Be man enough to accept responsibility sa lahat ng pinaggagawa mo. Ginusto mo yan ... panindigan mo.
Sa totoo lang ... ikaw mismo ang sumisira sa sarili mo. Ikaw ang gumagawa ng mga desisyon mo ... and you never ask the opinion of others ... dahil sa isip mo kung maging successful ang ventures mo ... solo mo rin ang credit.
Pagkatapos kung mabulilyaso ... maglinis-linisan ka at maghanap ng taong sisihin mo at pilit mong nilalayo ang sarili mo sa mapanuring hatol ng mga tao. Kasalanan nila ... at hindi mo kasalanan.
Kung nagkamali ka ... nagkamali ka. Pero ang sisihin mo ang iba ... at sabihin mong sila ang rason kung bakit ganyan ang estado ng buhay mo is the height of hypocracy ... at hindi katanggap-tanggap.
No comments:
Post a Comment