Bawal magsinungaling this Holy Week!
Kapag sinasabi ng simbahan na mag-fasting tayo sa Holy Week ... naniniwala ako at sinusunod ko.
Pero kung ISDA vendor ang nagsasabi na bawal kumain ng KARNE this Holy Week ... bakit may bahid malisya ang tabas ng pananaw ko sa mga sinasabi nila?
Believable ba sila? Naglalaro at nagsuspetsa kasi ako na sinasabi lang nila yon ... hindi dahil naniniwala sila sa sinasabi nila. Hindi kaya ginagamit lang nila ang mga teaching ng simbahan sa Holy Week (katulad ng fasting) para maagang maubos ang paninda nila?
Bawal din ang magbintang sa Holy Week. Nagtatanong lang po!
No comments:
Post a Comment