Ang Pinoy ba ay parang si Raul? Hindi naman siguro ... pero ang state of mind natin is quite ironical.
Kapag tag-ulan ayaw natin ang baha ... kaya gusto natin fast forward at sana summer na. Kapag summer naman ayaw natin ng init ... so how we pray na tag-ulan na. Kahit maputik at least hindi ka nanlilimahid sa pawis at usok.
Kapag tag-lamig naghihimutok ang iba dahil hindi uso ang pagpunta sa beach at hindi nila masuot ang pinagkakaingatang two-piece. Kung tag-init naman gusto nila magka-perfect tan pero kung natutong sa init at sunkissed na ... nagumpisa na magpunta sa mall para bumili ng Kojic at Likas papaya.
Kapag summer ... patok na patok ang halo-halo at fruit shakes at nilalangaw ang batchoy at lomi. Pero huwag ka ... pag-tag-ulan ulit ... nabaliktad ang sitwasyon balik sa freezer ang halo-halo at selling like hotcakes ang pagkaing may sabaw.
Sala sa init ... sala sa lamig! Nasasakyan mo ba ang utak-Pinoy?
No comments:
Post a Comment