippant..

Of course well well-meaning friends and DDS defenders would dismiss that as "hindi na kayo nasanay kay Inday ... kayo naman ... huwag maging balat sibuyas." This is the same strategy na ginagawa ni Panelo noong nagdaang regimen (nagbibiro lang si Sir) every time the President becomes abusive and threatening,

Kung nagyabang noon at sinabi  ni PRRD na magjetski siya at labanan niya ang mga Tsekwa (bakit tahimik lang si Sal ay hindi sinabi na nagbibiro lang ang pajet-ski-jetski niya) .... dahil ba sa ang mga one-liners na ito minahal si Digong  ng mga tao (whether magawa man niya o hindi ang  promisa ... is beside the point? 

Ang importante siya lang ang presidente na makapagsalita ng  ganoon.  Campaign promise or not ... magawa man niya or hindi ... okey lang.  Ganoon na tayo kababaw?

This time, however, kay Inday hindi na ito cute. Nasanay na ang mga tao sa mga bombastic na mga salita ni PRRD na wala naman katuturan at walang pinatungohan ... pagkatapos itutuloy pa rin kay Inday? Belib na belib sa sarili ha? Nagiisa lang ang Tatay mo ... and who ever copy his antics is nothing but a second rate trying hard copycat. At yon na nga ang nangyari ... hindi na ito binibili.

I don't know Joel Chua ... and I am not here to defend him. All I am asking: "Where has all our decency gone? Is the country going to the dogs, and that includes the candidates wanting to apply for the highest position in the land? Is this a new vogue with our leaders - lacking moral standards, no civility, where acting rogue or a thug rocks ... and reigns supreme?

Are we back to the Neanderthal age, where people are ill-mannered, brutish, and coarse?

To all those people clapping (until their palms turn brick red) dapat ba tayong matuwa at ipagbunyi ang ganitong kalakaran? Tayo rin ang reklamo ng reklamo sa kung sino ang mga leaders na inilagay sa gobyerno ... di ba tayo rin ang dapat sisihin dahil tayo rin ang nagluklok sa kanila sa pwesto? 

Merong mga iresponsableng namumuno sa gobyerno ... totoo yon ... dahil marami ding iresponsableng boyante ang Pilipinas. Namimihasa ang mga nasa gobyerno dahil pinalkpakan natin sila pagkayapos nila mag-nakaw or makapatay kaya.  Tanongin mo ang sarili .... kung isa ka sa mga ganoon?

Aba 2025 na ... magbago ka na. 

Sunday, April 27, 2025

Political Ironies


 If you are a senator and have gone far and beyond helping a friend by making lies ... inventing fake news ... or spreading intrigues ... did it occur to him/her that voters are watching them eagle-eyed like gold fish in the aquarium?

Was being truthful and voracious the foundation of their pronouncements ... and is credibility still important to them?

Did it occur to them that repeated lying can be a poison ... and the next time they open their mouth, no one believes them anymore?

Weeks ago, the good senator was in a TV interview with Karen Davila ... and he was all over the place, telling the audience na maraming Piattos sa Davao.

He was a man on a mission ... was he trying to convince the host and the viewers ... or was he trying to convince himself?

And now in his latest inquiry about the confidential funds of Leni... was he trying to spread suspicion ... or is he generating skepticism? Only he can answer that.

The voters, however, were asking: How can he stomached feeding those doubts when fact-checkers have openly admitted that Vice President Leni Robredo was not given any intelligence or confidential funds in her term ... and that was an open book.

You see ... putak siya ng putak ... siya lang pala ang hindi nakaalam ng sitwasyon ni Leni sa panungkulan ng amo niya.

Or nagtangatangahan siya to cast doubts and instigate questions para mabudol ulit ang mga tao ... that yes may mga tao nga bearing the name Piattos vis a vis pronouncements that the said names does nor exists.

Mabuti na lang nandiyan si Senator Riza H., refreshing his fast-declining memory.

Saturday, April 26, 2025

Ano Ba Ang Tipo Mong Senador?


 I agree with the message ... gusto ko pang idagdag sa list ang mga senador who values friendship ... pero pag mali na ang ginagawa ng kaibigan ... "walang iwanan" ... pero dapat paalalahanan ang may sala.

Sabi nga ni Madame Imee pag mali ay mali. Ang tama ay tama.

Hindi naman yata TAMA yong MALI na nga ang ginagawa ng kaibigan kakampihan mo pa ... or magbingingihan ka na lang.


Ayaw namin yong magiging SENADOR SILA PARA SA MGA KAIBIGAN NILA.

Nakalimutan ba nila na SENADOR DIN SILA NG PULIPINAS? Alin nga ba ang matimbang? Friendship ... ang mga pansarili mong interes ... or loyalty to the country?

Friday, April 25, 2025

Definition


Oh guys may bagong definition ang Boracay Summer Fun
-ayon sa isang matabil na babaeng hindi sinama ng boyfriend sa Boracay noong nagbisita ang mga candidates ng Miss Universe Philippines. (Naiiwan palagi sa bahay?)

Ayon sa kanya ang pagbakasyon daw sa Boracay ay 1% swimming ... 1% picture taking at 98% voyeurism. Bakit daw ... eh maraming nakabilad na hubad na katawan sa mala-asukal na buhangin ... sa beach man o mga hotels?

Ano ba ang connect? Ayan halatang 100% nagseselos. Mga tol ... pagpasensiyahan at pagbigyan na natin!

Thursday, April 24, 2025

Women Are Like ...


Women are like ... fruits.

It has its own taste ... sweetness ... and color. The only problem is that most men love fruit salad.

Model: Alexie Mae Smith - Miss Eco International 2025. She is from Leon, Iloilo.

Wednesday, April 23, 2025

The Tables Were Turned


Somebody needs to write about the reaction of senatorial candidate Rodante Marcoleta to his comment that "there is no such thing as the West Philippine Sea. Gawagawa lang nating mga Pilipino ang kathang yan. Kahit i-google ninyo ... walang kayong makitang ganyan".

In fairness, technically he is correct ... totoo naman  ang sinabi niya.  It is just ironical that Google responded without batting an eyelash ... isang aksyon na hindi inaasahan ng lahat ... at what do you know the fall-out exceeded initial expectations ... para itong isang sampal sa butihing senador.  

Wala pa isang buwan ... Google accepted the challenge ... at buong giting at ningning na naglitawan ang mga maps bearing West Philippines Sea to sites where it belongs. That with the blessing of course and the imprimatur of Google's hierarchy. Kung ako si Cong manliit na ako sa hiya.

Si Congressman naman, (whose claim to fame was when he architected the non-renewal of ABS-CBN franchise) ay piniling tumahimik na lang, although hindi niya ugaling magpatalo ng ganyan ganyan lang. Kung wala sigurong election sa Mayo ... sasagot yan. 

Ginamit niya lang ang utak niya this time dahil marami na ang pinahamak ang pagiging taklesa niya ... pati na sarili niya. Cool lang siya. As they say "discretion is a better part of valor."

Sa galing niyang abogado, I know kaya niyang lusutan ito pero pinili niyang the issue will die a natural death. I don't blame him ... with his numbers out in the abyss, what better things could he do than to keep his mouth shut. Well-meaning advisers must have discouraged him from actively waging a war and protected him from himself.

Was this divine intervention ... lecturing the powers about their excesses ... and stop acting sanctimonious and holier than thou when their motives reek vengeance and retaliation?

Karma is a bitch. It's time for him to take his humble p.

Tuesday, April 22, 2025

Political Ironies:




I saw this image the other day, and as a neutral political observer, I want to single out Camille Villar and Imee Marcos as the top spenders in the senatorial candidates. Ito na ba ang kalakaran ngayon? Pataasan ng ihi at yabang?

Imagine spending 2.1 billion pesos sa kaso ni Camille (naniwala ako sa balita, dahil wala pa nga ang hudyat ng eleksiyon may mga feelers na tatakbo siya at pinuno na ang sangkalupaan ng Pilipinas ng mukha niya hindi man maaninag kung anong position .,.. pero matalino ang Pinoy at nahulaan nila na sa Senado ang target niya.

For one ... last term na ni Camille sa House of Reps. Hindi na siya makabalik doon. Secondly last term din ng kanyang inang si Cynthia Villar sa Senate ... sino pa ba ang hahalili sa puesto niya kundi ang unica hija niya?

Yong kapatid namang si Mark Villar ... senador din ... eh saan pa ba isasalang iyon? Alangan namang for mayor siya sa isang probinsiya pero nationwide ang mga campaign posters? Eh nagbakasyon lang ako sa Panay ... tinadtad na ng feelers ang buong Iloilo, Capiz, Aklan at Antique. Nang pumunta naman ako sa Tarlac ang mga daan ay nagmumutiktik na mga larawan ni Camille.

It was overkill ... iba talaga kung may pera ka. The sky is the langit. Which brings to mind this question: Kung aabot ng bilyon ang gastos niya sa campaign ... paano ba niya ma-recoup ang investment niya? Paano na yong ROI (return of investment) niya?

To the uninformed, ROI is a financial metric used to evaluate the profitability of an investment by comparing its gain or loss relative to its cost.

Hindi naman pwede na parang bulag na lang siya at tapon ng tapon ng pera at hindi na niya inisaisip kung paano niya maibalik ang kanyang capital.

And if we are to believe the latest surveys ... mukhang tagilid ang laban ng prinsisa ni Manny at Cynthia. Kung minsan napapasok sa Top 12 kung minsan naliligwak na (para bang mga alimango ang mga huling senadores na nagpukpokan sa ulo at naghihilahan sila pababa lalo na yong Top 10-15.

The rule of the thumb is ... at this stage of the game ... while we are nearing the election finish line ... ang mga nangangamoteng senador na huling puesto ay talagang survival of the fittest na ang mood. Matira ang matibay. Kung pwedeng mangagat sila ... gawin na nila. And as usual the strategy is to fight with all your might ... or fight tooth and nail ... kinakagat na nila ang mga senador na nakapuesto ahead of them ... pati na rin ang mga kandidato na nasa likuran nila.

Si Madam Imee ganoon na rin ang sitwasyon. Akala niya noon she has the "best of both worlds". Yon bang kasama ka na sa kapitagpitagang line up ng mga senador under sa umbrella ni BBM ... aba hindi pa nakontento at gusto pa ring makuha ang mga boto ng mga DDS. At the back of her mind... "I can dream can't I" ... siguro gusto niya ring maging number 1. Eh kung nagawa ni Robin ... bakit siya hindi?

Voters, however, think otherwise ... that her game plan is a big No-No. They believe na si Manang Inday is playing safe at namamangka sa dalawang ilog. Ayan tuloy the strategy backfired at unti-unti nang nabubura ang nooy walang katalong-talong posisyon.

Sensing that, para makabawi ... aba, gumawa ulit ng panibagong ingay ... (para mapagusapan siya at ipakita ang galing bilang abogada). Nagpaimbestiga pa sila sa Senado (regarding some irregularities in PRRD's arrest). Ang triumvirate nila nina Bato at Cayetano has all the makings of a classic - nagtag team sila at ang performance nila tour-de -force ... at no holds barred ang assault.

Isa-isa nilang pinuksa ang mga kalaban sa hearing. The pyro-technics were non-stop ... without limits or constraints. And the three of them act aggressively ... para silang mga amasona na handang pumatay at magpa--girgir alang alang sa pinakamamahal nilang si Digong.

The rest was history at tuluyan na nga kinalaban niya ang kanyang brother. Ano ba ang dapat piliin: tanong ng marami: Kadugo o kaibigan? Dahil dito naturn-off na siguro ang mga botante at imbes na pumaimbulog ang pangalan niya sa langit-langitan sa latest surveys ... tuluyan nang naging malabnaw ang suporta ng mga dating supporters niya.

Balik tayo sa ating unang tanong: Paano ba maibalik ang ginastos nila at walang preno ang dalawang ito sa kanilang onslaught. Kung manalo magkano ba ang sueldo ng senador at buong akala nila mabayaran kaagad ang mga ginastos nila?

At paano na lang kung matalo ...Goodbye billions of pesos na lang na parang natalo lang sa casino?

I know mga mayayaman itong dalawa at hindi problema ang pera kung matalo man. Pero sa mga ordinaryong tao ... hindi maganda ehemplo at kahit saang angulo tingnan ... parang pinaglaruan lang nila ang pera ... kabaliktaran sa kung ano ang nangyayari sa kanila.

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Ang Pambansang ATM: Hero ng Pamilya o Sira-Sirang Machine?

  Sa dakilang kultura ng Pamilyang Pilipino, may limang pangunahing Social Class: ang Mayaman, ang Middle Class, ang Mahirap, ang Isang Kahi...

Popular Posts