Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Thursday, February 27, 2025

And The Survey Says


In one of the surveys conducted by WR Numero ... masakit sa mata ... at masakit sa damdamin na makita ng sambayanan ang resulta nito. 47% daw ng mga Filipinos ay hindi pabor sa impeachment.

"Ganito na ba ka-duwag ... ganito na ba ka-manhid ... or marami lang talaga ang BOBO within our midst ... or talagang wala silang paki-alam sa politika?" panaghoy ito ng isang political pundit na frustrated na at tila sumusuko na siya sa walang pakialam na attitude ng mga Filipino.

Sabi ng isang kaibigan: "To think na ang 47% na ito ay siyang  nagbenta na kanilang boto tuwing eleksyon ... sila rin yong mga tumanggap ng mga ayuda ... sila rin yong pumipila sa paghingi ng tulong sa mga politiko ... tapos maririnig na lang na hindi sila sangayon na panangutin ang mga nagnakaw sa pera ng bayan at bigyan ng hustisya ang walang konsiyensiyang paglustay ng pera na hindi naman kanila?"

Sabi nga ni Congressman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur: "Impeachment is a solemn constitutional process based on facts, evidence and the rule of law. The House of Representatives are fulfilling its duty to the Filipino people - panagutin ag may sala ituwid ang mali, at ipagtanggol ang batas."

Oo naman.  Kung ganito pala ang pananaw ng 47% sa atin na okey lang na iwaldas ang pera sa kaban ng bayan ... and the culprits will go scot-free na parang walang nangyari kahit million or billion na ang involved ... where does that lead the Philippines? 

Pakiramdam ko ... ang komposisyon ng 47 % na ito ... sila rin ang mga taong okey lang sa kanila at wala rin silang pakialam kung maging probinsiya tayo ng China ... na okey lang kung binonomba ang ating mga sundalo at barko ng mga coast guard ng kalaban ... at lalong mas okey kung tuluyan ng mawala sa atin ang mga isla sa West Philippine Sea.

The people's apathy (their lack of interest, impassiveness, and indifference) is alarming. Eh kung ganyan na lang ng ganyan ang pananaw ng mga Filipino ... saan na tayo pupulutin? Sa kangkongan?

Malapit na naman ang eleksiyon. Sila na naman ang mga taong buong pusong kukuha ng mga perang nakaipit ... kapalit ng boto nila. 

Basta usapin sa pera ... count me in ang mantra nila. Pero sa usaping impeachment ... iwas pusoy na.

No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Political Ironies

BBM was heard saying he has no role in the impeachment of VP Sara. Fiona thinks otherwise. She pointed out that Marcos has consistently made...

Popular Posts