Si Alan Peter Cayetano - "Ateneo Law ako. Si Pia Cayetano UP Law daw. Ano ba ang mga nangyari sa Senado... pataasan ng ihi?
Si Robinhood Padilla taga-UP din… University of Prison din, sabi ng mga memes.
********************
Speaking of nilalamon sa pre-trial... nilalamon daw ni Atty. Sheila Sison si Cong Gerville Luistro. Inabangan nga namin ang mga opening statements para makita ang paglalamon in vivid color.
Fake news yata ang balita. Sa nakita ko, maliwanag pa sa sikat ng araw... kung sino ang nilalamon nino.
********************
House prosecutors claim victory on the second and third day of the evidence presentation. The DDS claims victory over every objection of Atty Narvasa.
Kahit saan mo daanin... DDS palaging panalo na lang, kahit nilalamon. Kahit sa panaginip.
*******************
Napapansin din ang mga dirty tactics ng defense sa pag-cross-examine. The tactic where the defense asks the witness an improper question (or makes a suggestive statement) and immediately withdraws it after an objection ... is known as "insinuendo" or a "speaking objection".
In legal lore, attorneys sometimes deliberately employ this to inject unverified claims and plant seeds of doubt in the minds of the public or the judge, even if the statement is struck from the record.
*******************
May isang question sa impeachment ang hindi nakaligtas sa mata ng mga miron. Ang pahayag ba ni VP Sara sa video ay isang absolute threat o conditional threat?
The mood changed. And the room stood to a stand still. Because if the answer is the former ... ibig sabihin may bigat ang usapin. And if it is that serious ... nobody can just shoo it away from the political debate.
*******************
One alert netizen asked: "Bakit may mga senador na parang sila na ngayon ang nag-aabogado sa kampo ni Inday Sara?
Hindi ba ang tungkulin nila ay senator judges ... hindi ba trabaho nila ay maging batas? Hindi ba tungkulin nila ang timbangin ang ebidensiya ... hindi ang magtayo ng depensa?
*******************
"Kapag ang senator judge ay abala sa pagtatanggol… kaysa pakikinig… natural na nagtatanong ang publiko.
"May kinikilingan ba? May pinoprotektahan? O may kinatatakotan ba?"
*******************
"May ilang senador ang parang nagbibigay ng leksyon sa kapwa senator judge na parang mas mataas ang kanilang position?
Walang senador ang dapat diktahan ang kapwa senator judge kung paano ito mag-isip o bumoto. Kung nangyayari 'yan, hindi na patas ang proseso. At kung hindi patas ang proseso ... diyan nasisira ang tiwala ng taong-bayan."
*******************
"Marami rin ang nakapansin na parami nang parami ang mga taong parang invested na ipagtanggol ang isang panig."
At sa politika ... kapag masyado kang emotional sa isang laban hindi mo na namamalayan na nilalantad mo na ang iyong pagkiling." Nawawala na ang impartiality. Ang pagiging objective.
*******************
Umeksena na naman si Senator Cayetano: Is he trying to threaten the witness? "Ipapakulong kita Mister Witness, pag nagsinungaling ka under oath.
It is not a threat ... I am just telling you the law. Coming from a senator?
******************
"Si Robin Padilla ay judge na hindi mukhang neutral," complain ng isang netizen.
Mula sa umpisa ... bago pa man maipresenta ang mga ebidensya ... alam na ng mga tao ang hatol niya ... NOT GUILTY! Ganyan siya ka-impartial. Hindi halata.
********************
Isang netizen ang nagtatanong kung ano ang papel ni Robin sa impeachment ni Manang Inday. Judge ba siya o abogado ni Sara?
Walang impartiality o bias si Binoe, huh?. Kagalang-galang yan. Hindi kayo talaga ililigaw niyan sa tanong na ’yan.
*******************
Sen. Robin suggested na hanapin raw ng witness ang raw file ng live stream ng video na nag-threat daw si Inday? Take note ... live stream hah at ... binobroadcast ang event in real time. Kung deleted na ang livestream sa FB page, malamang pati encoded copy deleted na rin.
Experts said ... "A livestream does not have a 'raw file' in the traditional sense (like uncompressed cinema footage)." Because of the internet bandwidth, cameras immediately compress the video.
*******************
Original at reproduced, pareho lang naman ang mga banta ni VP Sara. Kung ano ang makikita sa original… ganoon din ang makikita sa generated copy.
Whether the video is original or copied ... nagdudumilat ang mga banta ... no sane mind will alter or splice the video if that is what they are insinuating. Masama na ang mga banta ... para qué pa at pasasamain pa? Kung nag-iingat ang NBI ... they will never touch the video with a 10-foot pole. That's not how the NBI operates.
*******************
Robin was quoted as shading the NBI Forensic expert after his cross-examination: "Alam mo talaga ang mga bayaran. Kahit alam nila ang katotohanan, ILILIGAW TALAGA NILA ANG MGA TAO.
Netizens fire back. "Thinkers are doers. Gawain daw nila ’yan ... kaya alam nila ang galawan. "
****************
"Ang taong marumi ang isip, iyon ang gumagawa ng marumi."Ang pagtingin ng tao sa kanyang kapwa na marumi siya ay madalas na repleksiyon ng kanyang sariling pagkatao at mga sikretong ginagawa.
Si Robin mismo ang magpapatunay diyan. Nang tanungin ng reporter kung alam niya kung nasaan si Senador Bato ... ang sagot niya ay "Kung alam ko, hindi ko sasabihin sa iyo." Get my point?
*******************
Kaya when Robin was accused na tinulungan si Bato na tumakas ... paniwalaan ba natin siya? "Naglalakad lang naman kami. Hindi kami tumatakas. Hindi kami tumatakbo. Ang daming pulis doon. May mga CCTV pa."
"Kahit alam niya ang katotohanan sa pagpuga ni Bato, maatim KAYA NIYANG ILIGAW ANG MGA TAO?
*******************


No comments:
Post a Comment