Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Wednesday, March 29, 2023

Trending Now


Sa entertainment ... TRENDING ngayon ang Hori7on, Dash, Dirty Linen, Iron Heart at Batang Quiapo.

Sa daming trending, sumabay ka pa sa TREND - na manghiram ng pera na pahirapan ang pagbayad. What a sick entertainment!

May Amnesia Ang Pinoy?


Ang init ... tagos laman talaga, kaya si mister at si miss merong PLANO na magsummer break sa Palawan.  

Di ba wala silang pera? Problema ba yon? E di maghanap ng bagong uutangan... pure and simple.

It is ironical that this people who has vacation plans has several others na inutangan ... at wala silang PLANO magbayad ng utang bago man lang lumuwas this Holy week. Ang inutangan ay natengga ... at ang umutang ay lumabas ng lungga.

GMRC Para sa Mga Umuutang


Pawisan ako ... sa init ng summer ngayon...

Pero mas matindi ang pawis ... kapag hindi ka tinantanan ng mga naniningil. Ikaw kasi ang hilig mong mangutang. Ayan nakaisip tuloy ako ng 2 tip para Good Manners and Right Conduct ka pa rin bilang mangungutang.

1. Kapag ikaw ay sinisingil ... huwag mong ibunton ang iyong galit sa naniningil. Remember ... siya ang taong nabudol mo at the time na walang-wala ka.

2.  Kung gaano ka ka-soft spoken (nagbait-baitan) noong nangungutang ka at halos gamitin mo na ang langit pautangin ka lang ... sana isa ka pa ring tupa at hindi isang toro na handang susuwagin ang kahit sino ... at the time na sinisingil ka. Huwag naman ganoon.

Beach Scene


Eksena sa beach... nagre-wrestling ang isang napakabatang ina at ang kanyang 3 year old na anak, Papicture daw ang anak sa dagat para souvenir ... eh wala sa mood ang bata.

Mom: Magtigil ka sa kaarte mo ha.  Tamaan ka sa akin. AT NGUMITI KA ... at WAG GUMALAW (her voice booming catching the attention of passersby).

After two days... nakabalandra na si baby sa facebook at may hashtag pang "Love of my Life." (Disclaimer: The photo used is not related to the story)

Tuesday, March 28, 2023

Summer Is Here


OMG ... Ang init! Yong bahay namin lagusan yata ng mainit na hangin galing sa pugon ng BBQ kiosk ... nasa kanan malapit sa amin. Nakakapaso. 

Kailangan talaga ng aircon ... otherwise matosta at ma-heat stroke ka. On the other hand kapag matigas ang ulo at pinili mong mag-electic fan or air con  ... pagdating ng bill mayanig at mastroke ka rin sa laki ng babayarin.

Nagmeeting nga ang family kahapon ... kung ano ang katanggap tanggap na paraan para mamatay ... ang ma-stroke sa init o ang ma-stroke dahil sa sky-rocketing bills. Sigi pili na!

Summer Flip-flop


Ang Pinoy ba ay parang si Raul? Hindi naman siguro ... pero ang state of mind natin is quite ironical.

Kapag tag-ulan ayaw natin ang baha ... kaya gusto natin fast forward at sana summer na. Kapag summer naman ayaw natin ng init ... so how we pray na tag-ulan na.  Kahit maputik at least hindi ka nanlilimahid sa pawis at usok.

Kapag tag-lamig naghihimutok ang iba dahil hindi uso ang pagpunta sa beach at hindi nila masuot ang pinagkakaingatang two-piece.  Kung tag-init naman gusto nila magka-perfect tan pero kung natutong sa init at sunkissed na ... nagumpisa na magpunta sa mall para bumili ng Kojic at Likas papaya.

Kapag summer ... patok na patok ang halo-halo at fruit shakes at nilalangaw ang batchoy at lomi. Pero huwag ka ... pag-tag-ulan ulit ... nabaliktad ang sitwasyon balik sa freezer ang halo-halo at selling like hotcakes ang pagkaing may sabaw.

Sala sa init ... sala sa lamig! Nasasakyan mo ba ang utak-Pinoy?

Summer Irony


Kung tag-init ... gusto nating magtravel (sa Boracay for example) para MAG-WALA! Para makita ka at makita sila (to see and be seen). Pagkatapos mag-wala ... anong nangyari ... at gusto mo ulit MAKITA and iyong sarili?

In English ... during summer we travel so we can LOOSEN UP a bit after having a TIGHT and hectic schedule ... something like TO LOSE ourselves even momentarily. What we didn't expect was after this summer fling ... why are we in full mode trying to FIND ourselves again?

Gusto magwala ... at siya nga'y nawala? Ngayon hahanapin ulit ang sarili. Saan sa buhangin? Confusing ba? Itong si Raul talaga!

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Ang Pambansang ATM: Hero ng Pamilya o Sira-Sirang Machine?

  Sa dakilang kultura ng Pamilyang Pilipino, may limang pangunahing Social Class: ang Mayaman, ang Middle Class, ang Mahirap, ang Isang Kahi...

Popular Posts