Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Thursday, December 4, 2025

GHOST Senator si Bato?


Ilang linggo nang absent si Bato. Natsismis lang na nag-issue ng warrant of arrest ang ICC ... aba eh nagtago na. Eh marami ang nagtatanong ngayon kung dapat bang sweldohan si Bato?

Sa ordinaryo kasing mga Pinoy ... kung palagi kang absent pinapatawag ka agad ng Human Resources? Either may WARNING ka ... or you're a candidate for SUSPENSION.  Or possible pang TERMINATION ang hatol mo.

                                           >>>>>>>>>

Kung hindi ka kasi nagrereport for work ano ba ang dapat: may sweldo or wala? Most possible WALA ... lalo na kung hindi ka nagpapaalam. Or hindi importante ang dahilan. At basta ka na lang hindi nagpakita.

Too bad hindi tayo katulad ng mga senador ... hindi applicable ang No Work No Pay sa kanila. Iba ang kanilang mga rules at protektado sila nito. Wasn't Manny Pacquiao absent from Senate sessions for months because of his boxing matches? People were saying SANA ALL when GMA News reiterated that he still receives his salary and his allowance kahit hindi nakikita ang anino niya sa Senado.

Bato will receive the same entitlement ... and will receive salary despite his absence ... whether nagpaaaalam man siya o wala.

                                             >>>>>>>>>

I can't blame the ordinary Juan de la Cruz, if the disparities between Sen Bato vis-à-vis their own personal experience ... make them entertain ideas na ang agwat nila ikumpara sa mga senador ay parang langit at lupa? 

Yong feeling ba na kung sila ay mag-absent e di wala silang kita? Yon bang kahit masama ang pakiramdam, babalik sila sa trabaho kasi ayaw nilang may bawas and sweldo nila. Every cent counts.

Tapos si Bato ... kahit nagbubulakbol at naglalamierda lang... tuloy ang biyaya kahit hindi naman niya pinagpaguran? "Saan ba ang hustisya diyan?" daing nila.

                                            >>>>>>>>>>>

Tapos maririnig nila itong mga balita at patextex na lang si Bato at nagbibiro pang ... "Senator Lacson matatalo ko na ang record mo." He meant kung sino sa kanila ang top scorer sa pagka-lakwatsero at may mahabang pagtatago at pag-aabsent sa trabaho. Dapat pa palang ipagmalaki yon?

I find it too juvenile for a Senator of his stature ... hindi na nga siya nagrereport ... sumusweldo pa siya ... and he skipped the budget deliberation for DND at iniwan na niya ang kanyang budget duties na sinalo na lang ni Sen Win Garchalian ... tapos dinaan na lang sa biro ang lahat? 

Acceptable ba yon? How do those people who made him number 3 in the ranking in the last election feel about his condescending jokes, his disappearance, and his abandonment of work?

                                          >>>>>>>>>>>>

One podcast host wanted to see the glass half-full, painting an optimistic and hopeful outlook on Bato's absence from the Senate plenary.

He said it with stars in his eyes: "Look at it on the bright side ... Imaginin ninyo na kung wala si Bato sa Senado ... e di maayos ang kanilang discussion. Nababawasan yong mga offkeys ... at walang masyadong arguments." 

Kung ako yon maiinsulto ako. Pero may point ang podcaster! Kung wala nga si Bato bihira lang ang walang kawawaang mga grandstanding. Hindi na rin natin maeexperience yong pag-aabogado niya (kahit hindi naman siya abogado) ... at yong shrill voice niya tuwing nakikipagdebate siya ... na para bang he is always in the precipice of an impending stroke nabawas-bawasan na rin. What a relief di ba?

                                         >>>>>>>>>>>>

Ang hindi ko lang maintiendihan ay kung bakit nauwi tayo ngayon sa pagtatago ni Bato?

Hindi ba siya yong machong PNP chief at architect ng Oplan Tokhang na buong tapang at kayabangan na winasiwas si Sen Tri at pinagsalitaang: "Go ahead make my day Mr. Trillanes ... ikaw pa ang magposas sa akin". 

Dati yon ... pero ngayon ... hindi pa nga official na meron nga siyang warrant sa ICC ay nag-iba ang ihip ng hangin. Ang BATO ay nagiging MARSHMALLOW. At napakahirap tanggapin at lunukin ng mga tao na ang isang bato ay may kalambotan rin?

                                             >>>>>>>>>>>>

Tapos buong ningning niyang  isinuot ang kanyang superhero  outfit sa kanyang patuloy na pagkunyari yong tahasang sinabi niyang: " Sigi na hulihin na ninyo ako ... mabuti na rin iyan at maalagan ko si Tatay Digong." How noble!

Again, that was before. Iba ang present tense. Hindi nga siya msigurado kung nagba-bluff lang si Ombusman na huhulihin na siya ng ICC ... umalis bigla at naglaho ito ng napakabilis at nagmamadali. Nagmuka tuloy siyang GHOST SENATOR,

Taliwas ito sa pinapakita niyang image na napakatapang nga niya. Di ba malaking tulong nga ito kay PRRD na at least may nakakasama na siya sa the Hague ... at may ka-ututang dila pa. Lip service lang pala yon .... at walang sincerity? Tiyak turn-off si PRRD niyan. Minus point yan!

                                        >>>>>>>>>>>>>>

And then I also remember ... how his mouth froths at buong dalisay niyang ipinagsigawan sa kanyang political opponents ang kanyang paboroting narrative: "Kung wala kang maling ginawa ... bakit ka tatakbo at magtatago?" Totoo naman eh.

Kaya lang may  sa pagkademonyo ang salitang yan at kusa siyang binabalikan ngayon at sarkastiko pang inuusig siya.

You're right Bato ... bakit nga matakot ka kung wala ka namang kasalanan di ba? It is time to prove your critics wrong and look them in the eyes na Yes walang masama sa Oplan Double Barrel. Walang masama sa EJK ... at maganda ang objective ng Oplan Tokhang.

                                      >>>>>>>>>>>>>

No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Satire: Analyzing The Analogy

  Mike Defensor, a man known for his political acrobatics and uncanny ability to land on his feet (or at least, near a microphone), has gift...

Popular Posts