Mga tol ... may homonym/homophones din ba sa Tagalog? Kung sinabi mong wala ... sana sinabi mo na lang na hindi ko alam. Lahat naman yata sa salitang English may katumbas sa Tagalog.
Teka nga maka pagreview nga ng definition ... ano nga ba ang homonym at homophones. Ang homonym, sila yong mga salita na magkasintunog at pareho din ang baybay. Ang homophones naman magkasintunog sila ... pero iba ang spelling at iba din ang kahulugan.
Example 1 -tubo
1. tubo - sugarcane - mabilis ang pagkabigkas
2. tubo - pipe - malumay
3. tubo - profit - maragsa - may diin sa O
4. tubo - grow - maragsa - may diin sa O
Example 2 - Paso
1. paso - flower pot - maragsa - may diin sa O
2. paso - burned - maragsa - may diin sa O
3. paso - expired - mabilis ang pagkabigkas
Example 3 - basa
1. basa - to read - malumay ang pakabigkas
2. basa - wet - maragsa - may diin sa A
3. basa - what I think - mabilis -Ex. Ang basa ko sa mga nangyari
Example 4 - baba
1. baba - chin - malumi - may diin sa ikalawang pantig
2.baba - to go down - maragsa - may diin sa A
3. baba -mouth in Bisaya - malumi - may diin sa una at ikalawang pantig.
No comments:
Post a Comment