The report came from Inquirer.net, and this is the gist of what it said: During a campaign sortie for mayoral candidate Isko Moreno in Manila ... she was heard telling the audience and rival Apple Nieto, (who is eyeing the same congressional seat as Joel Chua) to ram an apple down Joel Chua's esophagus ... until he dies.
"Ibibigay ko itong apple na ito kay Apple Nieto. Ma’am, saksak mo ito sa bibig ni [Rep. Joel] Chua hanggang sa kanyang lalamunan hanggang siya ay mamatay,” Duterte said in her speech.
Palakpakan daw ang mga nanood. Yong iba ay nagtatawanan pa. Saan ka ba makakita na may isang taong papatayin ... at nakuha pa natin ang mag-high five?
Cong Joel Chua is the nemesis of VP Sara, and obviously, her vile rhetoric stems from Chua's being one of her impeachment trial prosecutors. That's how vindictive and juvenile the VP was ... and based on her demeanor, she meant business by totally eliminating anybody (na humahara-hara sa daan niya) ... whatever it takes. Walang pagbibiro doon ... uto-uto na ang taong maniwala that the VP was just being humorous and flippant..
Of course well well-meaning friends and DDS defenders would dismiss that as "hindi na kayo nasanay kay Inday ... kayo naman ... huwag maging balat sibuyas." This is the same strategy na ginagawa ni Panelo noong nagdaang regimen (nagbibiro lang si Sir) every time the President becomes abusive and threatening,
Kung nagyabang noon at sinabi ni PRRD na magjetski siya at labanan niya ang mga Tsekwa (bakit tahimik lang si Sal ay hindi sinabi na nagbibiro lang ang pajet-ski-jetski niya) .... dahil ba sa ang mga one-liners na ito minahal si Digong ng mga tao (whether magawa man niya o hindi ang promisa ... is beside the point?
Ang importante siya lang ang presidente na makapagsalita ng ganoon. Campaign promise or not ... magawa man niya or hindi ... okey lang. Ganoon na tayo kababaw?
This time, however, kay Inday hindi na ito cute. Nasanay na ang mga tao sa mga bombastic na mga salita ni PRRD na wala naman katuturan at walang pinatungohan ... pagkatapos itutuloy pa rin kay Inday? Belib na belib sa sarili ha? Nagiisa lang ang Tatay mo ... and who ever copy his antics is nothing but a second rate trying hard copycat. At yon na nga ang nangyari ... hindi na ito binibili.
I don't know Joel Chua ... and I am not here to defend him. All I am asking: "Where has all our decency gone? Is the country going to the dogs, and that includes the candidates wanting to apply for the highest position in the land? Is this a new vogue with our leaders - lacking moral standards, no civility, where acting rogue or a thug rocks ... and reigns supreme?
Are we back to the Neanderthal age, where people are ill-mannered, brutish, and coarse?
To all those people clapping (until their palms turn brick red) dapat ba tayong matuwa at ipagbunyi ang ganitong kalakaran? Tayo rin ang reklamo ng reklamo sa kung sino ang mga leaders na inilagay sa gobyerno ... di ba tayo rin ang dapat sisihin dahil tayo rin ang nagluklok sa kanila sa pwesto?
Merong mga iresponsableng namumuno sa gobyerno ... totoo yon ... dahil marami ding iresponsableng boyante ang Pilipinas. Namimihasa ang mga nasa gobyerno dahil pinalkpakan natin sila pagkayapos nila mag-nakaw or makapatay kaya. Tanongin mo ang sarili .... kung isa ka sa mga ganoon?
Aba 2025 na ... magbago ka na.
No comments:
Post a Comment