Pawisan ako ... sa init ng summer ngayon...
Pero mas matindi ang pawis ... kapag hindi ka tinantanan ng mga naniningil. Ikaw kasi ang hilig mong mangutang. Ayan nakaisip tuloy ako ng 2 tip para Good Manners and Right Conduct ka pa rin bilang mangungutang.
1. Kapag ikaw ay sinisingil ... huwag mong ibunton ang iyong galit sa naniningil. Remember ... siya ang taong nabudol mo at the time na walang-wala ka.
2. Kung gaano ka ka-soft spoken (nagbait-baitan) noong nangungutang ka at halos gamitin mo na ang langit pautangin ka lang ... sana isa ka pa ring tupa at hindi isang toro na handang susuwagin ang kahit sino ... at the time na sinisingil ka. Huwag naman ganoon.
No comments:
Post a Comment